"Sat? Saturn! Bakit diyan ka natutulog?!" Napadilat ang isang mata ni Saturn ng umupo si Nerry sa gilid niya. Si Nerry ay ang best of all friends ni Saturn, sabihin na nating simula grade two at ngayong grade ten ay palagi silang mag-classmate. Syempre bakit hindi, ay laging parehas ang average nila, minsan ay mas mataas lang ng konti yung kay Saturn. Sa totoo lang kasi wala pang tulog yang si Saturn dahil sa pagbabago ng sleeping routine nya dahil sa kararaan lang na summer vacation.
"Oh Ry, ikaw pala? Ba't ka nandito?" Antok na tanong ni Saturn sa kaibigan. Kanina pa kasi siya dito sa faculty room, dahil kahit first day of school ay in-excuse na agad siya ni Mrs. Gatdula para tulungan siya sa pag-aayos para sa dadating Elyson International School Club Day. Si Saturn kasi ang pinaka masipag na student ni Mrs. Gatdula noong grade nine sila.
"Kasi naman, dalawang subjects na ang nag-daan ay hindi padin kita nakikita! Bruha ka, dito ka lang pala nag-tatago." Natatawang sabi ni Nerry kay Saturn. Nagtawanan naman sila. "Si Mrs. Gatdula kasi eh!" Pabulong naman na sagot ni Saturn, para hindi makakuha ng atensyon sa mga teachers sa loob ng faculty room. Hindi naman kasi naka close ang cubicle ni Mrs. Gatdula, kasi dito sa faculty room ng high school department techers ay nasa isang room nga ay hiwa-hiwalay naman sila sa cubicle. Maya-maya pa ay dumating na nga si Mrs. Gatdula mula sa cr.
"Oh Ms. Sanchez, sinu-sundo mo na ba si Ms. Kim?" Natatawang tanong ni Mrs. Gatdula habang naglakad papunta sa kabilang gilid ni Saturn para tignan ang pinagagawa niya ditong club lists. "Opo sana, Ma'am. Kasi po kanina pa po siya hinahanap nung mga teachers ng first and second subject namin. Sabi nalang po namin na in-excuse lang muna ni Sir Lopez." Si Mr. Lopez ang adviser ng 10-A, ang section nila Nerry at Saturn.
"Oh, I'm really sorry about that. Wait..." Ulit na naglakad si Mrs. Gatdula palabas ng cubicle niya at lumapit sa may bulletin board nila na may katabing whiteboard. Sinundan siya ng tingin nila Nerry at Saturn, habang siya ay may sinusulat. Agad naman siyang bumalik saamin pag-tapos niya mag sulat.
'Announcement to all 10-A teachers, Ms. Saturn Eun Kim of 10-A is excused for the club day matters. Thank you. -Mrs. Lorna Gatdula *signed*'
"Ma'am, gets na po ba nila yun?" Nag-tatakang tanong ni Saturn. Tumango naman at ngumiti si Mrs. Gatdula. "Gets na nila yun!"
"riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!"
"Oh, time na... Ms. Sanchez, why don't you go back first to your class, then come back here for lunch? I'll treat you both." Prisinta ni Mrs. Gatdula. Napatayo naman si Nerry sa kinau-upuan niya at masiglang lumabas ng cubicle. "Una na ko, Sat. See you later Mrs. Gatdula!" At nawala na nga siya sa loob ng faculty room. May kaya naman sila Nerry pero hindi dahil sa excited siya sa libre pero kasi first time 'to mangyayari na may mang-lilibre at may makakasama siyang teacher sa lunch.
"riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!"
Lunch time na, at tinupad nga ni Nerry ang sabi niyang 'See you later..,' nandito sila ni Saturn ngayon sa faculty dining room dahil ayaw daw ni Mrs. Gatdula na may makakita sa kaniya sa kinauukulan or the school admins in layman's term, na masyado siyang close sa mga student's niya, na hindi naman talaga big deal sa school nila pero just to be professional lang naman daw. Magkaharap na naka-upo sila Saturn habang busy si Nerry sa pagku-kwento about sa mga nangyari earlier. "... kasi nga diba, first na na-meet namin si Sir Lopez dahil sa homeroom, at in-arrange na yung seats for the first quarter. Sa front ka, pangatlong row, ako sa second column, third row... so that means sa likod mo ko. Tapos katabi mo si Mike, tska si Luke kasi diba--"
"Ulitin mo nga?"
"In-arrange na yung seats fo--" Nagtatakang sagot ni Nerry.
"No, hindi yan... Pagkatapos niyan?" Pag-papaulit ni Saturn sa mga sinabi ni Nerry. "Are you saying na katabi ko nanaman si Mike?" Nanlaki ang mata ni Nerry ng maalala niya ang mga nangyari nuong grade nine sila. Ex-boyfriend kasi ni Saturn si Mike at may ginawa itong kalokohan kaya sila nag break. "Mapang-trip na tadhana nga naman... For Pete's sake? Bakit si Mike pa?!"
