Pag-ibig, ano ka ba talaga?

43 0 0
                                    

Pag-ibig na hindi ko maintindihan
Puso ay laging nasasaktan
Pag-ibig nagbibigay saya, ngunit hindi pala
Sapagkat isa lang palang akala

Maraming tao ang umaasa
Kahit alam nilang wala ng pag-asa
Pag-ibig niya'y laging sawi
Dahil sa pag-ibig mahirap magwagi

Hindi pagpansin ng taong mahal mo, hindi mo na makayanan
Paano na kapag nawala na ng tuluyan?
Kaya mo pa bang lumaban
Sa hapdi, sakit o kirot na mararamdaman

Pag-ibig na sadyang nakalilito
Kung minsa'y baluktot, kung minsan ay wasto
Oh pag-ibig bakit ka ba ganyan
Puso ay laging nasasaktan

Pag-ibig, Ano ka ba talaga?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon