"Oh Irish asan boyfriend mo bakit nagiisa kang naglalakad? Tanong ko sa kanya
"Ah busy daw sya eh may gagawing project"
"Sus busy, tara na lang sa mall maaga pa naman libre kitang Zagu"
Napangiti sya sa sinabi ko kaya parang nanalo ko s lotto. Ganito ko s buhay ni Irish taga pag pangiti nya kapag malungkot sya. Gusto kong gampanan yung mga bagay na hindi kayang ibigay ng boyfriend nya sa kanya dahil mas nasasaktan ako pag nasasaktan sya.
"Oh may add pearl na yan"
Favorite nya kase yung sago sa zagu kaya lang sya nabili nun dahil sa sago.
Habang nagalalakad kame sa Mall ay nakita namen si Ken na kasama ang barkada nya. Hinawakan ko ang kamay nya lalong nadurog ang puso ko ng makita syang ngumiti saken. Ansakit lang dahil alam mong nasasaktan sya pero nakuha pa nya ngumiti. Hinatid ko sya sa bahay nila. Kinaumagahan sinundo ko ulit sya pero halata sa mata nya ang pagiyak. Niyakap ko sya pero humiwalay sya sa pagkakayakap saken. "Don't worry ok lang ako, wala syang kasalanan, kasama sa nagmamahal ang masaktan". Yun yata ang pinaka sinungaling na sagot na makukuha mo sa isang tao OK LANG AKO . Kasama nga ba sa nagmamahal ang masaktan siguro nga kaya nasasaktan din ako. Hindi ko masabi sa kanya na mahal ko sya dahil ayaw kong masira ang pagkakaibigan namen.Then one time nakita ko syang umiiyak sa may park syempre nilapitan ko sya.
"Irish bakit ka umiiyak?"
Niyakap nya ko. Syempre ang sarap ng feeling na yakapin ka ng mahal mo.
"Iniwan na nya ko"Biglang bumalik yun diwa ko sa narinig ko. Sakit at galit ang nararamdaman ko ngayon. Sakit dahil yung pinapangarap ko pinapaiyak lang ng iba, Galit dahil wala ko magawa para mawala ang sakit na nararamdaman nya. Kung pwede ko lang sabihin sa kanya na ako na lang ang mahalin nya at hinding hindi ko ipaparamdam sa kanya na balewala sya saken at higit sa lahat hinding hindi ko sya sasaktan.