"Nabalitaan mo na ba ang bagong lipat dito sa nayon natin ? " tsismosa 1 .
"Ay oo , Mare mayaman yata pero nakita mo ba yung tinitirahan nila diba yun yung malaking lumang bahay sa tapat ng Jose St . ? " . tsismosa 2 .
"Oo nga noh , sinasabing bahay daw yun ng mangkukulam , malay natin may balak na masama dito yan . Nakita mo nagpapatayo daw ng Kalenderya Diyan . " tsismosa 1
"At akala mo naman na may bibili sa kanila ? Baka lasunin pa tayo niyan . "
Rinig na rinig ko ang mga pinagsasabi ng mga kabitbahay namin . Hindi na ba talaga sila titigil sa pag iisip ng masama sa kapwa nila ? Isip isip ko .
Tsaka pag nakatira ba sa bahay na iyon mangkukulam agad ?
Haaay ! Naku mga tao talaga oh
Hala ! Lagot may ipinabibili pa pala si Inay . Baka nag hihintay na yun ng matagal eh . Bakit kasi nakinig pa ako sa mga tsismis ng kabitbahay namin eh .
Hindi namalayan ni Rodel na habang tumatakbo sya ay may nabangga syang babae . Nalaglag ang mga dala dala ng babae . Tinulungan naman ni Rodel ang babae at kinuha ang mga nahulog na mga bagay .
Bigyang tumaas ang ulo ng babae at nagulat sya sa kanyang nakita . Babaeng wasak ang mukha, puno ng dugo at lumalabas ang mga mata .
Nakakatakot ! Tumakbo ng tumakbo si Roel marami syang nababanggang mga taong pugot ang ulo , walang mukha at puno ng dugo .
Marami sila . Pumapatay at kinakain ang mga kauri nila.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT HORROR STORIES
RandomSabi nila walang katotohanan ang mga Aswang , o multo man . Pero kakayanin mo pa kaya kung sasabihin ko ang nagaganap dito ? Tunghayan natin ang mga storya na makakapatindig balahibo satin .