First and Last

34 3 3
                                    


"Hindi ka naman magagalit sa isang tao kung hindi ka nagmamahal, hindi ba?  Pero bakit ganun! Kahit nagagalit ako sa lahat ng ginawa mo, heto, at kayang-kaya na agad kitang patawarin. Isang sorry lang ang hinihingi ko. Isang sorry lang at ayos na ulit lahat! Isang sorry lang at okay na ulit. Bakit ha? Bakit hindi mo mabigay ang gusto ko? Masakit na makitang nandyan ka at wala na akong magawa kundi tanggapin na lamang lahat ng nangyari. Ang dali mo namang sumuko. Pero bakit hindi kita kayang sukuan?" sinabi ko lahat ng 'yan sa harapan niya. Mali, hindi, hindi maaari. Sa katawan niyang hindi na alam ang paghinga at pagtibok ng puso. Sa katawan niyang wala ng malay at kwenta.

Nakatulala ako ngayon sa labas ng aking silid-aralan, habang iniisip ang mga masasayang kaganapan sa aking buhay. Lumilipad na naman ang aking isipan. Nawawalan na ako ng pag-asa dahil pakiramdam ko ay ipinagkait niya sa akin ang nais kong kasiyahan. Ilang beses ko na nga bang natanong ang bagay na iyan?

Eto ang pinaka-ayaw ko sa lahat.Ang pilit na pagalala ko sa mga bagay na walang patutunguhan.

"Konting pilit pa, meron at meron ka ding masayang bagay na maaalala." pilit ko pa sa sarili ko habang ipinagdadasal na may maalala manlang ako kahit konti. "Para lang may mapasa ako kay Ma'am, jusko!" pagkausap ko sa sarili ko.


Bigla nalang pumasok sa isip ko ang iba't-ibang pangyayari sa buhay ko. Nagkakagulo, halo-halo. Sa sobrang dami nito ay hindi ko na alam kung anong uunahin ko.

Kasama dito ang unang pagkakilala namin.

Unang date namin.

Unang halik niya sa akin.

Unang away namin.

Unang beses na maghiwalay kami.

Pangalawang beses na pagbabalikan namin.

Iba't iba. Halo-halo.

"Bakit wala paring interesante?" tanong kong muli sa sarili ko. "Sige na po! Kahit hindi totoo, may mapasa lang po."  desperado na ako. Mahuhuli na naman ako sa deadline at mapapahiya na naman sa pagiging iresponsable ko. Napapikit na lamang ako sa sobrang inis sa sarili ko.

Sama-sama kami ng pamilya ko sa araw na iyon. Bisperas iyon at naghahanda ang buong mag-anak para sa araw ng Pasko. May nagkukulita't naghaharutan, may nagkwekwentuha't nagchichismisan, may na kakamustahan at syempre, may nag-iiyakan. Pero kahit na ganun, alam ng lahat ng naroroon na masaya ang araw na iyon para sa kanila. Muli na naman kaming nagkasama-sama. Nagsama-sama dahil sa okasyong kung tutuusi'y napakahalaga para sa lahat.

Marahil para sa iba'y simpleng bagay lamang lahat ng iyon. Simpleng handaan at simpleng samahan. Simpleng bagay sa mga taong lumaki ng may mga ngiti sa labi. Mga taong hindi naranasang magkalinga ng pagmamahal sa taong ayaw na sa'yo. Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan. Nandoon lamang sila. Nandoon para gumabay sa agos ng iyong buhay.

Wala nang mas sasaya pa para akin noong araw na iyon.  Muli na namang Niya kaming pinagsama-sama.

Nakakalungkot mang isiping hindi siya gumawa ng paraan para makita't makasama kami. Kung wala pang okasyo'y hindi siya uuwi't makakasama kami.

"Ma, salamat sa araw na ito. Salamat kasi nandito na ulit si Papa at kasama natin siya ngayon sa araw ng Pasko."

Hindi ko alam kung nasa isipan ko lamang ang lahat ng ito at imahinasyon lamang ang lahat ng pangyayari na nakapagpabago sa buhay ko. Ngunit isa lamang ang nasisiguro ko, wala nang mas sasaya pa kapag kasama mo ang pamilya mo sa araw ng Pasko.

At ayun ang una at huli naming pagsasama.

"Okay, Ana. This is the last session for your second treatment. Looks like you're not fully fine because of your recent accident and you're still imagining things that never exsisted and never will. Sorry to say, but no, hindi ka pa pwedeng lumabas sa Mental Hospital na ito."



A/N;  Ewan ko ba kung bakit ganito yung naging takbo ng short story na 'to. haha! Thank you for reading! :) Baguhan lang haha.


Amnesia Girl (Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon