Kass POV
Waaaah! Sa wakas Sabado na naman. Meaning, uuwi na naman si bestfriend. Panigurado may mga pagkain na naman ako hahaha! Makaligo na nga muna.
Ligo
Bihis
BabaMommy! Punta ako kina Vlad. Tatambay muna ko dun.
--
"Uy Vlad asan pagkain ko?""Pagkain agad tinanong mo di mo man lang ako kamustahin" nakalabing sabi nito.
"Yuck! Huwag ka ngang ngumuso para kang suso tsaka hello ang arte mo, pero sige kamusta na ang bestfriend ko?" Nakatawang sabi ko.
"Eto guwapo pa rin" nakangising wika niya.
"Sus, yabang mo! Asan na nga!?"
"Eto na po, di makapaghintay" sabay abot ng isang supot ng chocolates.
"Wow! Ang dami nito ah. Thank you panget" saka walang pakiming naglambitin ako sa leeg niya at mariing kinintalan ng halik ang pisngi nito.
"Hey! Ano ka ba? Baka mamaya may rabbies ka ah" natatawang pinahid pa nito ng palad ang pisnging hinalikan ko.
"Tse! Ano ako aso? Ang arte mo" nakalabing saad ko. Sabay upo at walang pakundangang binuksan ko ang mga chocolates.
"Ikaw talaga ang takaw mo, pero di ka naman tumataba" sabay upo sa tabi ko, inirapan ko lang siya.
"Babe, pahiga ako sa lap mo. Idlip lang ako. Kain ka lang jan" di pa ko nag oo nahiga na. -___-
"Ilang beses ko bang sinabi sayong huwag mo kong tawaging babe?" -___-
"Di ko alam, tsaka nasanay na ko kaya huwag ka na ngang kumontra" ^____^ sabay pikit.
"Kfine bahala ka na nga"
-Nahuli ko nalang ang sarili kong nakatitig sa kanya. Nilalaro ko buhok niya gamit ang mga daliri ko. At kung anu-ano ang naiisip ko. Napaka babaero talaga ng lalaking ito. Kung magpalit ng syota parang nagpapalit lang ng damit. Kailan kaya to magbabago? Hay! Pero kahit naman ganyan yan. Napaka protective niya sakin...
--
"Hay talagang mga batang ire, nakatulog na naman sila dito sa sofa" nagising ako sa boses ni tita. Nakatulog rin pala ako."Kass, gising ka na pala. Gisingin mo na yang kaibigan mo at kakain na"
"Opo tita. Vlad gising na. Kakain na tayo" sabay yugyog sa kanya
"Hmmmmm mamaya. Sarap tulog e" nakapikit pang sagot niya.
"Ihhhhhhh! Nagugutom na ko e. Tayo kana kasi" sabay hila sa kanya.
"Mamaya na"
"Vlad! Tatayo ka o tatayo ka!?"
"Matutulog!"
"Isa!" Sigaw ko.
"Eto na! Tatayo na. Ang ingay mo babe. Tara na nga." Sabay akbay sakin
Habang kumakain..
"Kass, kamusta school?" Tanong ni tita
"Ayos lang po" sagot ko naman
"May boyfriend ka na ba?"
"Walang boyfriend yan mommy. Walang magkakamaling pumatol jan" tawa tawang sagot ng loko kong kaibigan.
"Sa ganda ng kaibigan mo walang papatol? Bulag ka ba Vladimir?" Sagot naman ni tita.
Tinignan ko lang siya sabay binelatan. Ganda ko kaya! ^__^
"Saang parte mommy? E ang payat niyan e" hahaha.
"Payat ka jan! Slim ako noh. Diba tita?" Nakangusong sagot ko.
"Oo nga. Gusto nga siyang kuning model ng ate mo e. Gusto mo ba Kass?"
"AYOKOOO!!" Sagot ni Vlad
"Bakit? Ikaw ba kinakausap ni tita? Kanina ka pa sagot ng sagot ah!"
"E sa ayoko e!" Salubong kilay na sagot niya.
"Sige tita, payag po ako. Pakisabi kay ate" ngiting sagot ko kay tita. Di ko na pinansin si Vlad.
"Sige, siguradong matutuwa yun" ngiting sagot rin ni tita.
BINABASA MO ANG
My bestfriend, My BEDMATE!
Short StoryThey were best of friends, akala ni Kassandra hanggang doon nalang. Pero dahil sa isang pagkakamali, nagbago ang lahat.