Prologue

35 0 0
                                    


Love...

Love. Love. Love.

Ano nga ba ang ibig sabihin ng love?

Sabi ni dictionary... Ang love ay... Isang feeling or affection na nararamdaman mo sa isang taong malapit sayo.

Siguro... Yun nga yun.

Paano mo naman nararamdaman na mahal mo ang isang tao?

Based on my sources, macoconfirm mo daw yan kapag nakakaramadam ka ng tiny heart attacks, sweating of glands, being unable to breathe properly, or you just want to be with that person kasi nga... You love that person.

Ganun ba talaga yun? Parang ang hirap naman nun. Di ako makakahinga tapos mamamawis at kakabog pa yung dibdib ko. Magmumukha pa akong obsessed kasi dapat lagi siyang nasa tabi ko.

Parang ayoko na tuloy.

Bakit masayang ma-in love?

Sabi nung in-a-relationship kong friend, masaya daw ang feeling na in love ka dahil ang taong minamahal mo ang magiging happiness mo. Yung tipong ngingiti lang siya, mapapangiti ka rin. Tapos pag nag-joke siya, maapreciate mo kasi nga, mahal mo. Pero ang pinakamasayang part ay yung malalaman mong mahal ka rin niya. Yun na yun. Heaven na ang feeling. Talo talo na.

Eh pano pagnasaktan ka? Eh di ganun din? Sobra sobra rin? Hayst.

Kailan mo naman masasabi na you have already found 'The One'?

Sabi nung mga characters sa wattpad, madali lang sabihin na yung current relationship mo na ang forever mo. Madali lang sabihin na siya na ang 'The One'. Pero... Mahirap patunayan. Mahirap i-justify. Mahirap i-explain. Kasi kahit nasa kanya o nasa iyo na ang lahat, yung tipong parang ang perfect niyo ng dalawa, yung tipong 'Match made in heaven' na kayo, di pa rin maiiwasang sabihing 'parang may kulang'. Kasi nga walang taong perpekto. Kung hindi talaga kayo meant-to-be, di talaga kayo magkakatuluyan. Kaya mahirap magsalita ng tapos. Mahirap sabihing tapos na kasi baka may book 2 o book 3 pa o di naman kaya special chapters. Tapos mahirap din umasa. Umasang kayo na pala, tapos hindi naman. Hayst.

Kanino mo nga ba mararamdaman yung salitang 'LOVE'?

Based sa aking not-so-experienced life, mararamdaman mo yan sa taong lagi mong nakakasama, lagi mo nakakausap, at lagi mong nakikita. O di kaya dun sa taong lagi mong nakikitang ngumiti, tumawa, malungkot, magalit, at kung ano ano pa. O di kaya run sa taong malakas magpatawa kaya yung tawa mo dining hanggang kabilang space. Normally sa mga taong close o kaaway mo kagaya ng best friend, kababata, bully, amo/alipin, kaibigan, kapatid ng best friend mo, kaklase mo, at kung sino sino pang nakakainteract mo sa personal.

Tama naman ako di ba?

Tama naman yung sinasabi ko di ba?

Paano ka naman kasi maiinlove sa taong di mo pa nakikita kahit kailan?

Ang dami daming nagsasabi nun na mga kakilala ko pero 'LOVE' ba tawag dun? Eh wala pa ngang skinship na nangyayari?

Kalokohan lang yan.

Pero paano nga kung possible yun?

Ano yun?

Anong tawag dun?

UnSEEN Love?

~*~

START: October 2016

Unmet Love (Uncrossed Paths)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon