Patakbong inakyat ko ang hagdan patungo sa aming silid-aralan. Halos dalawang minuto na lang at mahuhuli na ako sa aming klase.
"Hoy Ciara, bakit andito ka pa? Malapit nang magsimula ang klase ah?" Tanong ko pagkakita sa kaklase kong naglalakad. Weird. Bakit kaya nginisian lang ako nun?
Sakto pagkapasok ko, wala pa si Sir. Pumunta ako sa aking upuan at laking gulat ko ng nakita ko si Ciara na masayang nakikipagkwentuhan kasama ang iba ko pang kaklase.
"Huy babae, andito ka lang pala. Nakita kita kanina sa hagdan. Galit ka ba sakin? Bakit di mo ko pinapansin?"
"Ano ka ba, kanina pa ako nandito! At ano namang gagawin ko sa hagdanan?"
"Ewan ko, pero nakita talaga kita! Nginisian mo pa nga ako."
"Para kang tanga. Baka namalikmata ka lang."
Matapos kong sabihin yun, tinalikuran niya ako at bumalik sa aking mga kaklase.Alam kong hindi aparisyon lamang ang aking nakita. Hindi ako maaaring linlangin ng aking mga mata.
"Forma alcis Simillimulus.."
It is referred to those people who see themselves or sometimes a person who sees something similar to them. It is said that once you saw your other half it only means death.
A doppleganger?
"Ciara! Ciara! Mag-iingat ka, nakita ko ang double mo kanina!"
"Ano ba? Mamaya mo na ko tawagan, nagmamaneho ako ngayon."
"Teka, itigil mo muna yan! Nasa panganib ka!"
Kinakabahang ibinaba ko ang tawag dahil bigla na lamang naging blangko ang linya sa kabila.
"Huwag kang maniniwala sa iyong nakikita..."
Mariin kong ipinikit ang aking mata at paulit-ulit na umiling. Magmula ng nakaranas ako ng doppelganger encounters madalas na akong makarinig ng ganitong tinig.
"Manong para ho!" Sigaw ko ng malakas pero bago pa man ako makababa napatingin ako sa unahang bahagi ng jeep at nakitang nandun ang pinsan ko na dapat kong kakatagpuin.
"Ano ineng baba ka ba? Pakibilis naman!" Pinalingan ko ang drayber at dali-daling bumaba. Binigyan ko ng huling sulyap ang tao sa unahan at totoo ngang ito ang pinsan ko.
Napabalik ako sa reyalidad ng biglang tumunog ang aking telepeno.
"H-Hello?" Sagot ko.
"Hoy babae anong oras na? Ang usapan natin alas-tres hindi ba? Bakit wala ka pa?" Pansamantalang hindi siya nakaimik. Kung gayon sino yung kanina? Paano napunta ang pinsan niya sa jeep?
"A-Ate, pasensya na hindi ako makakapunta. Umuwi ka muna sa inyo. Wag kang lalabas at mag-iingat ka."
Sumasakit ang ulo ko sa aking mga nakikita. Dinadaya lang ba ako ng aking paningin? Isa na naman ba iyong ilusyon?
Lumipas ang mga araw at mas lalong dumadami ang mga nakaksalamuha kong may double. Isang araw bumaba ako sa kusina para kumuha ng maiinom. Nakita kong nakabukas yung ilaw sa banyo.
"Kuya! Andyan ka ba sa loob? Bilisan mo naiihi na rin ako!" Sigaw ko tas diretso sa kusina. Biglang narinig ko ang pagbukas ng gate namin. Nakita ko si Kuya kakauwi pa lang. Bumaling ulit ako sa banyo at nakitang sarado na ang ilaw.
"Oh bat gising ka pa?" Tanong niya sa akin. Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Hindi ako makasagot. Nakakatakot.
"Huwag kang maniniwala sa iyong nakikita.."
Naririnig ko na naman ulit yung tinig na yun. Bumuntong hininga ako at kinalma ang aking sarili. Pumunta ako sa banyo at naghilamos. Katapat ko ang salamin at tinititigan ang aking repleksyon.
"Kamusta ka na?" Nagulat ako ng nagsalita at gumalaw ang repleksyon ko.
"S-Sino ka?" Tugon ko. Umalingawngaw ang nakakabingi ngunit nakakangilabot niyang halakhak.
"Ako ikaw, iisa lang tayo." Buong lakas kong pinisil ang aking palad at napagtantong hindi ito isang panaginip lamang.
"Ako ang dating nagmamay-ari ng katawan na iyan. Ako ang orihinal. Ikaw ang aking double." Nakangisi niyang sambit sa akin.
"Anong ibig mong sabihin?" Sagot ko.
"Oras na para bawiin ko ang dapat na sa akin din. Ikaw naman ang makukulong at magtatago sa aking anino." Sabi niya habang tinititigan ako sa mata.
"Forma alcis Simillimulus. Yan ang tawag nila sa akin." Sinabi niya habang lumalabas siya sa salamin ng repleksyon. Papalapit sakin.
"...Nice to meet you..."
BINABASA MO ANG
Nice To Meet You
Short Story"Forma Alcis Simillimulus yan tawag nila sakin. Nice to meet you..."