Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.
Damang dama ko yung tibok ng puso ko. Parang gustong kumawala nito mula sa dibdib ko.
Kada hakbang ko, nagflaflashback lahat ng nangyari sa ating dalawa. Yung masasaya at malulungkot.
Yung libo libong luha na nailabas ko at yung milyon milyong ngiti, tawa at saya na naramdaman ko dati.
Noong una, hindi ko talaga inakala na darating ang isang lalaking nagngangalang Josh Capiendo sa buhay ko.
Hindi ko rin inakala na magiging ganito ka kaimportante sa akin.
Ngayong araw na ito, unti unti kong naiisip yung dati.
Dati kasi nagkakilala lang tayo sa isang bookstore.
Nasa MOA tayo nun. Sa book sale. Naka plain white tshirt ka at simpleng shorts.
Ang weird lang kasi nung time na yun, nung una nating pagkikita, nag away pa tayo nun.
Paano naman kasi, pinag awayan natin yung last copy ng isang libro. Yung isinulat nung paborito kong author na si Jepoy Lee? Ang title pa nga nun ay 13 ways of meeting him.
Kailangan kong mabili yun kasi yun nalang ang kulang sa mga kinokolekta kong books na isinulat niya.
Ako naman talaga ang unang nakakita noon e. Naunahan mo lang akong kuhanin yun.
Sabi mo pa dati sayo yun dahil peace offering mo ata sa kapatid mo.
E sa hindi ako naniwala. Hindi talaga ako nagparaya. Last na copy nalang kasi yun ng book ni kuya Jepoy. Nagkaubusan na sa ibang bookstores.
Pero sa huli, inagaw mo yung libro at binayaran mo na agad sa counter.
Alam kong isang libro lang yun pero pagdating kasi sakin, hindi yun basta basta lang e.
Sinumpa kita dati. Noong time mismo na yun.
Well, pinagluksaan ko yung librong yun. Isinumpa ko na sisipain talaga kita sa mukha pag nakita kita ulit. Pag pinagtagpo man tayo ulit ng tadhana.
Isang araw, noong pumunta ako sa bahay ng tinu'tutor'an kong elementary student, nagulat ako nang madatnan ko yung book na yun sa study table kung saan ko siya tinuturuan.
Nagningning nun yung mga mata ko. Ang balak ko nun, kakausapin ko yung batang yun na akin nalang yun. Kung pwede, bibilhin ko.
Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, kapatid mo pala yung tinu'tutor ko. Pinabili niya yung libro sayo para ibigay yun sa akin. Thank you gift daw niya sa akin yun.
Nung araw na yun, pinilit ako ng kapatid mo na doon na kumain sainyo. Nadatnan mo kaming kumakain nun, ako, at ang pamilya mo. Kumakain kaming sama sama sa mesa.
Bakas sa mukha mo ang pagkagulat. Ang akala ko nga e hindi mo na ako maaalala. Yung isang babaeng nagngangalang Antonette Santos na sinigaw sigawan ka sa bookstore.
Ikaw yung unang kumausap sa akin. Nanghingi ka ng sorry sa nangyari sa bookstore. Humingi rin ako ng sorry kasi sakin rin naman napunta yung book.
Pagkatapos nun, naging mabilis ang lahat. Para tayong pinaglaruan ng tadhana dahil nung napagdesisyunan kong tumira sa isang dorm, nakteteng mukha mo nanaman ang nandun. Magkatabi lang ang dorm nating dalawa.
Sa isip ko nun, ganito nalang ba kaliit ang mundo?
Pero kasi may spark e. Isang spark na nagcause ng isang apoy. Isang apoy na napakahirap patayin.
BINABASA MO ANG
Dati (aldub fanfic)
FanfictionStarted from the bottom and now we're here. a one-shot story by toffymich