"Oh bakit? Is there something wrong?" Tanong ni Mrs. Gatdula na kakapasok lang ng faculty dining area na dala ang lunch nilang tatlo."Ahh... W-wala po, Ma'am." Pinandilatan naman ni Saturn si Nerry at agad naman itong naintindihan ni Nerry at tumayo para tulungan si Mrs. Gatdula, gayon din ang ginawa ni Saturn. "Thank you talaga Ma'am ah!"
Madami silang napag-usapan habang kumakain. "Promise teh! After ng recess edi diba galing ako dito sa faculty, tapos nung pag alis ko dumiretso ako sa room pero bago yun may nakasabay ako, papunta din sa room natin, kala ko kung sinong boylet, ang gwapo eh! Super!" Pag-kukwento ni Nerry ng nangyari kanina. Napatingin naman sila Saturn at Mrs. Gatdula kay Nerry. "Tapos yun pala siya yung teacher natin sa Math! Grabe, sabi sayo panay ang pag-papacute nila Andraye at Meryll kaso sinusungitan sila. Buti nga wala nang introduce-your-self-session eh. Basta agad siyang nagpabukas ng libro pagtapos niyang magpakilala. Mister...?"
"Mr. Wright. Yung bagong Mathematics teacher. Bata pa eh, twenty-five? o twenty-four? Basta ganun... Tahimik, seryoso, laging busy mag-isa. Pero magalang at minsan ay may mga bitaw siyang nakakatawa o minsan naman ay nakakatakot. Pero alam niyo ba? Sobrang talino nun taong yun, board passer at may MA na at the age of twenty-two." Seryosong pagku-kwento ni Mrs. Gatdula. Hindi naman makapaniwala sina Saturn at Nerry dahil sa pagka-mangha. "GRABE! ASTIG!"
Pagtapos nila kumain ay dumaan na ang maraming oras. At uwian na nga pero si Saturn ay nasa faculty parin. Hanggang ngayon kasi ay iniisip niya yung bago nilang Math teacher, hanggang ngayon kasi ay hindi padin ito naliligaw sa faculty room, at hindi padin niya ito nakikita kaya't sobrang curious nya sa teacher na ito kaya kahit thirty minutes na ang lumipas ay hindi siya umalis sa cubicle ni Mrs. Gatdula habang naka-focus sa may pinto kung may papasok man ditong bago. Actually ay maraming bagong teachers, pero puro babae lang. Maya-maya pa ay may pumasok na nga... "Psh... Kuya bakit ka nandito?"
"Ang tagal mo kasi, kanina pa ako naghihintay sa parking lot! Ay, good afternoon po Mrs. Gatdula." Reklamo ni Jupiter, ang kuya ni Saturn. Agad na ngang tumayo si Saturn at napag-disisyunan na niyang ipag-pabukas ang paghihintay sa kanilang bagong Math teacher, tutal ay tapos na naman niya ang mga kailangang gawin para sa club day kaya sure na makakapasok na siya bukas sa klase. "Mauna na po ako, Ma'am." Tumango naman si Mrs. Gatdula, dahil siya nalang ang guro na natira sa faculty room. Inakbayan na siya ni Jupiter at binitbit na nito ang bag niya. Palabas na sana sila ng bumukas ang pinto ng faculty room at niluwa nito ang isang napaka-gwapong nilalang na ngayon lang ata niya nakita. May dala itong box at parang kararating palang.
"Oh, Sir Wright, you're here. Ngayon ka lang mag-lilipat ng gamit mo?" Tanong ni Mrs. Gatdula. Napatingin si Saturn kay Mrs. Gatdula at pabalik sa sinasabing Mr. Wright... "Opo, ngayon lang po ang free time, eh." At tuluyan na nga itong pumasok at nilagpasan sila Saturn at Jupiter.
"Mukhang matalino, mabango din. Gwapo nga... Kaso mukhang masungit. Hindi manlang kami binati? Oh dahil sa sobrang tangkad niya kaya hindi niya kami napansin? Bahala na nga, see you nalang ulit bukas, Mr. Wright." Sabi ni Saturn sa isip niya at tska sila umalis ni Jupiter.
(Written by Anne)
YOU ARE READING
I Must Know The Algebra (Student/Teacher) [On Hold]
Romance"Let's talk later, after class." Masungit na sabi ng pinaka-gwapong guro na nakilala ko sa talang buhay ko. "Y-yes, Sir." Nanginginig kong sagot. Hindi ko alam pero, parang iba ang pakiramdam ko dito. Si Saturn Eun Kim, honor, graduating fourth stud...