P R O L O G U E

272 8 8
                                    

Runaway with You.

OMG! OMG! OMG!

Paulit-ulit na usal ni Raevien ng makita niya ang kadarating lang na bagong Boss nila. Kung pwede lang tumakbo ng pagkabilis-bilis at umalis ng lugar na iyon ay ginawa na niya.

“Grabe Rae! Ang gwapo ng bagong boss natin. Kahit walang sweldo kung ganyan naman ka-yummy oks na oks sa akin.” Kinikilig na sabi ng officemate-slash-kaibigan niyang si Elle.

“K-ung sayo ayos lang walang sweldo aba hindi sa akin hindi mabubuhay ba ako ng kagwapuhan niya?” pilit niyang pinapataray ang boses  niya para hindi mahalata ng kaibigan ang panginginig sa boses niya.

“Kahit kailan ka talaga wala kang kahumor-humor sa buto mo,syempre joke lang iyon sa hirap ba naman ng buhay ngayon.” sagot nito sa kanya inirapan niya lang ito. Muli niyang pinagmasdan ang Boss nila habang ipinapakilala ito. Nagulat siya ng bigla itong tumingin sa kanya. Sa hindi malamang dahilan kahit gusto niya itong iwasan ay hindi niya magawa. Ang ipinagtataka niya ay kung bakit ganoon ang reaction nito. Para bang hindi siya kilala nito.

Sino ka ba para maalala niya?  Napabuntung-hinga nalang siya at iniwas ang tingin dito.

Masayang pamilya. Magandang career. Mga tunay na kaibigan at isang mapagmahal na husband to be.

Perfect Life. That was Vien’s life before she ran away . Tama tinakbuhan nga niya ang natakdang kasal niya. Ang dahilan niya, “TAKOT”. Natatakot siyang hindi magampanan ang tungkulin ng isang asawa kaya mas pinili niyang tumakbo at iwan ang nag-isang lalaking mahal niya.

At ngayon nasasaktan siya na makita ito makalipas ang isang taon mula ng iwanan niya ito na tila ba walang pakialam sa kanya. Oo, ang Bagong Boss nila. Ang lalaking iniwan niya noon.Pilit niyang pinatatag ang loob niya. Dapat lamang sa kanya ang pagtrato nito ng ganoon. After all siya ang nang-iwan.

“ Hey! Guys! Listen up! Para ipakita kay Sir na malugod natin siyang tinatanggap sa ating kompanya magkakaroon tayo ng dinner mamaya!” napatigil sa pag-iisip si Vien ng marinig ang sigaw ng head ng department nila.

“Ah eh, Sir.” tawag niya sa head nila.

“Oh, Vien. Ay teka hindi pa kita naipapakilala kay Sir Tamaki. Halika nga rito.” Wrong move Vien! Ang tanging plano lang naman kasi niya ay sabihin na hindi siya makakasama sa dinner nia pero natawag pa ng atensyon ng mga ito. Kinakabahang lumapit siya sa mga ito.

“Sir, si Ms.Enriquez  ang isang pinakamasipag na empleyado ng kompanyang ito.”pagpapakilala nito sa kanya. Ngumiti naman ito at inilahad ang kamay nito.

“It’s a pleasure to meet you Ms. Enriquez.” Naiilang man ay tinanggap nito ang alok nitong kamay. Napasinghap siya ng sa halip na kamayan ay hinalikan .Mabilis niya itong binawi.

“Ah eh, sorry po Sir, Sige po balik na ako sa trabaho ko. “ mabilis na tumalikod siya pero narinig pa nito ang sabi nito.

“ Masipag nga.” narinig niya pang  tumawa ang mga kasamahan niya. Pero kahit ganoon mas nangibabaw ang tawa nito. God,I missed him so much. Mariing napapikit si Vien.She shoudn’t feel that way lalo na’t mukhang nakalimutan na siya nito.

Hindi mapakali sa pwesto niya si Vien dahil alam niyang malapit lang sa kanya si Tamaki. At parang madudurog din ang kanyang puso dahil may kasama itong dumating.

“Oi, Vien ang tahimik mo ata.Ayiiiie. Alam ko yan selos ka sa kasama ni Sir noh?” may halong pang-aasar na sabi nito.

“Pwede ba mali ang iniisip mo masama lang ang pakiramdam ko noh!”may halong inis na sagot nito. Sa totoo lang hindi siya naiinis kay Elle. Naiinis siya sa sarili niya dahil tama si ito, nagseselos nga siya. Pero anong magagawa niya siya ang nang-iwan dapat lamang sa kanya iyon.

Nagulat si Vien ng biglang sumigaw si Elle. “ Sir oh nagseselos daw po si Vien sa kasama niyo!!”

