Just A Dream (2/2)

29 2 1
                                    

Nakarating na tayo sa hospital kung saan ka nagki-clinic.

At sa wakas ay nakaraos tayo sa traffic.

Kinuha mo na ang lab gown mo, at sinabihan mo lang ako ng

"Dito ka lang ha! Babalikan kita after lunch." At hinalikan ako.

"Bye Ashi!" at isinarado mo ulit ang kotse.

Andito na naman tayo sa stage na naiwan.

Hahay! Bakit!

Bakit!

Ayun, tanaw tanaw muna ako sa paligid.

Ito pala ang hospital na pinagtatatrabahuan ni Marzia.

Maraming pasyente.

Malamang! Hospital 'to Ashi! 'Wag kang pabobo!

Medyo mainit na dito sa kotse.

'Di na ako makahinga.

Habol...

Habol...

Habol...

Tulong!

Hindi ako makahinga!

Hinga...

Hinga...

Hinga...

At biglang may bumukas sa pinto.

Salamat! Ikaw pala Marzia.

You saved my life again.

Kaya mahal na mahal kita.

I love you Marzia!

Bigla mo nalang ako inakap.

Teka lang Marzia! Naghahabol pa ako ng hininga.

"I miss you Ashi!" at mas lalo mo pa hinigpitan ang pagyakap sa akin.

"I miss you to Marzia!" sabi ko sa kanya.

Hinalik-halikan mo pa nga ako.

Hahay!

I miss those days noong bata pa tayo.

Ipinikilala nila ako sa'yo when you're 5.

Nagpakilala ka naman ng maayos at sinama sa hirap at sa ligaya.

Kasama kita noong malapit akong mamatay sa sunog noong 8 years old ka na.

Tandang-tanda ko pa nga noong hinatak mo agad ako palabas.

Tanggap na tanggap ko na sana ang kamatayan ko nang bigla mo akong nahanap sa kapal ng usok.

Rinisk mo nga ang buhay mo para lang iligtas ako.

Doon ko nalaman na mahal na mahal kita.

Doon ka nalaman na ikaw ang babaeng pinapangarap ko.

Doon ko nalaman na TEDDY BEAR lang pala ako.

Doon ko nalaman na palagi mo akong hinahalikan at yinayakap kasi STUFF TOY lang ako.

At ngayon ko lang nalaman na ini-ingatan mo ako kasi MAY SENTIMENTAL VALUE pala ako.

At akala ko MAMAHALIN MO RIN AKO.


THE END


Ashi

Date Finished: November 15, 2015







AshiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon