First Star

2 1 0
                                    

Searching for love.

Ariel's POV.

"Uwaaaaaaahhh! Gagawin na palang movie ang Searching for Love ni Miss Fullmoon."

Napatalon ako sa tuwa pagkatapos kong basahin yung article sa blog ng favorite kong author na si Miss Fullmoon.

Sa lahat ng books nya yung 'Searching for love' yung pinaka favorite ko. Its soooo nakakakilig >////< crush na crush ko yung bidang si Terrence dun ahihihi.

Pagkatapos kong magtatatalon tinignan ko ulit yung article. Ang sabi, may upcoming audition pa daw para sa casting.

Iniscroll down ko pa hanggang mabasa ko yung mga comments ng mga followers ni miss full moon.

Ansavehh.

Halos lahat sinasabi na dapat daw gumanap na bida ay sina Ara Fajardo at Luxx Amano, yung pinakasikat na loveteam ngayon. Meron ding nagsuggest na bagong mukha nalang daw para di nakakasawa.

Ahaha. I agree. Cute at may chemistry talaga yung tambalang AraLuxx kaya sikat na sikat sila ngayon. Dagdagan pa na totoong childhood sweethearts silang dalawa.

Pero di ko sila feel maging sina Terrence at Nella ng SFL.

Hayyysssst.

Try ko rin kayang mag-audition.

Lol.

Huhu. Siguradong first try palang waley na ako π_π

Kung bakit naman kasi malabo ang mata ko at kelangan ko pang mag salamin ng katulad kay Betty La Feia. Hayyyyssst.

Ah alam ko na. Pupunta nalang ako sa audition para manood. What a bright idea *O*

"Ano na naman ang tinutunganga mo dyan."

"Ayy terrence!" Napatalon ako sa gulat. Pagkalingon ko sa nagsalita nakita ko ang nakasimangot na mukha ni Knight.

"Pinapantasya mo na naman yung karakter sa libro. Di ka na naawa." Sinimangutan ko lang sya. Pero habang tinititigan ko sya may narealize ako. "What?" Napakunot noo nya nang mapansin nyang tinititigan ko sya.

"Gwapo ka pala Knight." Sabi ko. Truth to be told. Knight Lantis Colton is definitely one of the handsome guys I know. Mas gwapo pa sya kay Luxx.

"Wag mong sabihin na ngayon mo lang narealize. Ten years of friendship. Just wow." Yeahh. Were childhood friends and best of friends too.

Nag peace sign lang ako sa kanya na sinuklian nya ng simangot. Nakuu. Kawawa naman ang magiging anak nito. Baka mamana yung mukha niyang palaging nakasimangot.

"Knight."

"Hmm?"

"Sali ka sa audition. Bili!" Omg. Nae-excite ako sa bright idea ko.

"What audition?" Takang tanong nya. Pumunta sya sa bookshelf ko at may kinuhang libro. Searching for love.

"Ayan." Takang lumingon sya sa akin.

"What?"

"Ayang libro na hawak mo. Gagawin siyang movie at magpapa-audition sila. Bilis na! Ako tatayong manager mo."

"No way. Wala akong balak mag artista. "

"Wala naman akong sinabi na mag-artista ka. Ang sabi ko try mo lang mag-audition. Feeler ka huh. Sa dami ng mag-a-audition siguradong di ka naman mapipili. Simangutan mo lang pag nasa harap mo yung mga judges sabay alis. Yun lang."

Sumimangot lang ulit siya. Pero infairness gwapo pa rin kahit langing nakasimangot.

"Ano naman mapapala ko dyan kung hindi ko seseryosohin yung audition?" Ayan na. Nahuhulog na siya. I grin.

" Malay natin andun si Miss Fullmoon. Since sya yung writer alam ko kailangan nya ring i-access yung mga maga-audition." Lalo akong napangiti ng tumahimik sya at tila nagisip.

Isang bagay pa na magkasundo kami ay dahil pareho kami ng favorite author. Hindi lang kasi romance ang genre na sinusulat ni miss fullmoon. Meron ding action/mystery na title ay chasing knights na paborito nitong si mr. Simangot.

"Bilis na! Ayaw mo nun makakapagpa-autograph tayo."

"You know that's impossible. Anonymous author si miss fullmoon. Kahit na yung publishing house hindi sya kilala ng personal. She's like Bob Ong. Who knows baka nga lalaki pa sya." Ako naman ang napasimangot sa sinabi nya. Well he's right kasi. Miss FullMoon is an anonymous writer. Wala talagang nakakakilala sa kanya. Miski daw na mga tiga publishing company na publisher nya.

"You know, hindi naman masamang umasa."

He just shrugged and then sighed.

I smiled.



Ako ang nagwagi. Hoho.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fallen StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon