UNRETURNED LOVE</3

224 7 4
                                    

[ A/N: second short story :) yung iba jan hango sa totoong buhay xD yung IBA lang aah :) ]

---

ako si amilyn, 3rd year high school, may bestfriend ako si aubrey lagi kaming magkasama. syempre bestfriend nga ii .. alam ko lahat sa kanya at ganun din sya sakin ..

meron syang naging ex sa room, si stephen .. mabait sya, gwapo, magaling mag gitara at kumanta .. pero hindi pala talaga sya mahal ni aubrey, 1 month lang naging sila ni stephen, nakipag-break na si aubrey kasi hindi nya naman talaga to mahal .. ginawa lang atang rebound yun ni aubrey eh, pagkatapos ng pakikipag-break ni aubrey sa kanya, mga 1 week syang di pumasok at sa pag balik nya, may nakita akong kung ano sa kanya..

Huy ! stephen, ano yan ? bat may ganyan ka ? grabe ka ! "

nginitian nya lang ako.

nakita ko kasi na may laslas sya ..

tinadtad nya talaga yon.. parang pinaglaruan ba nakakadiri nga itsura ii, may pagka-emo din pala tong si stephen ..

mga 3 weeks siguro nagiging ok na si stephen.. nakikisama na sya ulit samen, nakikipagtawanan.. at nagiging close lalo kame .. magkatabi kasi kame sa subject na filipino eh.. kaya di maiiwasan na maging close nga kame .. inaasar ko sya lagi, lagi ko syang tinatawag na asawa ko .. hanggang sa tuksuhin na kame ng mga tropa namen..

2 months na ang nakalipas simula ng tawagin ko syang asawa ko.. hanggang ngayon ganun pa din ako sa kanya, sarap kasi nyang asarin ..

sinabi ko naman kay aubrey na wala lang yung tawag ko sa kanya, pero ang bruha, wala namang pakialam .. bagay nga daw kami ii bakit daw di nalang namen totohanin.. botong boto sya saming dalawa .. edi kung magkatotoo nga ok lang .. hehe

simula nung malaman ko yon, ewan ko pero ang saya saya ko ..

ok lang kay aubrey :)

hanggang sa text, yun din ang tawag ko sa kanya, pero minsan ayy!! hindi lang pala minsan, lagi na. lagi na syang nauunang magtxt sakin ng asawa ko, pati sa school yun na din tinatawag nya saken, minsan nga kapag magrerecite sya tapos tatawag ng kasunod, imbis na pangalan ko ang itawag yung endearment namen ang natatawag nya, nakakahiya tuloy kay ma'am hahaha ..  

ang sweet sweet nya lagi, napapa-SMS [slow motion smile] nga ako eh .  

mga 3 weeks na siguro simula ng sakyan nya yung trip ko ..

OO kinikilig ako, may gusto na nga siguro ako sa kanya kahit na alam kong Trip lang sa kanya lahat, hayys.. mahirap to. dapat pala di ko nalang tinuloy yung pangtitrip ko sa kanya, baka kasi wala syang balak saluhin ako, masakit yun.

Nakakarinig na din ako ng mga kung ano ano sa room tungkol saken, kesyo daw Basura na daw si stephen na tinapon na ni aubrey tapos irerecycle ko pa daw.. ang dami ko na ding GM na natatanggap na ganyan ang laman.. masakit sobra .. imbis na ako ang magalit si aubrey ang nagalit para saken sya ang umaway dun sa mga chismakers.. sabi din ng tropa ko, wag daw ako makinig sa iba, dahil kay aubrey na daw nanggaling na ok lang at may jowa na din si aubrey ..

kung iisipin ko yung iba, papano nalang ako? hindi naman pwedeng sila nalang lagi ang isipin ko.. wala naman silang alam sa nangyayari.

bakit ko sila iisipin? di ba?

nandito na ko sa room ng makita ko syang paparating na.. nginitian ko sya pero tiningnan lang nya ko. wala sya sa mood ? hayys.

hanggang sa mga sumunod na oras di nya ko pinapansin, iniiwasan nya din ako..

UNRETURNED LOVE&lt;/3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon