chapter ii

33 0 0
                                    

"Saturn, gising na. Nag-hihintay na ang kuya mo sa baba." Niyugyog siya ng Daddy niya. Nagtalukbong si Saturn ng kanyang kumot. Agad naman itong hinatak ng kanyang ama at niyugyog siyang muli. "Kim Cha Eun! Jigeum Il-eona!" (Kim Cha Eun - Korean name of Saturn.) 'Kim Cha Eun, wake up now!'

Biglang tumayo si Saturn dahil alam niyang pag nag salita na ng koryano ang kanyang ama ay talagang galit na ito. Humalik lang ito sa pisngi ng ama at saka kumaripas ng takbo papuntang banyo. Pagtapos niyang mag-ayos ay agad naman siyang bumaba at dire-diretasong umupo sa tabi ng kanyang kuya sa kanilang dining table. "Kupad lang talaga..." Bulong ni Japet na rinig naman talaga ni Saturn. "Excited lang? Maaga pa naman." Bulong naman pabalik ni Saturn na rinig din ng kanyang kuya. Pero natigilan naman sila ng makitang pinag-mamasdan sila ng kanilang ama.

"Mian-hae." Sabi nila in chorus. 'Sorry.'

Tinuloy na nila ang pagkain nila ng breakfast at hindi nag-tagal ay umalis na din sila. Everyday, ay sabay pumapasok sila Saturn at ang kuya niyang si Japet sa school gamit ang kotse nito. Tutal ay college na naman itong si Japet at nasa legal age na magkaroon ng lesensya sa pag-mamaneho. Sa wakas ay naka rating na sila sa parking lot ng kanilang school. Bago bumaba ay inayos na nila ang kanilang mga sarili, si Saturn ay nag pony-tail na ng kanyang buhok habang bumaba naman ng kotse si Japet para kunin ang mga gamit nila sa backseat ng kotse at pagbuksan na din ng pinto si Saturn. Kahit lagi silang nagtatalo ay mahal sobra padin naman ang pagmamahal nilang dalawa sa isa't-isa dahil kuyang-kuya naman si Japet kay Saturn, at baby-ng-baby naman si Saturn kay Japet. Pinag-bukas na nga niya ito ng pinto at tska ibot dito ang bag niya. "Thanks, Kuya." Niyakap niya ang kanyang Kuya Japet at hinalikan naman siya nito sa noo.

"Sige na, pumasok ka na. Basta ah, 4 P.M. sharp, dapat nandito ka na ah? Kung hindi, lagot ka saakin." Istriktong banta nito kay Saturn na tinawanan lang siya at tinap niya ang balikat ng kanyang Kuya. "Yes, boss." Natatawang sagot ni Saturn with matching salute. Pumasok na nga si Saturn at nag-aabang na nga sa kanya ang kanyang best friend na si Nerry sa tapat ng locker ni Saturn. Agad siyang sinalubong nito ng hampas sa braso. "Hoy, konichiwa! Ang kupad mo lang eh, no?" Kumunot ang noo ni Saturn dahil sa tawag sa kanya ni Nerry at syempre kasama na din ang dahil sa malakas na hampas nito sa kanya. "Konichiwa? Ilang beses ko bang sasabihin dito sa Native na to na koreana po ako! Hindi ako haponesa! Hindi nga halata ang pagka-singkit ng mata ko eh! Kamukha ko kaya si Mommy!" Isip ni Saturn.

"Aray ko naman Native! Ang sakit naman ng palo mo!" Sigaw niya dito at gumanti din ng hampas pero di parin kayang tumbasan ang lakas ng hampas ni Nerry sa kanya. Nilampasan na niya si Nerry at pumunta na nga sa kanyang locker. Yes, may locker na agad sila kasi enrollment palang ina-assign na yung lockers kasabay ng section at schedule. Para namang nagulantang si Nerry sa pambawing pang-asar ng kaibigan sa kanya. "Hoy, excuse you ah! Hindi ako Native! Perdone, pero soy español." Mayabang na sagot nito sa kanya. "Si, bueno."

Nasa classroom na sila at hindi na nagtagal ay dumagsa na ang lahat ng mga classmates nila sa loob ng room. Kasunod naman ng mga ito si Mr. Lopez, ang kanilang adviser para sa homeroom. "Good morning, everyone." Masiglang bati nito. Nagsi-tayuan na ang lahat at bumati pabalik. "Good morning, Mr. Lopez." At agad din namang nagsi-upo ang lahat pag-upo ng guro. "I have an announcement, so everyone, listen up." Tumayo siya sa teacher's table at nagsulat sa whiteboard.

'CLUB DAY ORIENTATION - TOMORROW'

"Tomorrow, we will not have a regular class. The classes will be cut at 11 A.M. and after having your lunch break, you will all be gathered at the school auditorium for the club orientations and after that you may all pick the best clubs you can sign up for, and be a member for the rest of the year." Paliwanag ni Mr. Lopez. "Any further questions, just approach me, Mrs. Gatdula or Ms. Kim right here." Sabay turo ni Mr. Lopez kay Saturn. Siya kasi ang isa sa mga na-assign para mag emcee for tomorrow's club day opening. Nagsi-tinginan naman sakanya ang kanyang mga kaklase at parang nahiya naman siya kaya't napa-pikit nalang. Maya-maya pa ay tumayo na si Mr. Lopez at nagpaalam na sign na for the next subject. Tuesday ngayon kaya first day ang Mathematics, the HELL of all subjects. Inayos na ng lahat ang kanilang mga gamit kasi siyempre ay feel parin nila ang atmosphere ng first day of class, kaya medyo maayos pa sila. At pumasok na nga ng kanilang classroom ang sinasabing 'The Ice King' na si Mr. Wright.

"Morning, class." Seryosong salita nito at umupo na sa kanyang upuan bago pa man maka-tayo ang lahat para bumati. Kaya hindi na nila ito itinuloy at nanatiling naka-upo. Maya-maya pa ay wala pading nagsasalita, kahit ang kanilang guro. Hindi naman ata matiis ng ibang mga babaeng istudyante na mag kwentuhan tungkol sa teacher na nasa harap, ng biglang magsalita ito. "So you really don't have a plan to stand up and introduce yourself, new student?" Para namang natamaan si Saturn sa sinabi ng gurong ito. Siya lang naman kasi ang bagong dating dito dahil hindi niya nga ito na meet kahapon. Tumingin si Saturn sa piligid at pinagmasdan ang klase kung may ibang bago. "Don't try to look for yourself. And yes, I am talking to you, the girl at the front." Gininaw si Saturn sa pagkakasabi nitong teacher na to. "Shet, terror ata to!" Isip ni Saturn at tumayo na nga siya at naglakad papunta sa harapan ng klase.

"Good morning, guys. Good morning, Sir. My name is Saturn Eun Kim, 17 years old and I live at Forbes Park which is in Maka--"

"We don't need to know where you live, we just want to know your name and nothing more. So will you?" Sabi ng napakasungit na teacher sa likod niya. Agad naman siyang tumakbo sa kanyang upuan dahil sa hiya. "Grabe lang tong teacher na to... Ang bad nya, sobra!" Isip nanaman niya. "So going back to where we stopped last meeting..." Pag-uumpisa niya sa lesson.


SATURN's Point Of View:

Grabe buti nalang ay natapos na din 'tong sobrang malas na araw na 'to! At ang highlight ay ang pinaka-ayaw kong subject, ngayon ay mas malala dahil sa napaka samang teacher na nakilala ko. Gwapo nga sobra naman sa yabang at sungit, porket teacher siya at student kami ganun nalang siya maka-arte saamin? Eh kung isumbong ko siya sa admins ng school, malakas kaya ako kay Mrs. Martinez no! 4 P.M. na nga at palabas na kami ng classroom ng may sumalubong saamin ni Nerry. Speaking of the devilish devil...

"Ms. Kim, to the faculty room. Now." Ma-awtoridad niyang turan. Nagulat naman ako ng bigla nalang siyang umalis. "Nerry! What just happened?" Tanong ko kay Nerry na nagulat din. "Faculty room daw, now." Agad naman akong tumakbo papuntang faculty room, pero bago pa ako makaliko sa direksyon ng faculty at mapalayo pa lalo kay Nerry ay may naalala ako. "Nerry! Paki puntahan naman si Kuya sa may parking lot, paki-sabi pahintay saglit, sabihin mo pinatawag lang ako saglit sa faculty room! Thanks!" At tinahak ko na nga ang daan papunta sa faculty room ng highschool department teachers.

"Oh Ms. Kim, bakit ka nandito?" Tanong ng palabas na si Mr. Larry Tan, MAPEH teacher namin. Tumango ako at bumati, "Good afternoon, Sir. Pinatawag po kasi ako ni Ice K--, este Mr. Wright po." Natawa naman si Sir Larry. "Himala,  ilag sa tao yan eh." Bulong nito saakin. Natawa naman ako ng malakas na nakakuha ng atensyon nitong Mr. Sungit na 'to.

"You don't have any plan to come here, don't you?" Maangas nanaman niyang tanong saakin. Minsan masarap siyang kaltukan sa bangs ah! Sarap sabayan ang pagka-high-blood niya ah. Pag ito hindi ko na tantsa baka kung ano lang magawa ko.  "Coming, Sir." Sabi ko at nagpaalam na nga ako kay Sir Larry para naman maka-uwi na din siya. Bali ngayon ay kami nalang ni Mr. Sungit ang nasa faculty room, at pinaupo niya ako sa harap na upuan niya sa may long table dito sa loob ng faculty, ito yung laging gamit ng mga teachers pag may meeting about small matters. "Bakit niyo po ako pinapunta dito, Sir?" Agad kong tanong pagka-upo.

"I've checked all your accounts, you're actually doing great in everything since grade school... but what actually caught my attention is your LOW grades in my subject, Math. Is there anything wrong about it?  I've seen most of your grades and the only subject that is around line of eight is your Math. So I'm telling you now, I will never let you do any special projects for you to catch up with the grades. I'm sure you get me, Ms. Genius?" Sabi niya sabay lean forward papunta sa direksyon ko. Ang laput na niya, as in. Naramdaman ko ang pag-panik ng lahat ng dugo ko na nagpa-init ng mukha ko. Agad akong umiwas para hindi siya maka halatang nahiya ako. "Yes, Sir. I'll do better, next time." Sabi ko at tumayo na sa kinauupuan ko para sana lumabas na ng faculty. Pero bigla siyang nagsalita, "I don't need better, what I need is your best, got it?" At yun nga, hindi na ako makagalaw sa kina-tatayuan ko. Hindi dahil sa takot, pero parang...


KINIKILIG ATA AKO?


(Written by Anne)





I Must Know The Algebra (Student/Teacher) [On Hold]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang