2. Tagaytay
NAHYUMI
Inilabas ko na ang isang malaking maleta at bag pack sa labas ng gate namin. Malayo layo pa ang biyahe hanggang tagaytay. Excited ako na hindi. Ang gulo 'noh.
"Iha talaga bang tutuloy ka doon? Pwede ka naman maghanap ng ibang trabaho dito. Mapapalayo ka pa sa-amin." Wika ng lola Perla. Mama siya ni Mommy.
Tumango ako. "Opo la. Buo na ang desisyon ko eh." Sagot ko. Wala naman rin siya nagawa kaya tumango na lang siya kahit labag sa loob.
Nilipat ko ang tingin ko sa katabi ni lola. "Alis na po ako mommy, la." Kiniss ko sila sa cheek at sumakay na sa taxi na maghahatid. Binigay ko kay manong yung adress na pupuntahan bago siya umandar.
Bago ako umalis maraming paalala sila lola sakin. Wag daw ako magtitiwala sa mga tao doon. Atsaka lagi daw ako maging alerto kapag sasakay sa taxi, mamaya hold up-in daw ako.
Nakatingin lang ako sa bintana habang umaandar. Lumipas ang ilang oras malapit na kami sa tagaytay. Nakapunta na 'ko dito dati, 2 years ago kaya alam ko.
Pansin ko lang panay ang tingin ni manong sakin through rear view mirror. Bigla ako kinabahan ng mahuli niya 'kong nakatingin din sakanya. Shiz. Ang creepy niya. "Manong dito na lang ho."
Pinilit kong tatagan ang sarili ko pero nabigo ako. Dahil nagsimula na akong magpanic kaya naman kinuha ko na ang cellphone ko sa bulsa. Tatawagan ko na dapat si lola pero nahablot niya.
"Wag ka ng magtangka umalis kung ayaw mong masaktan. Ibigay mo lahat sakin ang pera at cellphone mo." No way! Gusto ko isigaw pero sobrang lakas ng kabog sa dibdib ko.
"Kapag hinoldap ka ibigay mo lahat ng gusto niya, wag mo lang hayaan na saktan ka." Naalala ko yung sinabi ni lola.
Pero hindi pwede, nakalagay dito yung contact digit ni manager at wala akong ipangpapamasahe. Kailangan ko labanan ang ganitong problema. Hindi yung lagi na lang naggi-give way. Ano siya sinusuwerte, ibibigay ko lahat ng sweldo ko? Huh.
Hinanap ko sa pack back yung pepper spray ko. Lagi ako may dalang ganito at electric gun. Pangself defense yon, hindi naman nakakamatay ng tao. Makakatulog lang.
BINABASA MO ANG
Cuddle With Her
Romance"I can't promise to fix all of your problems, but I can promise you won't face them all alone." -He damn seriously said without breaking the look on me.