I Think I'm Inlove

106 4 0
                                    

Lexus POV

Lumipas ang mga araw at isang buwan na syang nandito lalo pa kaming nagiging close ni charm. Hindi natatapos ang isang araw na hindi kami nagkakasama pero syempre kasama namin ang happy couple. Palagi din silang pumupunta sa bahay at dun kame madalas tumambay kase malapit lang bahay namin sa school. Umalis si ate at baka sa isang araw pa ang balik nya kaya naman magsisleepover sila samen mamaya tutal friday naman. Pagkatapos kong gawin ang normal routines ko ay pumasok na ako sa school nakita ko kaagad sila kaya nilapitan ko na sila. "Hey gals ready for the sleepover?" Sabi ko sa kanilang tatlo "oo naman lex excited na nga kami ee so you already download some movies right??" Sabi naman ni raine "ahm babe samahan mo muna akong umuwe mamaya ha para kunin yung mga gamit ko" sabi naman ni gale "sure babe" sabi ni raine. Napansin kong nakangiti lang si charm habang may katext hindi ko alam kung ano nga bang mararamdaman ko parang kinakabahan ako na nagseselos. 'Lex ano ka ba crush lang yan di dapat pinagseselosan' sabi ng utak ko kaya nagsmile na lang din ako. Pero nakakapagtaka lang parang kanina pa ako nandito pero di nya ako napapansin ganun na ba kaimportante yung katext nya? 'Lex relax hayaan mo sya baka busy sya' sabi ng utak ko kaya hinyaan ko lang. Ang ganda nya talaga habang tinititigan ko sya bigla naman nagbell, oras na para sa first subject palakad na sana kami nang mapansin kong kasama paren ni gale si raine tumingin ako sa kanila with a questioning look "ahm ihahatid ko si babe ee" sabi ni raine saken. Guess what guys third wheel nanaman ako, pinauna ko silang maglakad nung biglang may umakbay saken nung tingnan ko si charm biglang bumilis yung tibok ng puso ko "lex tabi tayo mamaya ha" sabi nya saken shemay tabi daw kami mamaya sa sleepover "sure" yun na lang ang nasabi ko pero nagtataka ako kung bakit sumasabay paren sya saken ee sa kabila naman yung daan papuntang room nila "ahm charm sa kabila yung papunta sa room mo diba?" Tanong ko sa kanya "tutal ihahatid ni raine si gale ee di ihahatid na ren kita para sabay na kami ni raine maaga pa naman ee" sabi nya saken. Shemay kinilig ako 'wag kang assumera lex sasabay lang talaga sya kay raine'  nakakainis tong utak ko kase palagi na lang syang tama.

Habang nasa classroom di ko mapigilang di sya isipin. Bakit ba ko nagkakaganto para sa kanya ee crush ko lang naman sya pero sa lahat ng mga naging crush ko iba yung nararamdaman ko sa kanya well siguro dahil babae sya. Pero hindi ee iba talaga to at alam ko yun. Siguro nga oras na, oras na para aminin ko sa sarili ko kahit nakakahiya man aaminin ko na talaga I THINK I'M INLOVE.........ayiiieee!!

