Anino (oneshot)

2K 9 3
                                    

A/N: nahilig lang po sa oneshot para mabilis matapos! well enjoy!

READ AT YOUR OWN RISK. MAY MASESELAN PONG LENGWAHE DITO AT YUNG TEMA PO NOT FOR CLOSE MINDED.

=============================================================================

Hi! Ako si Shenna Hernandez. 23 years old. Nakatira ako somewhere in Cavite. 4 kaming magkakapatid. Si Shane Hernandez ang panganay. Namatay sya sa sakit na Leukemia. Ang pangalawa naman ay si Shone Hernandez. Sya nalang at ako ang magkasama since nasa ibang bansa na ang parents namin. Pangatlo ako sa magkakaptid. At ang bunso naming si Sherry Hernandez. Patay na rin sya sa sakit na bigla nalang pumutok ang mga organs nya. Sya ang paborito kong kapatid. sabi sakin ni mommy pag-uwi nya nung dalhin nila si Sherry sa hospital ay patay na daw sya. Hindi ko nga alam ang dahilan basta ang sinabi nila sakin pumutok daw ang internal organs nya.

3 years ang agwat naming apat. 29 si Ate Shane ngayon pero 20 sya nung namatay sya, 26 si Kuya Shone, 23 ako at 20 na dapat ngayon si Sherry kung hindi sya namatay nung isang araw. Kakamatay lang ni Sherry. Actually, kahapon lang sya nilibing. Ngayon kami nalang ni kuya ang nasa bahay since pagkalibing na pagkalibing ni Sherry ay umalis na ang parents naming papuntang abroad.

*kinagabihan*

Papunta n asana akong banyo ng may nakita akong anino ng isang tao sa hagdan. Hindi ko ito pinansin at baka si kuya lang yon.

Habang naliligo ako ay may kumatok sa pintuan ng banyo ng kwarto ko. Pero panong may kakatok doon eh naka-lock ang kwarto ko at ako lang ang tanging mayroong susi.

Naisip kong baka nakalimutan ko lang na isara iyon.

“kuya? Kuya ikaw ba yan?” sigaw ko. Agad ko naming kinuha ang twalya ko at nagbihis.

“kuya?! Sandali lang magbibihis lang ako.” Sabi ko pero tuloy parin ang pagkatok. Nang matapos na akong magbihis at papalapit na ako sa pinto ay biglang tumigil ang pagkatok.

Pagbukas ko ng pinto ay walang tao. Bumaba ako ng hagdan at nakita kong tulog si kuya sa sofa. Pero sino yung kumatok sa kwarto ko? Hayaan mo na nga. Nilapitan ko si kuya at ginising.

“kuya…..kuya gising….” Sabi ko habang niyuyugyog ang katawan nya.

“mmm…. Ano ba? Nakita mong tulog yung tao tapos gigisingin mo? Ano bang problema mo Shenna?” bulyaw sakin ni kuya.

“gusto ko lang itanong kung ikaw ba yung kumakatok sa kwarto ko kanina.” Sabi ko ng mahina. Agad nya naman akong pinandilatan ng mga mata at sinigawan.

“NABABALIW KA NA BA SHENNA?! NAKITA MO NAMANG NATUTULOG AKO DITO TAPOS TATANUNGIN MO AKO KUNG KINAKATOK KITA SA KWARTO MO!! MATULOG KA NA NGA SA KWARTO MO! BAKA INAANTOK KA LANG! SIGE NA! BAKA PAGOD LANG YAN!” galit nag alit na sabi nya sakin. Mangiyak-ngiyak naman na  ako nung umakyat sa kwarto ko.

*kinabukasan*

“kuya, sorry nga pala sa nangyari kagabi ahh… akala ko kasi ikaw yung kumakatok sa pintuan ko. Sorry talaga.” Sabi k okay kuya ng nakayuko. Ayoko ng may kaaway ako. Mahal ko kasi ang mga taong nakapalibot sa akin.

“sige na kumain ka na!” sabi ni kuya ng malamig. Ibig sabihin nagalit talaga sya sa pagkakagising ko sa kanya ng wala sa oras.

“sorry kuya…” sabi ko sabay akap ko sa kanya. Inakap nya rin ako at hinawakan ang magkabila kong pisngi.

“okey nga lang diba? Sige na kain na!” malambing nyang sabi. Kumain na lang ako ng tahimik.

Pagkatapos kumain ay naligo na ako. Nagpaalam si kuya na aalis daw muna sya kasi may bibilhin daw sa grocery kaya ako lang ang naiwan ditto.

Anino (oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon