Part 1

45.5K 635 30
                                    


"JUST mine!"

Nag-echo ang buong-buong tinig na iyon ng lalaking bumungad sa lobby ng Meralco Theater. Ang mga nakapilang manonood ng musical play ay iisang matang napunta ang direksiyon sa lalaki. Animo'y walang pakialam sa pagkakatawag nito ng pansin sa mga naroroon. Ang mga hakbang nito ay patungo sa gawi ni .

Alam niyang sa kanya ipinatutungkol ang pagtawag na iyon. At nawala sa normal ang pagtibok ng kanyang puso. Ibinaling niya ang tingin sa dalawang ushers na nagsisimula ng magpapasok ng audiences. Humugot nang malalim na paghinga para maibsan ang mabilis na pagkabog ng kanyang dibdib.

"Just mine," muling tawag nito. Nakalapit na ito sa kanya at sa pagkakangiti ay nakadagdag sa kaguwapuhang taglay nito ang biloy sa magkabilang pisngi.

Nanatili siyang natulos sa pagkakatayo. Ang isang kamay ay mahigpit na ikinapit sa strap ng shoulder bag. Sa paglapit nito ay naramdaman niya ang panlalamig ng buong katawan.

"Just mine..." Ngayon ay nasa mismong tapat na niya ito. Wala siyang magagawa kundi salubungin ang tingin nito.

"Nakalimutan mo na ba ako?" Kung amusement ang nakalangkap sa mga ngiti nito ay hindi niya alam. At gusto niyang mainis sa klase ng tanong nito.

"Of course, I still remember you." Diretso niyang tiningnan ang mga mata nito.

Isinugal niya ang pagkakataong iyon kung ano ang makikita sa mga mata nito o kung sa kanya ay mayroong masisinag na nakaraan. Tila may gumuhit na kirot sa kanyang puso.

Ang nakikita niya ngayon sa mga mata ng lalaki ay recognition sa dating kakilala. Wala na ang kakaibang kislap ng mga mata nito tuwing magkatitigan sila kapag flag ceremony noong high school days nila.

Sumunod si sa hugos ng pila.

"Mag-isa ka lang?" Sumabay sa lakad niya ang lalaki.

Tumango siya. Narinig niya ang mahinang tawa nito.

"You haven't changed," amused nitong sabi, "Lagi ka pa ring mag-isa kung lumakad, Just mine."

"Kung pagbabatayan ko ang itsura mo ngayon, gusto kong isiping nagbago ka na. Why, you look like man of the world sa kilos mo at ayos. But there's something in you that remains the same," sabi niya rito.

Matamis itong ngumiti ito sa kanya.

"Hindi ko na matandaan kung ilang beses kong itinama sa iyo ang pangalan ko, pero just mine ka pa rin ng just-mine," mariin niyang sabi. Nasa tapat na siya ng usher at iniabot ang ticket dito.

Tumikhim ang babaeng kasunod ni sa pila. Sabay silang napalingon dito. Salubong ang guhitang kilay nito at isa lang ang gustong ipakahulugan sa kanila. Ayaw nitong pasingitin ang lalaking iaabot na rin sana ang ticket sa usher na nakatalaga

doon.

Nakakaunawang lumayo sa kanya ang lalaki. "Reserve a seat for me," anito sa kanya bago pumunta sa pinakadulo.

Nagmamadali ang mga hakbang niya nang makapasok sa loob. Pinili niya ang upuang nag-iisa sa pagitan ng magkakagrupo.Marami ng tao sa loob. Isinandal niya ang likod at itinuon ang mata sa madilim pang entablado. Naramdaman pa niya ang eratikong tibok ng puso.

Namataan niya ang lalaki na lilinga-linga. Hinahanap siya.

Hindi siya kumilos sa kinauupuan. Ayaw na niya na makalapit pang muli sa lalaking iyon. At lihim siyang nagpasalamat nang makita niyang umiling ito at humanap na ng sariling upuan.

Ini-off niya ang dalang cellphone nang ihudyat ang pagsisimula ng palabas. The lion, The Witch and The Wardrobe. Talagang hinintay niya na ipalabas ang musical na iyon. Hindi siya magtitiyagang manood mag-isa kung hindi siya interesado sa play.

Just MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon