How Deep Is Your Love?

22 0 0
                                    



1 message received.

"Oh my gosh! He replied!" Nagtatalon ako sa kilig nang nakita ko na nagreply siya sa aking text.

Napalingon naman sa akin ang bestfriend kong si Elisa. "Who did?"

"My crush from the 12th grade! Si Theo!" Pasigaw ko pang sabi kay Elisa. "Ano daw sabi?"

"Oh di ko pa nabubuksan. Wait." and I opened his message at nalungkot bigla sa nabasa ko.

From Theo:

Stop texting me. You're annoying.

"Ba't ka malungkot? What did he say?" Pinakita ko kay Elisa ang text ni Theo sakin at lumungkot din siya para sa akin.

"Oh my! Ang rude niya! He could've said it in a nice way!" Kahit ano pang pagkakasabi niya, it will still hurt.

I think it's better kung ganoon na lamang niya sinabi kaysa nagpaka-plastik pa siya.

I know I kept texting him these past few days. But he just won't reply that's why. Kaya siguro talagang nainis siya sakin.

"Hay nako Iris. Tigilan mo na nga iyan. Tutal naman eh ga-graduate na rin siya sa Marso. Grade 9 palang tayo, samantalang siya ay Grade 12 na. Tatlong taon ang agwat niyo." Sermon naman sa akin nito.

Bakit ba ang OA niya manermon? Alam ko naman na tatlong taon ang tanda niya sa aking ngunit crush ko lang naman siya. Crush lang!

"Oh ano, nanahimik ka na diyan? Tara na nga't pumunta sa canteen. Gutom na ako."

Tama siguro si Elisa. Baka kelangan ko na talaga siyang tigilan.

Nakarating na kami ni Elisa sa canteen at naghanap na ng mauupuan. Bumili muna siya at ako nama'y naiwan sa aming pwesto.

Mula rito, kitang kita ko siyang nakikipag-usap sa mga kaibigan niya.

Ang gwapo niya talaga. Para siyang anak ng isang diyosa.

Sakto namang gumawi ang tingin niya sa aming pwesto. Nakita niya ako at biglang nawala ang ngiti sa mga labi niya.

Ayoko na. Hindi ko na crush si Theo. Ayaw niya sakin. Masyado siyang masungit.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 15, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

How Deep Is Your Love?Where stories live. Discover now