Dahil sa pag iisip ko sa kanya di ko na namalayang lunch na pala. Bumilis yung tibok ng puso ko kase alam kong magkikita nanaman kame. Agad kong pinuntahan si gale para sabay kaming pumunta sa locker. Pagdating namen dun napansin kong may isa pang kasama sila raine at charm di ko sya kilala parang bago sya rito inakbayan sya ni charm, aray ko bhe sakit naman nun sino kaya yun? Nilapitan namin sila at nakita kong magkausap si charm at yung girl "hi raine" bati ko kay raine para di ko masyado mapansin yung dalwa. "Ay grabe lex di ba ko nag eexist at si raine lang talaga yung binati mo?" Sabi nya saken sinadya ko naman talagang di sya batiin ee medyo nahurt kase ako ngumiti na lang ako at binati sya "hi charmaigne" siguro nagtataka sya ngayon kung bakit binuo ko yung pangalan ko kase nga medyo nahurt ako intindihin nyo na lang yung ka OA yan ko. "By the way guys this is Patricia bago lang sya dito nag transfer sya nung isang araw" sabi ni charm. Tama ako bago nga sya grade 10 din sya. "Hi you can just call me Pat ang haba kase kung patricia diba"  cute sya pati boses nya "hi I'm gale this is my girlfriend raine and my bestfriend lex" pagpapakilala ni gale "hey" sabay naming sabi ni raine "so lex lang talaga pangalan mo?" Tanong nya saken "nope that's just short for lexus" sabi ko sa kanya "lexus? Ang astig ng name mo anong whole name mo?" Tanong nya ulet saken "ahm Lexus Alexandra Rivera Cruz" sabi ko ulit sa kanya nag smile lang sya. Habang papunta kami sa cafeteria kinakausap ako ni Pat mabait sya halos andami na naming napag kwentuhan nung biglang "uy Pat tara order na tayo" tinawag sya ni charm aray ko bhe ansaket naman nun pero ok lang kaylangan di ako magpahalata. Nakita ko si devon mukang wala syang maupuan since may isa pang sobrang chair sa table namen tinawag ko sya "hi christine tara dun ka na umupo sa table namen" sabi ko sa kanya pero bago pa sya makasagot hinila ko na sya. Sabay kaming imorder ni devon at umupo sa table "so pat san ka nakatira?" Tanong ni gale "ahm jan lang sa may village malapit sa school" nagulat ako kase iisa lang naman ang village na malpig sa school at dun din kame nakatira " sang street ka?" Tanong ko "Taningco street tapos ang number ng bahay namen 506 bakit?" Shemay magkalapit lang pala kami ng bahay "alam mo ba na dun sa street nayun din kame nakatira tapos ang number ng bahay namen 503" sabi ko sa kanya "tamang tama pala ee may sleepover kila lex mamaya tara sama ka na malapit lang naman bahay mo" panyayaya ni raine "sure yun ee kung ok lang kay lex?" Tanong nya "dont worry ok lang naman at by the way nakalimutan ko si devon nga pala" sabi ko sa kanya at pinakilala ko na rin si devon na parang walang kaalam alam sa mundo kase kain ng kain antakaw talaga nitong babae na to pero di sya nananaba ang sexy nga nya ee. Nagtinginan kaming lahat sa kanya kain paren sya ng kain siniko ko sya sa tagiliran "aray alex kitang kumakaen yung tao ee" pagrereklamo nya "ahm excuse me christine pinapakilala kase kita kay pat di ka tumitingin" sabi ko sa kanya mukang napahiya sya kase nagblush sya ee "hi im devon sorry ha di ko agad napansin ee" sabi nya sabay kaway kay pat sus pabebe pa talaga ee "ok lang, pero dibe devon pangalan mo bakit christine ang tawag sayo ni lexus tapos alex tawag mo sakanya?" Tanong naman ni pat " ganto kase yan ayaw nya na tinatawag syang christine nagagalit sya talaga pag tinatawag sya g christine ee gusto ko yun ang itawag ko sa kanya kaya yun ang tawag ko sa kanya tapos sya naman alex ang tawag saken kase ayoko ng tinatawag akong alex" pagpapaliwanag ko ngumiti lang si pat "ahm christine sama ka na ren sa sleepover samen mamaya ha" pagyayaya ko kay devon "sure no prob" sabi nya sabay kain ulit antakaw talaga ee.

Habang nasa classroom asaran ng asaran paren kami ni devon namiss ko talaga ang asarin sya ng ganto naging busy ata sya the past few days ee.

Mabilis na lumipas ang oras and the class is over nagkita kita kaming anim sa locker at napagpasyahan nila na umuwe muna at kumuha ng gamit at magkita kita na lang samen. Umuwe na ako at naghanda para sa sleep over.

(A/N)
So hey guys thanks for reading my story. Dont forget to vote or comment if you want 😁

TEARDROPSWhere stories live. Discover now