Sabay lagi kami umuuwi ng mga Bestfriends ko, si si anya at si genie, at ako si ly.
sa iisang daanan lang kami dumadaan at yun ay sa tapat ng bahay ng isang weird at myterious na middle age man.
bakit sya weird ?
lagi syang nakayuko kapag naglalakad, hindi namin alam ang pangalan nya, hindi namin alam kung may pamilya pa sya at higit sa lahat hindi namin alam kung san sya galing !
but anyways here's how it goes...
sa twing dadaan nalang kami sa lecheng madilim at nakakatakot nyang bahay, hindi mapigilan ang magtaka kung bakit lagi nalang syang may dalang Plastic bag na itim, at parang may itatapon kung san. pero hndi na namin inusisa kasi baka naman ganun lang talaga sya..
sana...
==================
" ui ui " sabi ni genie na nagtatatakbo dala ang dyaryo.
" ui ano ba ! ang ingay mo ! nasa school tayo ha ! wala sa palengke,, " mataray na sabi ni anya
"eh kasi naman.. oh!" pinakita nya samin ang litrato ng isang babaeng 18 years old na nasa missing section ng dyaryo. " kilala nyo na yan ?"
"si jillian yan ng section 1 ah.. nawawala sya ?" tanong ko
"oo.. at sabi dito.. kahapon lang sya nawala, hndi na umuwi galing school" sabi ni genie
"baka naman nakipagtanan na ! o kaya naglayas ! " biro ko
sana nga ganun na lang...
=============
" ayan na.. dadaan nanaman tayo sa pesteng bahay na yan !! nakakatakot talaga yan !!" sabi ni anya
" ui.. try kaya nating silipin.. kahit silip lang.. PLEASE.." pagmamakaawa ko, may pagka-chismosa kasi ako.. hindi ako titigil hangga't hndi ko nalalaman ang gusto kong malaman.
" eh !!!! ayoko ! No Way ! Not in there !!! " takot na sigaw ni genie
"ay ang arte.. adventure din yan noh ! halika na ! " aya ni anya
lumapit na kami sa gate ng bahay.. parang walang tao.. well lagi namang ganon yun eh. Bukas ang gate kaya agad kaming nakapasok. Dumiretso kami sa pinto ng bahay.
" teka lang !! natatakot na talaga ako eh !! uwi na tayo.. " duwag na sabi ni genie
" ano ka ba ! Epic to ! tayo palang nakakapasok sa bahay na to ! ayaw nyo nun ! " sabi ni anya
" ay sakto ! dala ko digi-cam ko ! picturan natin.. pagyabang natin na tayo pa lang nakapasok dito ! " masaya kong sabi.
binuksan na namin ang pinto, nauna si anya sa pagpasok, dala nya ang cellphone nya na nagsilbing flashlight namin.
" ganito ba talaga kadilim to ? alam ko may bukas na ilaw naman to eh.. sa taas.. diba ? pag dumadaan tayo.. " sabi ni anya
"eh kasi wala naman sya dito.. sayang kuryente kung iiwan nyang bukas noh ! " sabi ko.
panay picture ko sa loob ng bahay, parang isang normal na bahay din pala, ang ganda nga eh. malinis ang loob. pumasok kami sa kitchen, dining at living room, well, nothing much.. normal na bahay lang talaga.
sana...
bigla kong narinig ang yapak ni anya sa may hagdanan.
" ly ! picturan mo ko dali ! dito ha.. " sabi nya habang paakyat ng paakyat sa taas.
" ok na.. ganda.. akyat tayo ?? " sabi ko.
" abnormal talaga kayo.. halika na kasi.. " sabi ni genie na hndi na din natatakot dahil normal lang naman ang bahay.. madilim lang talaga..