Hi ako nga pala si Marion Frederick Gamboa but you can call me Marick, 20 years old, 3rd year college at Greenland University. Physical features matangkad, maputi, matangos ilong, may dimples. Varsity din ako ng Basketball kaya maraming nagkakagusto saken pero dahil nga minsan unfair ang buhay hindi maganda ang love life ko. Maintindihan mo ang love life ko sa tanong na Bakit di ka crush ng crush mo? Pero Love na kase yung saken hindi lang basta crush. Ginawa ko lahat para lang maramdaman nya na mahal ko sya pero manhid lang ata sya o talagang may mahal syang iba. Sya si Irish Nicole Pineda friend ng friend ko. Nakilala ko sya nung acquaintance Party ng School namen. Na Love at first sight ata ako sa kanya.
Ako nga pala si Irish Nicole Pineda, 20 years old, 3rd year college at Greenland University. Maputi, maganda daw, matalino at mabait daw. May boyfriend ako si Ken Joseph Lee mahal ko sya mahal na mahal ko sya. Sya na yung gusto kong makasama habang buhay kaso hindi ko alam kung ganun din sya saken. Buti na lang anjan si Marick para pagaanin ang pakiramdam ko pag umiiyak ako. Promise the best syang Friend.
I'm Ken Joseph Lee, 21 years old, 4th year college sa Greenland University. Gwapo ako, gwapo at gwapo hahaha kaya maraming nagkakagusto saken. May Girlfriend ako si Irish Nicole Pineda masyado syang sweet ayaw ko ng pinaparamdam saken na ako lang ang mundo nya dahil hindi ako naniniwala don.