"Uy Jan, tara na! Baka ma-late tayo best friend!"
Ang aga naman nya. Eh mamayang 7:30 pa lang ang start ng klase eh. Yan si Maricris, "Chris" for short. Ang medyo maton kong best friend. Ever since pre-school, nakadikit na ang mga pusod namin. Hanggang sa trabaho, magkasama pa rin kami. Fresh graduates kami sa kursong education sa parehong university. Ewan ko ba't hindi kami mapaghiwalay ng isang 'to. Well, compatible daw kase kami. Parang baterya lang, siya ang positive, ako naman ang negative. Partners in crime din kami mula noon. Napakasarap niyang kasama dahil na rin sa napakakwela at napakabait niya. Kaya siya ang perfect na best friend para sa akin.
"Oo na. Wait lang. Eh alas-sais pa lang ng umaga eh. Bakit ba ang aga mo? Excited much?"
"Hoy! Hindi no! Naiirita lang ako sa suot ko kaya pumunta muna ako rito. Gusto kong may kasama ako mamaya para hindi ako masyadong mahiya."
Well, nakakahiya nga. Kahit ayaw nyang magsuot ng skirt ay kailangan. Eh 'yun ang school uniform for female teachers eh. Kawawa naman ang best friend ko. Pero in the other hand...
"Uy! Bakit tinitignan mo ako nang ganyan? May dumi ba ako sa mukha?"
"Hahaha! Wala naman."
Pero in the other hand, bagay nya pala ang ganoong klase ng damit. Ang ganda ng best friend ko! Natabunan lang nang pagka-boyish niya ang itinatago niyang ganda. Sabayan mo pa nang kawalan niya ng tiwala sa sarili niya. Siga man siyang tignan, may soft spot parin talaga sa puso nya.
"Sigurado ka? Baka pinatri-tripan mo na naman ako ah?! Babangasan kita kahit nakabihis ako nang ganito!"
"Oh chill! Pero kailan ka pa nagsimulang mag-make up ah? Nakakapanibago yata?"
"Bwisit nga si ate eh! Sinabi ko nang ayaw ko pero ipinilit nya. Eh wala naman akong magagawa sa kanya diba?"
"Sabagay. Pero ang ganda mo ngayon ah!"
"Ano? May sinasabi ka ba?"
"Ah hindi, ang pogi natin ngayon ah?"
"Good!"
"Oh wait lang ah. Mag-aayos na ako. Kumain ka na ba?"
"Oo naman. Ready na to, tsong!"
"Hindi ka naman excited nyan?"
"Medyo. Medyo kinakabahan ako. First time eh."
"Sabagay. Oh wait lang ah."
Iniwan ko muna siya para makapagayos na. Tunay ngang nakakapanibago. Dati, simpleng estudyante ka lang na pumapasok sa eskwela dahil kailangan mo. Kahit na tinamaan ka na nang katamaran syndrome at pagkabagot virus, kailangan mong gawin ang mga kailangan sa eskwela. Dati, papasok ka sa eskwela at makakasalamuha mo ang iba't-ibang uri ng tao. Matututo kang pakisamaan sila dahil kailangan. Well, totoong kailangan natin ang pagpasok sa eskwela para maging matagumpay. Pero kahit na napakaraming pangit na alaala ang nangyari, nagis-stick parin tayo sa mga bagay na nakapagpasaya sa atin habang naroon tayo. Kaya nakaka-miss talaga ang maging estudyante.
"Best friend, tapos ka na ba? Ang tagal mo ah!"
"Wait lang. Patapos na ako."
"Okay."
After a couple of minutes...
"Tara na best friend! Sakay ka na kotse."
"Wow! Totoo pa lang may wheels ka na. Ang cool mo na talaga ah."
"Syempre!"
At lumarga na kami. Hindi man namin masabi, bakas sa mga mukha namin ang iba't-ibang reaksyon tungkol sa papasukan namin. Sabi nga ni Chris, "First time eh."
