Sa piling ng iba

235 9 6
                                    

"Ryan mahal kita and I don't know what would I become kung wala ka kaya from now on girlfriend mo na ko!" Ngumiti si Hannah ng pagkalaki-laki dahil ngayon ang araw na sinagot niya si Ryan, highschool friend niya na umaming may gusto sa kaniya at nagpaalam na ligawan siya.

Dear: Ryan

Nakita naman ni Hannah ang laki ng ngiti sa mukha ni Ryan na nakiusap pa na kung pwede ay sampalin siya at baka nananaginip lang siya pero nakangiti lang na sinabi ni Hannah na totoo daw lahat ng ito.

Sorry ha...

Doon na nagtinatalon sa tuwa si Ryan na nagawa pang buhatin si Hannah at kumalabit ng mga tao don sa park para ipagyabang na girlfriend na niya ito.

Kung hindi ko sinabi sayo yung totoo.

Simula ng araw na sinagot ni Hannah si Ryan ay araw araw na nitong pinapasaya ang kasintahan at tipong nanliligaw parin kahit sila na..

Ang hirap kasi eh. Masakit pa.

Hanggang sa umabot sila ng isang taon ng masaya at walang problema.

Ayoko na makita kitang kaawan pa ko, kasi hindi ko kaya yon at ayokong maramdaman yon.

"Ahhhh ahhhhhh" nakaramdam ng matinding sakit sa ulo si Hannah na sa sobrang sakit ay halos matanggal na niya ang mga buhok sa tindi ng sabunot na ginagawa sa sarili para maibsan ang nararamdaman.

Alam mo ba?

"A-ayos ka lang ba? Gusto mo bang dalhin na kita sa hospital?" Pagaalala ng husto na tanong ni Ryan pero, tumanggi si Hannah at nagpanggap na okay na kahit ang totoo ay hindi pa. Dahil may kirot parin siyang nararamdaman.

Nung araw na sumakit yung ulo ko akala ko katapusan ko na.

"Sorry Ms. Montevar but, you are diagnosed with stage 4 brain cancer..." Agad namang tinanong ni Hannah kung anong klaseng sakit ang dumapo sa kaniya na agad ding ipinaliwanag ng doctor.

"Is there anything I can do to recover?"

Kaya pumunta ako sa hospital para ipa-check up yung nararamdaman ko. At alam mo ba kung anong sabi ng doctor?...

"Sorry Ms. Montevar but, the only thing you have to do now is to undergo chemotherapy. It will not totally heal the cancer but it will help to kill or slow the growth of cancer cells." Sandaling tumawa si Hannah na animo'y nakarinig ng biro pero, di kalaunan ay nag hagulhol narin ito sa iyak. At paulit ulit ang naging tanong sa doctor kung bakit siya pa? Pero walang nagawa ang doctor kundi ang manahimik.

"Can I still normally live my life even though I undergo chemotherapy?" Malamlam na tanong nito sa kaharap na doctor. Sandaling nanahimik ang doctor at panaka-naka'y umiiling.

Sa piling ng iba. [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon