BAKIT S'YA PA? (Short Story)

28 0 0
                                    

Alam mo yung feeling na katapusan mo na kasi you feel betrayed by someone you love and trust? With all fucking people! Bakit s'ya pa?

Nagsimula kasi ito nung makita ko s'ya sa ibabaw ng puno. Nangunguha s'ya ng mangga that time. Then yung bunso kong kapatid kinilig sa kanya.

Natanong ko sa sarili ko. What is her problem? Then I found she's inlove with that guy. Hindi ko pa nga kilala yung lalaking yun kasi kakaluwas palang namin ng kapatid ko dito sa Manhila. Broken family kami eh. So ang kasama kong lumuwas ay yung mas matanda sakin ng isang taon at ang nakatira dito sa tinuluyan namin ay ang nanay at tatlo ko pang kapatid. Half sisters ko sila then yung isa Bisexual. Lalaki sana pero puro babae ang kasama sa bahay na ito ay nahawa na.

Lumipas ang isang linggo at hindi ko na ulit nakita yung lalaki sa may puno. Actually crush ko na s'ya. Natatawa nalang ako sa isiping yon. Parehas pa yata kami ng bunso kong kapatid na may gusto sa lalaking yun. Maputi sya at pantay lang kame ng height. Matangos ang ilong at may pagka chinito.

Sabi ng kapatid ko every weekend umaalis ang pamilya nila para pumunta sa Probinsya nila sa Cavite.

3PM ng hapon ng may dumaan na isang lalaki. It was him. Yung lalaki sa ibabaw ng puno. Then pagkapasok nung lalaki may dumaan ulit. And I was shocked! What the f*ck! Bakit dalwa? Magkamukhang-magkamukha sila nung nauna. Are they twins? What the?! Sinong crush namin ng kapatid ko. Napatingin ako sa likuran ko para sulyapan si Sheena. Upang itanong kung ano yung nakita ko. At nakita ko sa mukha n'yang naguluhan din s'ya. Nakaawang ang bibig at halos mabitawan ang hawak n'yang CP. Napatingin sya sakin at napakibit balikat nalang dahil hindi n'ya alam ang sasabihin.

Habang lumilipas ang araw, nakikita ko na sila tuwing hapon. Kada dadating ako galing school. Nagtransfer na kasi ako dito.

Napag alaman ko na apat silang magkakapatid at nag-iisa lang ang babae. Pinaka matanda ay yung babae ang pangalan ay Ruth Madrigal. Sumunod ay yung lalaking unang pumasok sa bahay nila. Ang pangalan n'ya ay Adrian Madrigal. Sunod ay si Gibi Madrigal. At ang bunso ay si Marvin.

Kay Gibi ako mas na starstruck. I know kada titignan ko s'ya I'm drooling like hell. Ang amo ng mukha n'ya. Kung pagtatabihin mo sila ng kuya n'ya iisipin mong kambal sila. pero mas gwapo si Gibi.

Isang araw naglalaba ako katulong ang bunso kong kapatid. Then kulang kami ng isang batya.

"Ate, hiram ka muna kay ate Lea ng batiya para matapos na tayo. Yun hiramin mo. Kahit kanino jan." Tumango naman ako at tumayo para kunin ang batiyang nakasabit sa pader.

Akmang tatanggalin ko na ng biglang may nag salita. I know s'ya si Gibi. Halos mag-palpitate ang puso ko sa sobrang kaba! Jusme! Nakakagulat! Napatingin ako sa kanya.

"Uhm, pwede po ba pahiram ako nito. Babalik ko din mamaya pag tapos." Litanya ko sa kanya. Hindi ako makahinga!

BAKIT S'YA PA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon