Will You Keep Me?

31 0 0
                                    

"Maki!" Drat. Boses yan ng mommy ko. Naku. Anong oras na kaya? Patay ako neto. 6am na ko natulog kanina. -____-

"Gumising ka na! Hapon na! Lumabas ka na dyan sa kwarto mo." Hindi naman madaldal ang mommmy ko. Hindi rin palasigaw. Alam nya lang talagang mahirap akong gisingin. Pero tinatamad pa talaga akong bumangon. Ang sarap matulog.

"Maria Andromeda Queshobelle Del Rosario!!!" Patay. Buong pangalan ko na. Lagot na talaga ako nito. "Gising na po mom. Sandali lang. Lalabas na." Wala akong nagawa. Napabangon tuloy.

"Good morning mom!" bati ko sa mommy ko. "Anong 'Good Morning'? Good afternoon na. Naku, Andromeda, alas tres na ng hapon oh. Mag Brunchyenda (Breakfast, Lunch, Meryenda) ka na. Magpaluto ka nalang kay manang." Haynaku. Ano pa nga bang magagawa ko? Hindi uso ang lunch sakin eh. "Opo mom."

Nag-brunchyenda ako ng palabok at juice. Hahaha. Wala eh, palabok ang aking paboritong pagkain. Palabok ang buhay ko. Palabok lamang. *u*

Pagtapos ko mag-meryenda, balik ako sa kwarto ko. Nasabi ko na bang taong-kwarto ako? At summer ngayon? Kung hindi pa, pwes, alam nyo na. Magpapakilala nga muna ako.

Ako nga pala si Maria Andromeda Queshobelle del Rosario. I know, sobrang haba ng name ko. Si mommy kasi eh, hindi ko alam kung saan nya nakuha yan. Siguro naman gets nyo na kung saan galing ang 'Maki'. 18 years old na po ako. Maputi. Sakto lang ang height. Maganda (yaan nyo na, minsan lang magyabang) at isang taong-kwartong anti-social. Pasensya naman, di ako friendly eh.

Madaming beses na akong na-inlove at syempre, madaming beses na ding nasaktan. Di na ko nag-aaral, kasi summer na. So sa June pa ko mag-aaral ulit. Mahilig akong sa music. Madaldal ako. 

Masaya ang buhay ko, yun ang akala nila. They just don't know how fVcking broken I am. And It's because of my prince charming-turned frog.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 11, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Will You Keep Me?Where stories live. Discover now