“Elle!” sigaw niya. Aagd siyang tumayo at humingi ng paumnahin. “ Pasensya na po,Sir. Lasing na po ata si Elle kaya kung ano anong sinasabi” mabilis niyang paliwanag. Saglit siyang tumingin kay Tamaki at nakita niya bagaman saglit lang iyon,nakita niya ang pagngiti nito. Bigla tuloy nabuhayan ang dugo niya na maaring hindi talaga siya nito nakalimutan na umaakto lang siya ng ganito para subukin siya.

Tama! Gagawa ako ng paraan. This night ipapakita ko sayo Tamaki ako parin. Ako parin ang mahal mo.

Lahat ng deteminasyon ni Raevien ay mabilis na nawala ng mapagtanto niyang wala na talaga itong pakialam sa kanya. Ginawa na niya ang lahat pero tila wala itong pakialam.

Nagpatirapa na niya sa harap nito upang tulungan siya nito pero tinawanan lang siya nito at sinabihan pang “ Ilang palaka ang nahuli mo?”

Halos ubusin niya na ang alak na inorder nila pero sinabihan lang nito ang mga kasamahan niya na umorder pa ng at damayan siya sa pag-inom dahil mukha daw syang problemado. Gustong-gusto niyang isigaw na “ Oo! May problema ako at ikaw yon!”

At ang pinakahuli niyang ginawa ay umorder siya ng pagkaing allergic siya. Hinintay niyang pigilan siya nito pero hindi nangyari iyon kaya sa huli hindi niya rin naman kinain ang mga iyon. Mahal pa naman ang buhay niya no.

Habang tumatagal siya roon mas lalong nahihirapan ang kalooban niya. Alam niyang malaki ang kasalanan niya rito at maaring dapat lang sakanya ang nararamdaman niya ngayon kaya nagkadesisyon siyang magresign nalang sa trabaho niya,hindi niya kakayanin makita pa ito. Natatakot siyang sa araw-araw na magkasama sila ay mas lalo niya itong mahalin. Nang ibigay niya sa head nila ang resignation letter niya ay tinanggihan niya ito kung gusto daw nito ay sa mismong boss niya ito ibigay.Pag tinanggap nito ay malugod nilang tatanggaapin iyon. Ayaw man niya ay wala siyang nagawa kung hindi gawin ito mas mabuti na iyon kaysa manatili siya roon.

Pumikit muna siya at huminga ng malalim bago kumatok sa pinto ng office nito.

“Come in” halos mapalundag siya ng marinig ang boses nito.

Dahan-dahan siyang pumasok .

“What brings you here?” nakangiting tanong  nito. Nagagawa niya pang ngumiti samantalang kinakabahan na ako dito,isip isip ni Vien.

“Ah ,Sir “ inabot niya ang resignation letter niya. Saglit nitong tiningnan  iyon at inilagay iyon sa drawer niya. Akmang tatalikod si Raevien ng magsalita ito,

"Tatakbo ka nanaman ba? Tatakasan mo nanaman ba ang mga bagay na pilit kang hinahabol? Hanggang kelan Vien? Hanggang kelan ka mapapagod sa katatakbo? Kelan?!" he said through gritted teeth with eyes filled with desperation and dissapointment..

 Tama nga siya. Kilala siya nito. Umaakto lamang itong walang pakialam sa kanya. Kasalanan niya naman eh.Pero nasasaktan siya kasi kahit pagbalibaligtarin ang mundo nasaktan niya ito at pinaasa kaya may karapatan itong tratuhin siya ng ganito. Hinarap niya itong muli.

“Oo nanatatakot ako. Natatakot akong makita yung taong mahal ko na wala ang pakialam sa akin.Alam ko naman yung katotohanan na kasalanan ko kung bakit siya nawala sa akin. Natakot ako noon at natatakot parin ako ngayon…..dahil hanggang ngayon.. Hanggang ngayon.. Mahal na mahal pa rin kita. Ang dating iniwan ko sa altar, ay ang lalakeng iniwanan ko rin ng puso ko na patuloy sa pagtibok, sa paghahanap at sa pagsigaw ng iisang pangalan.. Ang pangalan mo, Tamaki," maluha-luha kong sinasabi habang patuloy siya sa pagpunas ng mga luhang hindi matigil sa pagbagsak.

Nagulat siya ng tumayo si Tamaki at yakapin siya.

“Tahan na.” sabi nito habang pinupunasan  mga luha niya. Hindi niya maiwasang tingnan ito. Wala parin pinagbago ang mukha nito,Maamo.Para bang hindi ito nagalit kanina.

Nang matapos itong punasan ang luha niya muli siyang niyakap nito.

“ Tatakbo ka padin ba?” tanong nito na nanatiling nakayakap. Marahan tumango si Vien.

“Hanggang kelan naman?”

 “Hanggang may paa ako “ piliosopong sagot niya. Hindi niya rin alam kung iyon ang naisagot niya pero kusa iyong lumabas sa bibig niya.

“ I should run away with you then.” 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Run Away with YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon