Chapter 3: Long Night

348 12 9
                                    

Hiromi’s POV

Bumalik na ako sa room ko, hayyy.

So I guess this is goodbye then..

“Goodbye” the hardest word na madaling sabihin, masakit tanggapin. TT__________________TT

“Hayyy..” pansampung beses na buntong hininga ko na to…

Sobrang bigat ng saloobin ko, gusto ko umiyak pero parang may nagsasabi sakin na ANU KA BA HIROMI! BE STRONG!

Nag-half bath nalang ako nagpalit ng pajamas.

Anu pa nga ba ang magagawa ko? I need to grow up. Eva is pregnant; Clyde is going to be the child’s father. So it means, ikakasal na sila soon. That explains everything. I need to understand their situation, madali lang naman yun eh.

Itatapon ko lang naman ang madaming taon na pinagsamahan namen ni Clyde.

Kakalimutan ko siya.

Move forward.

Have my life back.

And be friends with him.

Umattend ng kasal nila.

Maging ninang ng anak nila.

Be happy for them.

Takte +________________________+

Parang The Bucket List ata tong ginagawa ko eh, o parang suicide mission.

SUICIDE MISSION TT_______________TT

UWAAAAAAAAAAAAAAAAAA!! Bwiset!

Pinatay ko na yung ilaw, Pumunta ako sa may veranda ng room ko at naupo. Ang lamig naman! Well, what do I expect? This is UK. Buti nalang at Spring Season dito, malamig padin pero buti hindi winter!

*kulbit kulbit*

ASDFGHJKL!!!!!!!!!!!!!!!!!!

MAY KUMAKALUBIT SAKIN.

*psst*

Shemayyy… nanigas ako sa pwesto ko, ayaw ko nga lumingon. TT^TT

Pag ganitong heartbroken ako punyeta!

“Hiromi..”

?____________?

It knows my name??????

“BFF!!!!!!!!!!!!”

“AYYYY TOKNENENG CHICHARONG BAKLANG SIRENA NA UBOD NG GANDA!”

“Kanina pa ako katok ng katok, bukas pala yung pinto, tinatawag kita akala ko nagbiti kana andito kalang pala. =______________=” tapos umupo siya sa tapat ko at may nilapag na….

“CHUCKIE!” sabay hablot ng chuckie, hehehe at inom.

“Hoy, nakikinig kaba sa sinabi ko?”

“Oo I heard it, bwiset ka tinakot mo naman ako. Akala ko may multo na dito, ako pa naman magisa dito!”

“Sorry naman!”

“Che! Kapag ganitong, gusto kong umiyak eh.”

“Bakit ayaw mong umiyak?”

“Kasi, wala ding silbi kung iiyak lang ako.”

“Sige ka baka sumabog ka niyan, andito naman ako eh.”

“Well, hindi talaga ako naiiyak promise!” sabay taas pa ng kaliwang kamay ko.

Best Actress. Ayaw ko lang talaga umiyak, siguro kasi sa sobrang sakit namanhid na ako.

something sTWOpid (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon