"Hi Cute! Padaanin si Cute!" Sigaw ni Chardie sa mga kabarkada nitong nakaabang sa pinto ng kanilang Classroom. "Excuse me..." mahinang salita ni Trina na kahit tinatakpan nito ang kanyang Ilong at bibig ng panyo ay parang nagagayuma ang mga kaklase nito sa hinhin at simpleng Aura nito.
Si Trina ang eksaktong example ng babaeng "simple pero may dating". Kayumangi ang kutis nito at hindi naman kataasan ang ilong nito na naging dahilan din ng insecurities ng dalagita. Tingin ng dalaga sa sarili ay hindi naman sya maganda, minsan nga sa harap ng salamin kinausap nito ang sarili at tinanong pa ang Diyos, "Lord, sabi nila CUTE raw ako, hindi naman po ah, totoo po kaya sabi nila?". Totoong hindi naman talagang kagandahan si Trina. Pero di maipaliwanag ang Sex Appeal nito kung bakit madalas nabibighani ang mga kabataan sa kanyang edad ay nagkaka-CRUSH sa kanya. Tanging nakakabilib kay Trina ay ang ugali nitong malinis sa katawan at maayos na kilos bilang isang dalagita, at napaka sipag rin nito mag-aral. Mabait na bata si Trina, masunurin sa mga guro at may leadership. Hindi kagaya ng ibang mga kamag-aral nitong magaganda nga pero wala namang laman ang utak kundi puro kakikayan lang at kalandian.
"Aray, hehehehe...", tanging nasabi ni Rico, ang binata na katabi ni Trina sa upuan sa halos lahat ng kanilang subjects. Tuwang tuwa na sinusuntok suntok nya sa may balikat na parang nanglalaro lang at kinukurot din sya nito. Naging gawi na ng dalawa ang ganitong eksena, si Trina ang nambubugbog sa kakulitan kay Ric at ang binata naman ay kahit medyo nasasaktan na ay bale wala lang na napapangiti sa dalagita at laging nagpapatalo sa mga laro nilang dalawa.
"Trina, alam mo bang gusto ka ni Ric?" sabi ni Elmo sa kaklaseng lihim ding tumatangi sa dalagita ngunit walang nagawa kundi ang ilakad ang Bestfriend nitong si Ric kay Trina dahil naunahan sya nitong mag lahad ng damdamin sa barkadahang kinabibilangan nila Elmo at Ric. "Ah, ganun ba? Ayoko, kaibigan lang ang turing ko sa kanya, hanggang doon lang kami ni Ric." Mariing sagot ni Trina sa kaklase ring si Elmo at dali-dali na itong lumakad papalayo sa kinaroroonan nina Elmo at Ric na nooy di napansin na nalaman na pala ng dalagita ang pagtatapat ng bestfriend nito tungkol sa nararamdaman nito dahil naging abala sa paggawa ng kanilang assignment. Nagtaka na lamang ito kung bakit umalis na ang dalaga ng di man lang nagpaalam sa kanya.
Naging Close sina Trina at Ric simula pasukan hanggang malaman ng dalaga ang tunay na nararamdaman ng binata. Simula ng malaman nito ang totoo galing kay Elmo, umiiwas na si Trina kay Ric at madalas, sumasama na ito sa ibang mga babaeng kaklase. Ikinataka ito ni Ric pero pinaalam rin ni Elmo kay Ric ang ginawa nito at wala itong nagawa kundi ang malungkot.
Ilang araw ding nag-isip si Ric at nabuo ang desisyon nito na manligaw na sa dalagita. Nagpatulong ito sa mga kaibigang babae ni Trina. Hanggang pumayag na si Trina na mag-usap sila ng binata.
"Trina, sana di ka na magagalit sa akin dahil nagkagusto ako sayo. Totoo, gusto kita. Mahal na mahal kita." umiiyak na pagtatapat ng binata na ilang araw na ring di mapakali dahil sa paghahanda sa kanilang pag-uusap. "Nakakainggit! Ric, sana sakin ka nalang mangligaw ang sweet ni Ric, at napaka bait Trina!" Kilig na sabat ng mga babaeng kaibigan na nooy nasa tabi lang ng dalawa upang makinig dahil yun ang kondisyon na gusto ni Trina dahil naaasiwa sya kung sila lamang dalawa. Napayuko si Trina at tila humugot ng napakalalim na hininga at parang naghahanda ng lakas ng loob upang masabi nito ang nasa sa loob. Ilang minuto pa at nagsalita na ito, "Ric, Ano bang kaya mong gawin kung naging tayo na? Mga bata pa lang tayo at napakahirap ng buhay ayoko magsisi sa bandang huli." hindi malaman ni Trina kung saan galing ang mga salitang iyon na lumabas sa kanyang bibig.
"Ibibigay ko lahat sa iyo Trina, mag-aaral akong mabuti at magtatrabaho upang maibigay ko ang magandang buhay sa iyo", sincere na sagot ng binata na halata parin ang tamlay nito. "Kahit pagbebenta lang ng tinapay ang kaya ko sa ngayon upang matustusan ang pag-aaral ko, pero ang kasipagan na to ang bubuhay sa atin sa tamang panahon," ani Ric na may sinseridad sa sinasabi.
"Sorry Ric, mga bata pa tayo at di ko pa gustong pumasok sa kahit na anong relasyon, sana maintindihan mo", sabay tayo at lumakad papalayo sa grupo at naiwang lumuluha ang binata.
Simula noon, naging gawi na ng binata ang suyuin parin ang dalagita hanggang isang araw ay inimbitahan ni Elmo si Trina upang pumunta sa canteen. Nagpapaalam ito na uuwi na ng probinsya at doon na lamang tatapusin ang kanyang pag-aaral. Binigyan sya nito ng kwintas na hugis puso. Nagtaka ito at dito nag tapat uli ang binata, "Trina, gusto kita noon pa man, totoo ang mga sinasabi nila na gusto rin kita kahit gusto ka ni Ric, pero ayoko saktan ang bestfriend ko kaya pinili ko nalang na wag nang manligaw sa iyo. Pero Trina, sana sa pagbalik ko, andyan ka parin, at sana matutunan mo akong mahalin." mahabang paglalahad ni Elmo kay Trina. "Elmo, sorry, gaya ng sinabi ko kay Ric, Ayoko munang isipin ang mga bagay na yan, dahil gusto ko munang mag-aral, dahil ampon lang ako elmo at gusto kong ipakita sa mga taong minamaliit ako na kaya kong tapusin ang pag-aaral ko ng maayos". Walang nagawa ang binata kundi ang ihatid na lamang ng tingin ang dalagita hanggang makalabas na ito ng canteen.
10 years later, nabalitaan ni Trina na nasa Maynila na si Ric at ikakasal na ito. Nanlumo ang dalaga dahil nalaman nitong isang matagumpay na Engineer na si Ric at may Construction Company na pala ito. Si Trina, hindi pinalad sa buhay pag-ibig nito, nagkaroon sya ng madaming manliligaw at ilan sa mga ito ay naging kasintahan. Nagkaroon si Trina ng anak sa pagkadalaga na ikinagalit ng pamilya nito at tinakwil sya. Nagkaroon ulit ng kinakasama si Trina ngunit wala naman itong magandang trabaho at madalas silang mag-away dahil nagkasakit si Trina na syang dahilan kung bakit nawala ang career na nooy kanyang pinagmamalaki. Naghirap sa buhay si Trina kasama ang dalawa nitong anak at ang ama ng pangalawang anak nito. Napaisip si Trina na sana si Ric nalang ang naging tatay ng mga anak nya, sanay naging masaya sya sa piling nito at hinding hindi sya sasaktan ni Ric. Subalit, huli na ang lahat dahil ikakasal na ito.
Ilang taon uli ang lumipas at pinagtagpo sina Trina at Elmo sa Facebook, ikinasal na si Trina sa nooy kinakasama na ama ng pangalawang anak nito. Limang taong nakalipas matapos malaman ni Trina na ikakasal na si Ric ay nagdesisyon narin si Trina na magpakasal na sa nooy kinakasama. Nagkaroon uli sila ng anak at naging dahilan ng mas lalong paghihirap nila. Ilang beses naring nagdesisyong maghiwalay sina Trina at ang asawa nito pero nitong huli ng magkita muli sa FB sina Trina at Elmo, napag isipan nitong hihiwalay na talaga dahil nagkaroon ng matinding depression si Trina na naging dahilan ng madalas na pag-aaway ng mag-asawa. Hindi maintindihan ng asawa nito ang takbo ng pag-iisip ni Trina at aminado narin itong wala na nga itong natitirang pagmamahal sa asawa at ni minsan ay di naman talaga nito minahal si Trina. Pero di parin nagwagi ang palabirong pag-ibig kay Trina. Pinaglaruan lang pala sya ni Elmo dahil gusto ng noon ay binata paring si Elmo na gumanti dahil sa sakit na binigay nito sa kanila ng bestfriend nitong si Ric. Akala nila ambisyosa si Trina, at gusto lamang nitong makapagboyfriend ng gwapo at mayaman dahil noon ang laging sinasabi ni Trina sa mga manliligaw ay "Ano ba ang kaya mong ibigay sa akin kung sakaling naging tayo na at magkakapamilya tayo?" di nila alam na may pinagdadaanan ang dalagita noon na nagbigay ng malaking takot na magkaroon ng mahirap na buhay. Ayaw nitong matulad sa buhay ng totoo nitong magulang dahil pinaampon sya nito sa iba dahil wala nang maipangtustos para mabuhay ang mga anak.
Kasalukuyan, nasa psychiatric ward si Dr. Tuazon, ng makita ang pamilyar na itsura sa harap nito. "Trina Salde?" tanong ng doctor sa isang pasyente na kakapasok lang ng mga nurse. "Yes doc, sya si Trina Salde, kilala nyo po sya? iniwan sya dito ng asawa nya dahil lagi daw pong tulala at wala sa sarili. Ilang oras na sya sa labas at di na binalikan ng asawa nito." sagot ng isa sa mga nurse na nagpasok sa loob ng maliit na cubicle ng mga doctors sa Mental Hospital.
"Oo, sya ang babaeng sinasabi ko na kaisa-isa kong minahal ng totoo noong highschool kami at naging kasintahan ko habang siya ay may asawa na, hindi ko alam kung bakit ko sya iniwan at sinaktan dahil sinabi kong gusto ko maramdaman nya na masakit ang ginawa nya sa amin noon ng bestfriend kong si Ric, akala ko ayaw nya sa amin dahil hindi kami kagwapuhan at mayaman," tahimik at napaluhang pag-amin nito sa sarili.
BINABASA MO ANG
Tinapay! (short story about regrets and could BEs)
Short StoryIto yung storya ng buhay pag-ibig ni Trina. Naging mailap ang pagkakataon, pero umaasa parin na balang araw may darating paring isang Prince Charming na magpapabago sa pagtingin nya sa buhay at Pag-ibig.