Pag-ibig na hindi ko maintindihan
Puso ay laging nasasaktan
Pag-ibig nagbibigay saya, ngunit hindi pala
Sapagkat isa lang palang akalaMaraming tao ang umaasa
Kahit alam nilang wala ng pag-asa
Pag-ibig niya'y laging sawi
Dahil sa pag-ibig mahirap magwagiHindi pagpansin ng taong mahal mo, hindi mo na makayanan
Paano na kapag nawala na ng tuluyan?
Kaya mo pa bang lumaban
Sa hapdi, sakit o kirot na mararamdamanPag-ibig na sadyang nakalilito
Kung minsa'y baluktot, kung minsan ay wasto
Oh pag-ibig bakit ka ba ganyan
Puso ay laging nasasaktan
