Chapter 4

80.2K 1.6K 19
                                    

Chapter 4

--

IVORY can't concentrate at all! Bakit lagi na siyang binibisita nung hinayupak na gwapong si Warren?

Days passed by like a flash.

Lagi na siyang kinaiinggitan ng kababaihan sa kumpanya.

Kung araw-arawin ba namang nasa kumpanya si Warren para ligawan si Ivory na parang 'yun nalang ang alam nitong gawin.

And she can't believe that his charms was actually working!

Kinakain na niya ang mga salitang sinabi niyang hindi siya maiinlove sa binata. The gorgeous hot man named Warren Lastimosa is dangerous to her heart.

But what can she do? Patuloy na siyang nahuhulog rito.

And they are both in the same car, at hindi pa niya alam kung saan sila pupunta.

How did did that even happen?

(Flashback)

"Ms. Castillo, what I'm going to tell you now is actually Warren's request." Napakunot agad ang noo ni Ivory. Kasama niya ngayon ang boss niya at ang anak nito.

"Ano po 'yun sir?" Magalang na tanong niya sa matanda.

"Since I've seen you worked hard for this company, ever since you've entered here. Warren thought of giving you some vacation. But he has two conditions. Number 1, he has to be with you. And Number 2, your vacation place will be in our province." Paliwanag nito.

"What?!" Ivory exclaimed. "Hindi ba pwedeng ako nalang mamimili ng pupuntahan ko at pwedeng 'wag kong kasama si Warren?"

"I'm sorry Ms. Castillo. Everything is settled now, in fact naka-ready na ang lahat ng kailangan ninyong dalawa. Even the car you will use is already waiting for you outside."

"Haa?!" Hindi pa siya nakakapagsalita ay hinila na siya palabas ni Warren. At kahit anong pagpupumiglas niya ay talo rin siya.

"Enjoy your two weeks vacation Ms. Castillo!" Pahabol ng boss niya.

(End of Flashback)

"Ivory, excited ka na ba?" Ngiting asong tanong ni Warren.

"Ako? Excited? To be honest. No! Warren naman, dapat sinabi mo na saakin ng maaga itong plano mo para nakapag handa naman ako." Inis na saad niya.

"Edi kung sinabi ko, hindi na surprise."Nakangiti paring saad nito.

"Tsk. Ewan ko ba sayo." Hindi na siya nagsalita pa at pinunta ang atensiyon niya sa kalsada.

IVORY was amazed by the sight. Five hours of travel is all worth it.

"Waaaaah! Ang ganda nga talaga dito sa probinsiya niyo!" Ivory enjoyed the moment.

Ang sarap langhapin ang hangin, tahimik ang paligid, and not to mention breathtaking view. Nagtatangkarang mga puno. She was really amazed by the site.

Malayong malayo sa nakasanayan niyang lugar na magulo at maingay.

"Glad you like it here." Tanging sambit ng binata.

Napatingin si Ivory sakanya.

"You're off the hook Mr Lastimosa. Pasalamat ka at nagandahan talaga ako dito and I have a feeling that I'll enjoy my stay here." She smiled at him. Habang nagtititigan sila ay may narinig silang boses sa likod nila.

"Sir Warren! Ikaw ba yan?" Sigaw ng isang matandang babae kaya napatingin silang dalawa sa gawi nito.

"Manang Dolores." Masayang bati ni Warren.

"Aay! Sir Warren, ikaw nga talaga! Aba'y mas gumwapo ka ngayon! Ilang taon rin kitang hindi nakita rito. Sigurado akong masisiyahan ulit ang mga kababaihan dito." Napatakbo si Manang Dolores para malapitan sila. Nang makalapit na siya sakanila ay napansin niya si Ivory. "Oh, may kasama ka palang babe."

"Ah. Opo Manang. Si Ivory po. Girlfriend ko." Pangangasar ni Warren.

Siniko naman ni Ivory ang binata. "Manang 'wag kayong maniwala diyan. Wala po kaming relasyon nitong kumag na ito."

Napailing nalang ang matanda sa asaran ng dalawa.

HABANG patungo sila sa tutuluyan nila, hindi maiwasang mangibabaw ang presensiya ni Warren sa lugar. He's like a superstar, lahat ng nadadaanan nilang tao. Kilalang kilala siya. Not to mention screaming girls.

Ano 'to? pinunta niya ba ako rito para lang ipagmalaki kasikatan niya rito?

"Manang, lahat ba talaga ng tao dito eh kilala si Warren?" Tanong ni Ivory kay Manang Dolores habang tinitigan si Warren habang may kausap na mga matatanda.

"Ai, opo ma'am, hindi lang si Sir ang kilala nila kundi pati ang buong pamilya nila. Sa katunayan lahat ng tao rito ay mahal ang pamilya nila. Sila kasi ang tumutulong sa aming mga mahihirap." Paliwanag nito.

Napatango nalang si Ivory at muling tinignan ang binata.

She never thought that his family was very respectable when it comes to helping others.

She never thought of him that way. All she knew was his just a plain jerk who only knows is breaking woman's heart.

But this vacation maybe her chance to really know him better. And make all the worries in her heart to fade away.

She came back from her reverie when Warren suddenly appeared right infront of her and inches away from his face.

"Oi. Tulala ka na diyan ah. Pagod ka na ba?" Bungad ni Warren sakanya.

"Ah... ahm.. h-hindi naman." Oh my gosh, why am I stuttering? And my cheeks feels hot!

Napansin naman ito ni Warren.

"Ba't ka namumula? Dahil ba sa malapit na malapit mukha natin? Ahhh. Iba na talaga epekto ng kagwapuhan ko sayo." He said while smirking.

"Sh-shut up! Hindi yun ang dahilan okay! 'Wag kang assuming!" Argh! Minsan talaga nakaka-inis itong lalaking ito!

Pero sa nakita ko ngayon? That 20% romantic feeling for him had turn to 40%.

--

A/N:

Waaah! After how many years naka update narin.

Sorry for the late update. Naging busy lang.


Meeting the CEO's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon