Dear Diary,
Bukas na ang pasukan, kinakabahan ako dahil wala ako kilala. Alam mo hindi ko naman gusto lumipat sa dito sa West High School pinilit lang ako ni Daddy. Namimiss ko na si Mommy at si ate. bakit kasi kailangan nila mahiwalay. Bakit kailangan mahiwalay din kami ni ate. Si ate kumusta na kaya siya, masaya kaya siya. Kasi ako malungkot ako kasi miss na miss ko na siya. Wala ako ibang kasama sa bahay kundi si nanay jenny ang kasambahay namin ni daddy. Lagi naman busy si nanay jenny dahil sa gawain bahay at si daddy busy naman sa office. Wala tuloy ako mausap sa bahay lalo't wala din ako kilala sa lugar..
Kanina nga pala binigay sa akin ni Daddy isang creadit card para daw pag may roon ako gusto bilihin gamitin ko lang. Hindi ganito gusto ko, gusto oo bumalik kami sa dati na masaya magkakasama, yung sabay sabay na kumakain sa dining area, sama-sama sa sala nanonood at nagkukwentuhan ng isang buong araw na nakalipas. Ang sarap isipin na one happy family kami noon. Ngunit isang alala nalang.
Eto ako nag iisa sa bagong kwarto sa bagong bahay namin ni daddy. Hindi ko masabi kung gaano ko kalungkot ngayon. Nasa madali ako masanay sa ganitong buhay. Masanay na mag isa, wala ang aking ate na lagi ko kasama sa lahat ng oras.
Naalala ko noon mga bata pa kami laging namin pinagtataguan si mommy tuwing tinatawag kami para maligo, lagi kami umaakyat ng punong mangga. May time pareho kami pinaluhon habang nakadipa at magbooks na nasa kamay namin dahil nabasag namin yung isang figurin ni mommy na gift ni daddy sa kanya noon birthday niya. Pero sabi ni daddy papalitan nalang daw niya yun para huwag na kami parusahan ni ate dahil ayaw niya nahihirap kami kaya pinatayo na kami ni mommy..
I really miss those days..
BINABASA MO ANG
I Start to Write.
RandomDear Diary, simula sa araw nato ikaw na ang kasama ko sa lahat, sayo ko na sasabihin ang lahat lahat ng mangyayari o mga mararamdamam ko sa buhay ako. I trust you, you can keep my secret. from on you are my bestfriend. I know you will not leave me...