Liv's POV
Andito kami ni daddy nakatayo sa labas ng isang mataas na building sa makati. May kausap sya ngayon sa phone, siguro yung imi-meet namin mamaya. Bigla ko namiss ang sydney, malayong malayo ang business district namin doon sa sydney kesa dito.
Maya maya inaya na ako ni daddy pumasok sa loob ng building. Ang ganda ng labas ng building pero mas maganda sa loob, revolving door, andaming magagarang chandelier, magagalang yung mga guard at magaganda yung mga receptionists. May inabot na kapirasong papel si daddy sa receptionist at agad kami inabutan ng visitors pass at itinuro kami papuntang elevator. Kinakabahan ako kung sino ba tong tao na to na imi-meet namin, kahapon pa ako di mapalagay, dahil hindi sinasabi ni daddy kung sino ang taong ito, ni clue wala.
Bumaba kami sa 24th flr., ni dad at dumerecho sa babae na nasa gilid. Nakangiti ang babae kay daddy na parang silang magkakilala. Malamang kaibigan ni daddy ang kakausapin namin at madalas sya pumunta dito kaya kilala na sya.
"Goodmorning Mr. Reyes, mam!" Masiglang bati ng secretary
"Goodmorning Cecil, we have an appointment with your boss today." Sagot ni daddy sa sekretary
Nagdial sa telepono ang babae, upang ipaalam sa boss nya na nandito na kami, pagbaba nya ng phone ay sinamahan nya kami papasok sa malaking kwarto na katabi ng table nya.
Pagpasok namin ay iniwan na kami agad ni Cecil, at sa dulo ng kwarto ay may lalaking nakatayo sa harap ng bintana. Familiar ang tindig nya, hindi ko maintindihan pero parang kilala ko sya.
"Mr. Madrigal" Madrigal??? Dont tell me si Jai to? Elijah Madrigal?!?! No f*cking waaay!!!
Jai's POV
"What' s the meaning of this? What are we doing here dad? And why are we here?!" Galit at pasigaw na tanong ni liv sa dad nya, ive never seen her like this before.
"Calm down iha" pilit kinakalma ni Tito Greg si liv
"Calm down? No! I cant calm down! Bakit nandito tayo sa opisina ng taong ito?! Nakalimutan mo na ba ginawa nya sakin noon dad?!?!!" I know i left her, at pinagsisihan ko na yun. Di nya pa rin pala nalilimutan yun.
"Please just relax iha, this is very important, i know galit ka sakanya, but we have no choice, you need to marry him."
"Marry him?! Naririnig mo ba yang sinasabi mo dad?! I'm engaged to Isaac and were getting married in 5months! Anong kalokohan to?!"
"Excuse me, liv, let me explain." Sumabat na ako.
"No iho, let me be the one to explain everthing, ako na bahala." Pakiusap ni Tito Greg, hinayaan ko sila magusap sa isang tabi, narelax na ng konti si liv, nakikinig naman sya sa daddy nya, at nagsisimula na sya humagulgol ng iyak.
"No, no, i cant dad, i cant marry him, ako na bahala sa utang mo, but just dont let me marry that guy. You know how much i hate him. Please!" Pakiusap ni olivia sa dad nya, alam ko kung gaano nya ako kinamumuhian, at alam kong ayaw nya ako pakasalan, gusto kong bumawi sakanya, sa lahat ng pagkukulang ko sakanya at sa nawala namin baby.
"Read this, FYI." Seryosong sabi ko habang inabot ko sakanya ang mga dokumento na naglalaman ng listahan ng pagkakautang ng dad nya, at may mga pirma nya yun, nalulong sa casino si Tito Greg, hanggang sa nangungutang na kung kani-kanino at nagbebenta na sya ng mga kagamitan nila, at ang huling taong inutangan nya ay ako, wala na sa bansa si Liv nung mga panahong yun.
*** flashback ***
"Pano pag di kayo nakabayad sa tamang panahon? Alam nyo na po siguro ang mangyayari sa inyo."
Napakalaking halaga ang inuutang ng father ni Liv sa akin, kaya ko naman magbigay pero inaalala ko lang ay baka di nya yun mabayaran sa takdang panahon na binigay ko. Para akong nagbigay sa charity nun kung sakali.
Tahimik na nagiisip ang daddy nya, pero may mas maganda akong naisip na paraan kung sakaling di sya makabayad sakin.
"How's Olivia now?!" Tanong ko kay tito, more than 3 years na simula nung iniwan ko sya. Hanggang ngayon mahal ko pa din sya.
"She's working in a publish house in sydney, and she's engaged with Isaac and she's happy." Biglang may kumurot sa puso ko nung narinig ko ang mga salitang yun, ako dapat ang kasama nya ngayon, dapat ako ang nagpapasaya sakanya ngayon, pero anlaki kong tanga. Sumama ako sa ibang babae.
"I want her, sya ang gusto kong kapalit pag hindi ka nakabayad sa oras." Bahala na bastabnung mga oras na yun ay sya lang ang laman ng isip ko.
"But, no, she cant marry you, si Pamela nalang! Olivia's happy now.." Pagtutol ni tito greg,
"Naririnig mo ba sinasabi mo tito? Pamela's too young for me, at lalong magagalit si liv sa akin pag pinatulan ko ang kapatid nya!" She's like a sister to me, no i dont like her and im still inlove with her ate.
Maya-maya pa ay pumasok na ang abogado ko at naglabas ng mga dokumento, kasunduan, tig-isa kami ng kopya ni tito, agad ako pumirma. Binasa pa ni tito ang mga dokumento bago sya pumirma, at bago sya pumirma ay bumuntong hininga muna sya. I know its hard tito, pero ito lang ang naiisip kong paraan para makabawi sa mga panahong nawala nung iniwan ko si Liv.
Pumirma na din si tito at inabot ko na rin yung cheke na naglalaman ng inuutang nya. Pag kabigay ko ay nagpasalamat si tito at lumabas na ng opisina ko.
*** end of flashback ***
"Wala naman na ako magagawa, kundi pumayag magpakasal sayo, wala ako ganyang kalaking halaga." Mahina ang boses nya pero dinig na dinig ko na pumapayag sya pakasal sakin.
"Ibabalik ko ang modelling career mo, habang hindi pa tayo kinakasal, pero pag naikasal na tayo i want you to quit modelling and focus on being a housewife. You may start your own business if you like." Inabot ko sakanya ang folder na hawak ko, mga schedules nya for next month.
Umiiyak sya, at nasasaktan ako na nakikita ko syang napipilitan lang, pero eto lang alam kong paraan. Im sorry Liv.
To be continued..
50 votes for next update
Thanks for the support!!

BINABASA MO ANG
Like We Used To
RomanceKaya mo ba mahalin ulit yung taong iniwanan ka sa panahong pinaka kailangan mo sya? Kaya mo ba syang mahalin ulit kahit may mahal ka nang iba? At kaya mo ba syang pakisamahan sa loob ng 3 taon habang may iba kang mahal?