Chapter 2: Trouble

6.3K 231 4
                                    


"kriiing! kriiing!"

When I opened my eyes, I was shocked. Why?

KASI LATE NA AKOOOOO!

shit shit. Naligo ako ng mabilis. Hindi na ako nag-ayos kasi di naman importante sakin yun. Pero lagot. May quiz pa naman kami sa Electronics. First subject. Huhuhu. Patay na.

Hindi na rin ako nagpahatid kasi mabilis lang kung tatakbo ako atsaka traffic. Takbo lang nang takbo.

Yes nasa school na ako. Akyat akyat. Nasa classroom na ako.

"MS. PEREZ!"

Oooops. I saw those demons smirking at me. Geez. They are so creepy.

"YOU'RE LATE! STAY OUTSIDE!"

Lumabas na ako. Di pa nga ako tuluyang nakakapasok, napalabas na ako. Malas! 0 ako sa first quiz namin. Ang saya grabe, ang saya. *insert sarcasm here*

Wala na akong nagawa kundi umupo sa gilid ng room. Pinagtitinginan ako ng mga dumadaan. I don't care. Sana magtime na at sana di ako patayin ng teacher na to.

I entertained myself. Naglaro na lang ako sa cellphone ko. Then after 30 minutes,

*kriiiingggggg*

Saktong lumabas yung mga kablock mates ko. Tayo naman ako.

"Ayeka, tawag ka ni sir." Sabi sakin ni... sino ba to? Ah basta! Isa sa kablock mates ko.

"Ahh sige."

"Tingnan mo nga naman, ang matalino at masipag naming kaklase ay nalate at hindi nakapagtest. Tsk tsk. You're so kawawa." Sino pa ba nagsabi niyan? Edi si Beatriz, lider ng mga demonyita.

"Yeah. Poor nerdy. Ahahaha." Dinugtungan pa ni Molly. Nag-apir pa sila nung dalawa. Sina Ella at Catie. I rolled my eyes at pumasok sa room.

"Sir.." I said softly.

Nakita ko naman yung bestfriend ko na parang chinicheer up ako. Awww, natouch naman ako.

"Ayeka, this is the last time na malelate ka. Promise me. You're the best student among my students and I don't want to remove that title of yours kaya pagbibigyan kita.Okay? wag ka nalang magsalita sa iba mong kaklase." Gusto kong maiyak sa speech ni sir. Joke. Pero seriously, mabait naman talaga to si sir. Well saakin pero sa iba hindi. Ewan ko kung bakit ganun. Mukhang nakita niya naman si Miyasha at pinapasok para samahan ako.

Di naman sa pagmamayabang pero mabilis kong natapos yung test.

Pagkatapos kong magtest, umuwi na kami ng bestfriend ko nang matiwasay. Sa wakas, makakapagpahinga na rin ako.

Yahooo! Matutulog na talaga ako nang maaga baka sa susunod di na ako iexcuse.

My Four Boy Friends (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon