It's already 10 years ago nang unang nakakacrush ako. True love ata un kasi it never dies.
First year high school kami nun nang magkacrush ako sa seatmate ko. He is tall, dark and smart. Yun ang nagustuhan ko sa kanya. I can' t remember kung kelan nagsimula basta ang alam ko dahil lang sa madalas na panunukso ko sa kanya sa friend ko.
Ilang months pa lang yun nung umamin sa aming magkakaibigan si Hansel na crush niya si Marcus. Cute daw kasi pero sa tingin ko naman hindi naman sya cute. Dahil seatmate ko siya, ako ang pinagkukwento ni Hansel sa mga ginagawa araw araw ni Marcus. Ewan ko ba at patay na patay sya dun. Alam naman ni Marcus na gusto sya ni Hansel kaya naiinis sya kapag laging sumisilip si Hansel sa classroom namin. Hindi lang kasi ako ang nagtutukso sa kanya kundi ang buong klase. Compatible daw sila kasi pareho silang matalino.
One time na napikon sa aking biro si Marcus. Sinabi nya sa akin na wala siya gusto kay Hansel at hinamon niya ako sa isang deal. Kapag nanalo sya it means wala syang gusto kay Hansel at pumayag naman ako.
Nagpataasan kami ng score sa Filipino test namin, kahit alam kong matalino sya ay pumayag ako dahil alam ko na kahit papaano ay may laban ako. Habang hinihintay namin na tawagin ni mrs ang mga highest ay seryosong nakikinig si Marcus. parang napakalaki ng kapalit at aming pinaglalabanan at biglang tinawag ang kanyang pangalan, 49 points over 50. Nakita ko na napalitan ng ngiti ang seryoso nyang mukha at sabay sabi " one zero" sabay tawa sa akin. Pagtapos niyang tawagin ay ako naman ang tinawag ni Mrs. Bago ako tumayo ay sinabi ko sa kanya na "it's a tie kaya!". Pagkakuha ko ng aking test paper ay 48 points ang score ko. Sayang, one point lang lamang nya kaya one - zero ang score.
Nakakainis. dahil sa tagal na nangyari eh hindi ko na maalala ang pangalawang laban namin. Basta ang natatandaan ko eh panalo ako kaya all one ang score.
After nang pangalawang laban eh hindi na nasundan kasi pagkatapos ng pustahan na iyon ay doon ko na naramdaman na kinikilig ako sa tuwing kasama ko sya. Nalaman ko kasi na may pagkakulit sya at yun ang nagustuhan ko sa kanya. Kapag recess time namin ay inihaharap niya ang kanyang upuan sa akin at tinititigan ako habang nakangiti. Kung hindi naman ay tumatabi sya sa akin at pinapatong ang kanyang braso sa sandalan ng aking upuan. " Shocks! kinikilig ako". Ganun ang palagi nya ginagawa kaya kahit sino siguro ay hindi maiiwasan na mahustuhan ang kanyang pagiging sweet.
Isang beses nga nang mapansin kami ni Cathy. Friend namin sya ni Hansel. Nakita nya kasi na nagkukwentuhan kami habang ang braso ni Marcus ay nasa sandalan ng aking upuan. " Ui! inaakbayan si Dianne" ang sabi ni Cathy kay Marcus. Dahan dahan namang inalis ni Marcus ang kanyang braso at nagpatuloy sa pagkukwento. Pero kahit tinukso na kami ni Cathy ay ganun pa rin siya sa akin araw araw.
Dahil high school na ako, binilhan ako ni Mama ng sarili kong cellphone. Hiningi ko ang cellphone number ni Marcus at agad naman niyang ibinigay pero may bilin siya sa akin na wag kong ibibigay kay Hansel ang phone number nya at nag agree ako dun para lang maibigay nya ito sa akin. Palagi ko syang minimiss call at hindi ako nagpapakilala. May time din na sinasagot niya ang aking tawag pero hindi ako nagsasalita. Boses pa lang niya ay kinikilig na ako. Wala akong pakialam kahit maubos ang load ko sa kakatawag sa kanya. Hanggang ngayon nga kabisado ko pa ang phone number nya 092131.....
Minsan naman kapag matutulog na ay napapaiyak ako. Iniisip ko kasi na hindi kami bagay. Matalino sya ,bobo ako. May itsura sya, pangit ako. Mayaman sya, mahirap lang kami. At imposible rin na magustuhan nya ako dahil sa aking itsura. Hindi kami compatible, magkabaligtaran kami ng buhay.
Nakakalungkot mang isipin pero that's the reality. That time kasi hindi ako naniniwala sa love is blind.
Patay na patay na rin yata ako nun kay Marcus. Kasi naman gabi gabi na lang ay napapanagginipan ko sya. Syempre dahil panaginip ko eh di ako ang bida. Kung anu ano ang aking napapanaginipan na minsan pabor sa akin.