Kriiiiinggg... Kriiiiinggg...
Incoming Call from Tristan...
Richalene: Hello po?
Tristan: Sino ito?
Richalene: Kasamahan ako ni ate Claire sa theater busy po siya ngayon sasabihin ko nalang po na tumawag ka.
Tristan On phone: Okay sige pakisabi nalang.
Richalene: Sige po.
[Cassnie and Richalene on phone]
Cassnie: Sino yang kausap mo d'yan Rich?
Richalene: Ito boyfriend ata po ni ate Claire te.
Cassnie: Ah ganun ba?
Richalene On Phone: Ay sorry po kuya sige po sabihin ko na lang pagtapos ni ate Claire.
Tristan: Okay sige salamat makisuyo na lang.
End Call...
Tristan: Hahah... ayos ah hmmm... her voice's sounds familiar.
Cassnie: Rich pagkatapos ni Claire sa stage ikaw na sumunod doon okay.
Richalene: Opo te Cass.
Cassnie: Alam mo na ba kung kelan ka papasok sa eksena at yung mga script mo kabisado mo na?
Richalene: Opo naman ate saka naka stock knowledge na sa akin yang mga dialog ko ate hahahh... kaya wag kana mag-alala.
Cassnie: Good, saka nga pala if ever na may tumawag ulit na lalaki sa phone ni Claire ako ang tawagin mo kung sakaling may ginagawa pa ang ate Claire mo okay.
Richalene: Okay po ate.
Cassnie: Sige mag-asikaso kana malapit na yung line mo.
[Shouting sound on theater stage]
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Richalene: Ate Cass, ate Claire dito na ako ingat kayo pag-uwi ninyo hindi na muna ako makasasabay sa inyo ilalabas daw kasi ako ni kuya eh,
Cassnie: Ganun ba sige mag-ingat kayo ng kuya mo sa date ninyo.
Richalene: Sige po ate... kayo din ingat, bye.
[Cassnie and Claire Union]
-Bye...
Cassnie: hahahah... money for us.
Claire: Ikaw talaga naniniwala ka sa mga ganyan, tara na nga.
Cassnie: Boyfriend mo ba yung tumawag kanina?
Claire: Hindi, kaibigan ko 'yon anu kaba.
Cassnie: Akala ko nag-boyfriend kana eh.
Claire: Cassnie anu kaba mas uunahin ko pa ba yan marami akong dapat intindihin kesa sa mga bagay-bagay lalo na pagdating sa mga love life na 'yan.
Cassnie: Tama, tama kaya dahil d'yan samahan mo ako magdi-dinner tayo ng bongga at masaya 'wag ka mag-alala treat ko.
Claire: Tama ayan ang gusto ko sayo Cassnie hahahah...
BINABASA MO ANG
The NOTE
RomanceMaromantikong pagsasalaysay sa buhay ng dalawang itinadhana ng panahon at binuo lamang ng isang malaimahinasyong kamay na s'yang maguudyok sa bawat isa mula sa katauhan ng mga nasa kwentong panauhin at mga pangalang maaring nasa tunay na buhay. At i...