Rosie

7.9K 135 14
                                    

Rosie

Mangiyak ngiyak ako sa kasal nina April at Ron. Naiiyak ako hindi dahil emosyonal ako sa kanilang dalawa kundi dahil naawa ako sa sarili ko. Siyempre, bilang kaibigan nilang dalawa ay sobra akong natutuwa pero hindi ko talaga maiwasan ang hindi mainggit sa sitwasyon nila ngayon. At mas lalo lamang nanikip ang dibdib ko nang nabanggit ni April ang tungkol sa second chance na natamo niya dahil kay Ron na sa kabila daw ng pagkakaroon niya ng anak sa maagang edad ay hindi naging hadlang yun para mahalin pa rin siya ni Ron.

Chance.

Yun. Yun siguro ang kinulang ako. Na sa kabila ng maganda kong estado sa buhay ay ramdam ko pa rin ang malaking kulang sa pagkatao ko. Napatingin naman ako sa kabilang dako ng aisle at namataan ko ang mata ni Jacob na nakatuon sakin. Kasama niya ang mga kaibigan niya at sa tabi ay ang girlfriend niyang si Felicity. Agad ko namang naramdaman ang pagbilis ng pintig ng puso ko ng mapagtantong nakikipagtitigan siya sakin at tila walang balak bawiin ang tingin niya. Ako na lamang mismo ang nag iwas ng mga mata ko bago pa man niya mahalata ang tunay na rason ng mga luha ko ngayon. Mas gusto kong isipin niya na naiiyak ako sa galak para sa dalawang kaibigan ko ngayon na kasalukuyang nagsusumpaan sa harap ng altar.

Natapos ang kasal nina April nang hindi lamang ako ang naiyak. Buti nalang talaga't andito si Maggie para damayan ako. Hindi ko naman kailangang magpaliwanag sa kanya dahil alam kung kuha niya agad ang dahilan ng pagluha ko.

"Wow Mag! Antagal tagal niyo na pala ng boyfriend mo." Puri ni April sa kapatid ko matapos niyang ipamukha sa aming lahat ang katatagan ng relasyon nilang dalawa. Gabi na at kina Jacob ginanap ang reception. Hindi ko nga lubos na inakala na mapupunta ako sa ganitong posisyon. Ang ilang bisita ay kanina pa nagsiuwian at kami nalang magkakaibigan ang natira sa isang mahabang lamesa. Medyo tipsy na nga ako pero klarong klaro sa paningin ko ang dalawang naglalampungan na sina Jacob at Felicity.

"Yeah. Feeling ko nga siya na eh. Ayy hindi! Siya na pala talaga." I acted cool kahit na bitter na bitter ako habang pinapakinggan si Maggie na kulang na lamang ay mangisay sa sobrang kilig. Gusto ko siyang hampasin para malaman niyang nasa tabi niya lang ako at sa harap ko ay ang kahapon ko kasama ang kasalukuyan niya. Tangina talaga. Kung nakakamatay ang magmove on mag isa mas nakakamatay pala ang magkunwaring nakamove on sa harap nilang dalawa.

I am such a pathetic mess.

"Nakakabilib talaga ang mga ganyang klaseng relationship nuh? Yung hindi agad bumibitaw sa kabila ng madaming pagsubok. Yung mag aaway lang pero hinding hindi maghihiwalay." Kung tahimik ako kanina ay mas lalo akong natahimik nang marinig ang komentong yun mula kay Felicity. Napahigpit nga ang hawak ko sa baso kong naglalaman ng alak. Hindi ko alam kung sinadya niya ba talagang matamaan ako dun, pero mukhang wala naman sa kanya ang ugaling ganun. Siguro'y sobrang guilty lang talaga ako at lahat na lang talaga ng salitang marinig ko ngayon ay parang karayom na tumutusok sa kaluluwa ko.

"Paano kong ang pagbitaw na yun ay para walang masakal sa kanilang dalawa? Ikanga diba, too much love will kill you. Kaya yung iba mas pinili nalang mamatay mag isa kaysa naman silang dalawa pa." Napatingin agad ako kang Maggie. Alam kong ako ang basehan niya sa komentong yun. Hindi ko nga lubos maisip kung bakit napunta kami sa ganitong topic kasi sa totoo lang nakakapanikip ng dibdib. Yung tadhana na mismo ang nagsasampal ng katotohanan sakin. Nagpatuloy sila sa usapang ganun habang panay lagok lamang ako ng alak dito. Nakakaasar kasi walang may paki kung lunurin ko man ang sarili ko ngayon habang sa harap ko'y abala naman si Jacob sa pagpapaalala kay Felicity na wag nang uminom at sa katunayan nga ay siya ang sumasalo sa bawat shots nito.

"Jake, kaya ko naman eh. And besides, ngayon lang naman." Mahinhin niyang pagkakasabi kay Jacob sabay hilig ng ulo sa balikat nito. Hindi ko alam kung bakit pero naaasar talaga ako sa tuwing may tumatawag na Jake kay Jacob. At higit sa lahat, naaasar ako sa sarili ko kasi wala naman akong karapatan para magselos ng ganito.

Rosie ( A Baka Sakali 3 By Jonaxx Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon