CHAPTER 2: STALK INTO ANGER

63 2 0
                                    

CHAPTER 2 (STALK INTO ANGER)


Umaga pa lang pero mainit na sa labas ng bahay nila Ela. Dali-dali syang pumara ng sasakyan para makarating agad sa eskwelahan. Nakaramdam sya ng excitement dahil napag-usapan nila ni Monique na kilalanin si Ricardo ng hindi nito nalalaman. Nakarating na sya sa eskwelahan at nakita nya ang kaibigan nya na naghihintay sa lobby.

"Pards!" Tawag nya kay Monique. Nilapitan sya nito at agad na sinusundut-sundot ang tagiliran nya. Gumanti rin si Ela at sinundut-sundot din ang tagiliran ni Monique.

"Ano,pards? Sisimulan na ba natin?" Tanong ni Ela na tuwang-tuwa

"Yes!" Sagot ni Monique na alam na agad kung ano ang tinutukoy ni Ela. Hinanap nila si Ricardo sa bawat lugar ng eskwelahan pero hindi sila nagpapahalata. Pasimple lang silang naglalakad pero ang mga mata nila ay kung saan-saan nakatingin. Sa classroom,wala. Sa canteen,wala. Sa library,wala. Sa kubo,wala.

"Baka hindi sya pumasok,pards." Sabi ni Ela na nakakaramdam na ng pagod.

"Siguro nga,pards. Pumasok na lang tayo sa klase natin baka nag-umpisa na sila."

Naglalakad na sila papunta sa klase nila nang mahagip ng mga mata ni Monique ang isang lalaki na naka-upo sa ilalim ng mangga sa harap ng highschool building.

"Pards." Napahinto si Monique nang makumpirma nya na si Ricardo nga ang nakita nya.

"Bakit?" Napahinto rin si Ela.

"Si Ricardo." Sabi ni Monique na nakatingin pa rin kay Ricardo. Nang makita ni Ela si Ricardo ay bigla syang napangiti.

"Ang gwapo." Tumitili si Ela na may kasama pang lundag. Hinatak sya ni Monique at nagtago sila sa halamanan.

"Ano ka ba,pards. Baka mahuli tayo nyan e."

"Ang gwapo kasi,pards."

"Tama ka,pards. Sya na ata ang pinakagwapo rito sa Southern Baptist College."

Patuloy pa rin nilang sinisilip si Ricardo na naka-upo sa ilalim ng malaking mangga habang natutulog.

"Bakit kaya nag-iisa lang sya?" Tanong ni Monique.

"Baka naman wala pa syang kaibigan. Alam naman natin na tahimik syang tao."

"Edi kaibiganin natin."

"Nakakahiya,pards."

Biglang tumayo si Monique kaya tumayo rin si Ela.

Ano'ng gagawin natin?"

"Kaibiganin natin. Tapos kapag nangyari 'yon, siguradong kaiinggitan tayo ng ibang estudyante."

"Gusto ko 'yan,pards. Kaso malapit na mag-umpisa ang klase natin."

"Madali lang 'to,pards."

Lumakad na sila papalapit kay Ricardo na natutulog pa rin. Nakasandal sa puno ng mangga at niyayakap ang mga tuhod nito at ang kanyang mukha ay nakasubsub sa tuhod nya.

"Ano'ng plano?" Tanong ni Ela.

"Magpapanggap ako na natapilok tapos sisigaw ka ng tulong."

"Game!" Nakangiting saad ni Ela.

Nagbuntong hininga silang dalawa at lumapit pa ng kaunti kay Ricardo. Nagkatinginan sila at ngumiti. The game begins.

"Aray!" Natumba raw kunware si Monique na humihiyaw habang hawak-hawak ang paang natapilok kuno. Nataranta si Ela at agad humingi ng tulong.

"Tulong! Tulong po! Natapilok ang kaibigan ko!" Sumisigaw si Ela na akala mo ay kung ano talaga ang nangyari. Hindi pa rin nagigising si Ricardo. Nagkatinginan ang magkaibigan.

The Promise Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon