"The goddess of the irregulars, Miss Megan Vingttrois Crisostomo."
Is this Eros?
Parang pinana nya yung puso ko jusmeyo! Lord, bakit ka ba nagpapaulan ng greek gods ngayon ha?
"Buhay ka pa ba?" At sabay may pumitik sa noo kong makinis.
Nabalik tuloy ako sa ulirat ng masagwa kong buhay.
"So, Miss Meg. I'm sorry, at hindi ko talaga sinasadya. Sorry din Miss Lia." As he smiled and brushed his hair off his very nicely chiseled face muscles.
"Okay lang. Hindi naman masakit eh." I replied, habang nagtatago ng kilig. Fak, hirap kaya magpigil ng ngiti pag kating kati kanang humalakhak.
"Baka nakakalimutan nyo, Kanluran at Meggy na nandito din ako." Sabat ng forever epal kong bestfriend.
"Sorry na Lia, nagpapapansin lang talaga ko kay Megan." Sabay kindat.
Thank you, kahit di ako nag-conditioner, napakahaba at ganda padin ng buhok ko.
"Obvious naman eh. Laki ng hallway binangga mo pa talaga sya. Infairness ah, napatumba mo. Kapal ng pundasyon nyan sa hita eh!" Sabi ni Lia sabay hampas sakin.
"Ay ang galing mo friend! Pak na pak ka, pakyu. Ikaw libero ha, yung pata mo di ko pinagtitripan!" Sagot ko sakanya.
"Sige na girls, Miss Meg. See you around!" Tapos lumakad na si Kanluran, na magiging Kalanturan ko in the future. Hihi! Joke lang.
Atleast mapapalitan na yung ex kong mukang patay na kuko. Lakas ng loob manloko! Ipagpalit ba naman ako sa hito!
"Oh friend, imagination mo nanaman. Late na tayo sa Pharm class natin. Major pa naman yon." Bumuntong hininga pa si Lia.
"Mabaho, Lia. Tigilan mo a!"
"Ay oo nga pala! May gagawin ako sa headquarters ng Student Council. Alis muna ko ah! Itetext nalang kita, tutal absent na tayo." Dagdag pa nya habang naglalakad na sya palayo.
"Oo na, sanay naman akong iniiwan palagi eh." Tas kunwari sad face pa ko.
"Andyan naman si Kalanturan. Babalik yun, pagkatapos ng limang bilang pagka-wala ko sa paningin mo. Bye!"
Ha? Oo alam kong medyo bobita talaga ko pero ano?
"Hi Meg!"
"Ay anak ng kalabasa!"
"Uy sorry. Haha! Nagulat ba kita?" Si West, ngayon nakatayo na katabi ko. Aba syempre nakatayo, jusme.
"Uy! Ay hindi, di ako nagulat. Muntik lang ako mahimatay!" Ano ba yan Meg, ba't ganyan mga sagot mo!
Tandaan mo, ang gwapong nilalang na nasa harap mo ngayon ay isang greek god na mas gwapo sa talipandas mong ex na mukang patay na kuko sa paa. Watch your words, asan ang manners mo! Konting pa-demure!
"Huy! Lutang ka nanaman! Galit ka ba?" Tanong pa nito.
Di ko alam kung pano ko aarte, wag na nga umarte. Bahala na si batman sa kapalaran ko.
Sorry batman, ikaw nanaman ang sinangkalan ko.
"Gutom na ko." Teka bat ba yan yung nasabi ko. Tinignan ako ni West na para ba kong baliw na nakawala sa mental.
"Oh, eh anong gusto mong kainin?"
"Isaw."
Tapos tinignan nya ulit ako ng matagaaaaal na panahon. Dejoke lang, pero talaga tinitigan nya ko.
"Talaga Meg?"
"Oo, bakit? Di ka ba kumakain non?" Sagot ko. Oh please, alis na kasi tayo. Awkward na eh.
"Favorite ko yun eh." Sagot nya sabay ngiti sakin.
Fak. Gwapo. Teka, kalma! Kalma Meg! Kalma!
"Tara na?" Aya ko. At um-oo naman 'to.
Naglalakad na kami sa main hallway ng bigla ulit syang magsalita.
"Alam mo ba?"
"Ang ano?" Ngayon ko lang napansin. Chinito 'tong si West.
"Ikaw si number twenty one." Sabi nya sabay ngiti. Tas nung ngumiti sya, nawala yung mata nya.
Naguluhan tuloy ako lalo.
"Anong twenty one? Ako si number twenty one?" Ngumiti sya at hinawakan ang kamay ko pagkaupo namin sa isang table dun sa ihawan.
"Teka ah, ate! Trenta pesos na isaw po! Pakilutong po a!" Lumingon yung tindera sabay sabing, "Sige Weng. Hatid ko nalang sa table mo"
"Close kayo?" Di ko na naiwasan magtanong
"Curious kana sakin?" Abaaa. Nakakalolo ngumiti to ah!
"Kapal! Tatanong lang eh."
"Grabe naman, nangangamoy defensive."Pak! At ayon. Hinampas ko na sya. Hay girls, bat ba tayo mahilig sa hampas hampas ha?
"Bwisit kang intsik ka!"
"Grabe ka Meg! Ang talim! Binabawi ko na na ikaw si twenty one! Mamamatay akong maaga nito!" Sabi nya na para bang napaka big deal kung ako si twenty one."Eh ano ba kasi yang "ikaw si twenty one" na yan? Pinapasakit mo ulo ko eh!"
Nginitian nya ko ng nakakaloko tapos naglabas ng camera.
"Look, Meg. I made a deal with a deity. And I wished for true love."
Medyo naguluhan ako. "Eh ano naman ngayon sakin yun?" He sheepishly smiled again. Pwede ba kanluran, tigil tigilan mo yang ngiti ngiti na yan ah. Kanina ka pa nakakascore sa kilig hormones ko. Manawa please."I took pictures, random. Twenty pictures. At dun sa twenty first picture, nandun ka. I did it yesterday. Sa parking lot. Ang sabi kasi sa horoscope ko, yung pang twenty first na babaeng makikita ko after six pm yung soulmate ko. Pang twenty nga si Lia eh. Kaso ikaw si twenty one." Malas.
BINABASA MO ANG
21st
Teen FictionA love, based on cliché. It's us against all odds. "Ganyan tayo, Meg. Hindi pwedeng isa nasa taas, isa nasa baba. Love meets at the center. Pag bumagsak ka, bababa ako para sayo."