False Alarm

25.4K 684 210
                                    

Pregnancy test kit ‘to ah.

Anung ginagawa nito dito sa banyo ko? Sino kaya ang nakaiwan nito dito? Sabi dun sa movie na nakita ko eh ginagamit daw ‘to para malaman kung may baby na sa tummy.T otoo kaya?

Try ko kaya para malaman ko kung may baby na sa tiyan ko? Hehe. Medyo malaki na rin kasi ang tiyan ko. Nakakabadtrip nga eh.

Sabi dito eh kailangan daw lagyan ng drops ng urine. Tamang-tama, naiihi ako! Malagyan nga!  Masaya ‘to!

Okay malagyan na nga.

Pagkatapos kong lagyan ng ihi ko ang pregnancy test churva, marahan ko itong inilapit sa mga mata ko. I can see two coloured bands.

Two lines?!

Two lines!

H-hindi maaari. H-hindi ito maaaring mangyari. Sabi dun sa movie na napanood ko sa bahay nila Nena eh kapag dalawang lines daw ang lumabas eh buntis daw yung nagtest.

Tapos ngayon, two lines yung lumabas! Meaning nun ME IS PREGNANT?

OH MY GEE!!

H-hindi ito pwede. Bata pa ako. Masyado pang maaga.  Hindi ko pa kaya maging isang ina. Paano ko palalakihin ang magiging anak ko?

 H-hindi ito maaari…

P-paano ko ‘to sasabihin kina Mommy at Daddy? Masasaktan sila pag nalaman nila…

 Hindi ko naman pwedeng ipalaglag ‘to gaya ng nakikita ko sa TV… Hindi ako pwedeng pumatay ng isang batang walang kamalay-malay.. Wala akong karapatang ipagkait sa batang nasa tiyan ko na makita ang mundo…

 OH MY GEE! Papa God! Ano po bang gagawin ko?

Kailangan ko ng tulong! Si Nena! Tama! Si Nena! Siya lang ang maaaring pagsabihan ko nito!

Higit kanino man dito sa Earth, maliban sa family ko eh ang bestfriend ko ang maaaring pagkatiwalaan ko ng mga ganitong sekreto..

Hays.. Paano na ako nito?

Masisira na ang future ko. Hindi naman sa ayaw ko sa baby na nasa tiyan ko.. Kaya lang,,

 EEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEH! Paano pa ako magugustuhan ng crush ko kung may laman na ang tiyan ko! WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! Wala na!

 Di na matutupad yung dream ko na makasama siya sa altar! Haaaay. Nakaka-depress.

 I-text ko na nga lang si Nena.

False Alarm (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon