ANNOUNCEMENT:
We are having a Student Council Election this coming August 23.
Aspiring officers choose your respected parties now.
Students please VOTE WISELY!
Yan ang nakadikit sa bulletin board ng St. Jaime Quezon City. Lahat ay excited para sa paparating na election, isa na dito sina Stephanie Rivera at James Mendoza.
"Grabe! Excited na ko talaga Kat!.. June pa lang ngayon kaya halos two months pa para makapagcampaign. Sana mapili ako ng isa sa mga party dito sa school, ayoko naman nang independent candidate noh!" Sabi ni Steph.
"Sigurado akong mapipili ka ng isa sa mga parties dito, kaya lang ang tanong eh kung kaninong party ka mapipili, aba isa ka ata sa most popular student dito sa sa school, kaya sure win kana!" sabi naman ni Kathleen
"Ikaw tlaga bestfriend,binola mo nanaman ako, pero sana yung Strength Party ang makapili saken o kaya yung Fighter Party na lang"
"Kaya lang may isa kang problema, malamang kasi na makalaban mo si James, at di maiiwasang magsalubong ulit ang mga landas nyo" may pag aalalang sabi ni Kath
Natigilan bigla si Stephanie, nakaligtaan nya na maaari ngang mangyari yon, ang pinakaiiwas iwasan nyang mangyari, pero pangarap nya talaga ang makasali sa Student Council, kaya no choice. Dedma nalang.
"Hindi problema yun Kath, panahon na nga siguro para talagang magkaharap kami at para malaman nya na isa akong malaking kawalan!" determinadong sabi nito
"tama yan girl! Prove to him na he was a real jerk para gawin sayo yun"
Tapos nag high five ang magkaibigan at tumawa.
Samantala...
"Ano pare sasali ka ba sa Student Council?" Tanong ni Matthew kay James
"Dapat lang pre, lalo na at nalaman kong sasali din si Nini sa student council"
"Nini? What do you mean?"
"Si Stephanie. panahon na Mat para maipamukha ko sa kanya na mali sya at pinakawalan nya ko para lang ipagpalit sa isang walang kwentang lalake!" Nanggagalaiti na sabi nito.
"Pare naman, wag mo namang idamay ang buong school dahil lang sa misunderstandings nyo ni Steph"
"Hindi yun misunderstanding lang, kasi intinding intindi ko yun. Simple lang di ba, ipinagpalit nya ako sa iba. That b*tch! she will pay for hurting me this much!"
"Pero try to think of it pare, kung talagang pinagpalit ka nya sa iba, then why so happened na galit din sya sayo? ang ironic naman ata non" Sabi ni Matt
Biglang napaisip si James "may point nga naman dun si Matt, bat nga ba galit din sa kanya si Nini? Ahhh... D*mn! I dont care, basta she'll pay for what she have done to me" Bulong sa isip ni James.
Nang di umimik si James ay nagsalita ulit si Matthew.
"Di kaya pare, you two need to talk?"
"No need, siguro ipinakikita lang nyang galit sya sakin para mawala yung guilty feeling nya dahil nga sa ginawa nya sakin" Pagkumbinsi nya sa sarili
"Ok James if that's your decision, basta dont blame me kapag iiyak iyak ka sa bandang huli ah!" pabirong sabi ni Matt
"that wont happen pare, baka nga yung babaeng yun ang umiyak eh! hahaha"
"Then lets see..."
Naputol na ang usapan nila nang tumunog ang bell, hudyat na para sa susunod nilang klase.