Chapter1

92 1 0
                                    


"Punyeta. Sasabog na utak ko sa Pharmacy." Inaayos ko na yung gamit ko.

"Tara shift!" Sabi naman ng baliw kong kaibigan na si Lia.

"Ulul mo. Two years nalang magsi-shift kapa?"

"Ayyy. Galit na galit?" Sagot nito sabay lapit sakin at kapa sa noo ko. "Wala ka namang sakit. Ba't ang init ng ulo mo?" Tanong pa nya.

Hay. Kaka-break lang namin ni Dylan kagabi. Ano bang ineexpect nito? Nagbubunyi ako pagkatapos akong gaguhin ng boyfriend ko for three years? Hinayupak sya! Buti nalang di ko sinuko ang bataan! Kung nagkataon nagkanda leche leche na ang buhay ko! Bakit kasi nabuhay pa ang mga lalake na may itlog na pansalawahan? Bat di nalang sila pinutok ng tatay nila sa pader?! Talaga naman oh! Puputulan ko talaga yan si Dylan Monteverde na yan! Hayop! Ang kapal ng muka na...

"Hoy Megan Vingttrois Crisostomo! Kinakausap kita, sumagot ka! Tatampalin kita e!" Nawala ako sa kabihasnan ng mundo ng pagkamuhi ko sa balahura kong ex.

"Problema mo ba?" Mataray kong sagot dito. Agad naman 'tong namewang at inirapan ako. "Alam ko kung di lang kita bff e sinabunutan na kita. Kung may mga bitch e ikaw ang tunay na bitch. Haliparot."

Inirapan ko lang ito pabalik at dumukdok sa desk. Dismiss na kami, at vacant na. Pero heto ako, nasa activity center for students at nag-aaral dahil may quiz kami sa Pharmacy na 1 to 100. Kaimbyerna diba?

Bwisit na bwisit na ako sa buhay ko, bakit ko ba kasi sinundan yung malantod na ex ko dito sa course na 'to? Eto napapala ng kalandian eh!

Sa gitna ng pagdadrama ko, biglang may bumato sakin ng tissue.

Aba punyeta. Wala nang mas sisira pa sa araw ko. Kainis.

"Sige pa! Isa pang paglutang mo dyan palulutangin na talaga kita sa Manila Bay!" Galit na talaga si Lia.

"Sorry na friend. Alam mo namang broken hearted ako eh." Bigla namang naging isang malungkot na ngiti ang bumalot sa muka ng kaibigan ko. "Alam ko. Kaya nga ako nandito, baka kasi magsuicide ka dyan eh!"

"Ako? Oh my god. Ako? Talaga? Ako na isang Megan Vingttrois Crisostomo? Dahil lang sa isang ex?!"

"Ay 'te. Di lang basta ex. Tandaan, ang iyong mala-greek god na ex." Pagpapaalala pa nito.

"Greek god na malandi kamo." At sabay kaming humagalpak ng tawa. "Tara na nga sa room. Three minutes nalang magta-time na." Aya nito at sabay tayo. "Sige, tara. Wala namang pumasok sa utak ko. Pakopya nalang."

"Panong may papasok sa utak e wala ka naman nun?" Pangungutsa pa nito. "Bwisit ka talaga. Hayop." Sagot ko. "Gandang hayop naman."

Oo na. Maganda na. Maganda naman talaga si Lianne Aubrey Vergara. Maganda na, matalino pa. Kaya nga Student Council President eh. Di lang yun, mayaman pa! Ang parents nya ay parehong doktor. Ang daddy nya ay neurologist, at pediatrician naman ang mommy nya. Kaya eto sya ngayon, nagpapharmacy. Pre-med course nya. Bukod pa dun, varsity pa sya ng volleyball. Libero sya, tuwang tuwa nga mga boys pag may laro sila e. Biro mo yun? Kita mo yung pata pata ni Lia? Joke. Yung makinis at maputing legs nya. Package na nga etong bestfriend ko eh. Ewan ko nalang kung bakit NBSB 'to. Di ko alam kung nagmamaganda, o maarte lang. O baka naman di lang siya interesado? Hay. Ano kaya..

"Ow!" Na-out balance ako at napaupo ako sa sahig. "Hoy! Ingat ingat din ha!" Rinig kong sigaw ni Lia.

"Sorry, miss." Isang malumanay na boses ang narinig ko. Medyo husky.

Ang hot naman ng boses.

Ay Meg! Wag kang malandi! "Okay lang." Sagot ko. Inabot nya ang kamay nya na nagudyok naman sakin na tignan sya sa mukha.

Shit! Ang gwapo! Medyo maputi, makinis, matangos ang ilong, mapungay ang mata, and light brown pa ang kulay! Medyo brown din ang buhok at unat na naka-side ang lahat. Malinis at mabangong tignan. Ang hot naman nito, bakat na bakat sa uniform yung malaki nyang muscles sa braso. May abs kaya sya?

"Uhm.. Miss?"

"Yes?" Oh my god kinakausap nya ko!!

"May problema ba sa muka ko?"

At dun ako bumalik sa ulirat. Ughhh!! Gano na ba ko katagal na nakatitig sakanya?

"Hoy. Grabe kayo magtitigan ah. Magkakilala ba kayo?" Singit naman ni Lia.

"Ah hindi, pero im West Zenon Monasterio. Pharmacy 2-A. Ikaw?" West. As in kanluran. Baka soon kalanturan ko? Nabaliw na kakatawa yung utak ko.

Dear heart, wag malikot! Eto na ata ang bago mong playmate!

"I'm Lianne Aubrey Vergara. 2-A din."

"Nice meeting you, Ms. President. Of course I know you. You're the ever so popular as Miss Everything, dahil sa pagiging Jack of all trades mo. You're good at everything!" He replied as if he was adoring the goddess, in the body of Lia infront of him.

Bigla tuloy ako nainis. Ano ba yan bestfriend! Akin yan eh!

"And you, madamoiselle?" And this time, sakin naman sya humarap.

"Megan Vingttrois Crisostomo. From 2-C."

For the first time in forever, nahiya ako na 2-C ang section ko. Irregular kasi yung mga nasa C na section. It's either working students, or mga bagsak bagsak kaya naging irreg. o kaya late enrollee, o varsity.

He glanced a smile at me. I melted. "The goddess of the irregulars. Miss Megan Vingttrois Crisostomo."

21st Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon