She's a type of girl na sobrang ingay, makulit, lalo na pag nakakain ng chocolate. Ang hyper niya, minsan moody, matalino, mabait at maganda. Her name is Mayonaka Cullen. Ganda ng pangalan niya no? Hiyang-hiya nga ko e. Pero syempre, maganda rin pangalan ko. Ako si Jazz Jayv Mavee. Weird ng name ko. Hahaha
Sa unang kita ko sa kanya, kitang-kita ko sa kanya na mataray siya, pero nagkamali ako ng makilala ko sya ng lubusan. Minsan nga naiinis ako sa kanya kasi puro sermon natatanggap ko sa kanya. Sa mga araw na yun, di ko siya pinapansin.
Halos di ko nga siya kilala e.Sa klase namin, siya yung babaeng boyish pero andaming crush. Boyish nga ba talaga to? Lols.
Sa klase namin, siya yung leader na sobrang tapang na sa tuwing nagagalit sya, napapasunod kami sa utos niya. Parang commander lang no? Haha
Sa klase namin, siya yung unang mag-iingay pero sa huli, siya rin ang magpapatahimik nito. Gulo niya no?
Ewan ko sa babaeng to, pero bakit ba ako nahulog sa kanya? E, parang abnormal lang.
Sa tuwing nakikita ko sya, nahihiya ako. Sa tuwing kaharap ko siya, nauutal ako na para bang nawalan ako ng dila. Sa tuwing may kasama siyang iba, para bang gusto kong, sana ako nalang ang kasama niya, pero di ko magawa. Ano to? Bat ganito? Bat nahihiya ako sa kanya? E wala naman akong utang sa kanya para mahiya.
Lahat ng gusto kong sabihin, di ko masabi. Hays. Hirap maging torpe.*****
Author's noteWews. Nahiya ako sa prologue ko. Lols. First time kong gumawa ng story. Haha btw, baka short story lang to. So, okay. Yun lang. Haha ^^
Please comment, vote or share. Pero kung ayaw niyo, di ko po kayo pinipilit. ^^ Thanks ^^
Enjoy ;)
BINABASA MO ANG
Torpe
Short StorySa kanya ko lang to naramdaman. Siya lang iniisip ko. Hindi ako mapakali pag wala sya. Maybe I'm inlove with her. She's messing up in my mind. Sa tuwing nakikita ko sya, nahihiya ako. Sa tuwing kaharap ko sya, nauutal ako. Siguro nga, TORPE AKO.