Ang buhay daw ng tao ay parang isang gulong. Paikut-ikot lang. Paulit-ulit lang ang mga nangyayari. Gigising, gagawin ang usual na routine, matutulog, gigising uli, at uulitin lang ang mga kailangang gawin. Nakakasawa diba? Nais-stuck lang tayo sa anong kailangan nating gawin para mabuhay. Nakukulong tayo sa mga pangyayaring ayaw nating maranasan pero dumarating. Yun bang kung ano ang gusto natin ay hindi natutupad samantalang ayaw natin ang mga ibinibigay sa atin. Well, yun ang katotohanang hindi na natin mababali. Kailangan talaga nating gawin ang mga bagay na 'di manim natin gusto, kailangan talagang gawin. Para bang ang pagpasok sa eskwela. Maraming ayaw pumasok dahil sa iba't-ibang rason tulad ng katamaran at pagkabagot. Pero tulad nga nang sabi nila, ang edukasyon lamang ang kayamanang hindi mananakaw. So if that's the case, importante ang edukasyon. Kailangan natin. See, ganoon kaimportante ang mga bagay na yan.
Pero maiba tayo, sa tingin nyo, bakit tungkol sa mga ganong bagay ako nagsimula? Well, ang sagot lang naman dyan ay simple lamang: "Importante ang mga bagay na iyon; Malalaman lang natin ang importansya ng isang bagay kapag nawala na ito." Hindi ba totoo? Usual na ang mga pangyayaring mare-realize natin ng biglaan ang importansya kapag nawala na. Yun naman ang ugali ng tao eh. Hahayaan nila, pero kapag nawala, hahanapin din. Hindi ba napakalaking kabaliwan iyon? Masyado nating pinapagod ang mga sarili natin. Parang ako lang. Maraming beses nang nangyari sa akin pero parang hindi ako nagtatanda. Napakatigas daw ng ulo ko. Go lang ako nang go ika nga nila. Well, ganito talaga ako eh, tao lang naman. Pero, forever na lang ba ako na magiging ganito? Hindi na ba magbabago ang status ng buhay ko?