Chapter 2

20 0 0
                                    


  move on na pre.." -- pabulong ding sagot ni trevor na may diin sa bawat salitang kanyang binibigkas na para bang sinasabi wag ko nang ungkatin pa ang nangyari may limang taon na ang nakakalipas.

Saktong kalahating oras ata ng sa wakas ay dumaong ang bangka sa dalampasigan ng isla.
matapos naming hakotin ang ang mga dala namin ay nag paalam na agad si manong jaerone.

"Pano mga bata. ako'y aalis na dahil alam kong alalang alala na ngayon sakin ang asawa kong si Audrey. mag iingat na lamang kayo."-- paalam ng gwapong matanda.

"Sige ho manong basta balik nalang kayo dito pagkatapos ng pitong araw."-- huling bilin ni trevor at nagpatiuna na ulit na maglakad papunta sa tutuluyan namin.
lumingon ako sa shota kong si Ravenna at nakita ko siynag nakikipag usap kay xavier kaya ginamit ko ulit ang pagkakataong iyon para sabayan sa paglalakad si trevor.

"Pare.. hindi ka ba kinakabahan? bakit parang wala na sayo ang lahat. paano mo naatim na dalhin kami sa lugar na ito kung saan nagsimula ang lahat?!"-- medyo may kalakasan kong sinabi. hindi naman ako nag aalala na marinig kami ng tropa dahil medyo malayo ang agwat nila samin dahil patuloy lang sila sa pagkukulitan at maya't mayay nagseselfie.

"Drake.. yan ba ang dahilan kung bakit kanina kapa tahimik sa buong byahe? diba sabi ko naman sayo na itigil mo na ang pag iisip ng nakaraan? tingnan mo sila. ang tropa, masaya sila at walang bahid na inaalala nila ang nakaraan. wag naman sanang ikaw pa ang maging dahilan para masira ang bakasyon natin dito drake."-- dahil sa sinabi ni trevor ay napabuntong hininga nalang ako.
tama siya, siguro napapraning lang ako at masyado kong inaalala ang mga bagay na hindi na dapat pang bigyna ng pansin kaya hindi mawala wala ang kabang nararamdaman ko.
dahil sa naisip ay nakisabay nalang ako sa barkada na nagkukulitan. bahala na..

xxxxxx

nakatayo kaming lahat sa harap ng malaking bahay na yon kung saan kami titira sa loob ng pitong araw.

  maganda parin naman ang bahay. yon nga lang ay mahahalata mo na ang kalumaan dahil narin sa ilang lumot na naiwang bakas sa pader ng bahay na hindi na kaya pang tanggalin.

"fafa blaze.. wag mo ko iwan ha? nakakatakot ang bahay parang may mumu"-- Sabi ni xavier habang nakapulupot ang kamay sa braso ni blaze.

"Xavier pwedi ba paki babaan yang kabaklaan mo. ee mas nakakangilabot ka pa nga kesa sa bahay na yan ee."-- sagot ni blaze sabay baklas ng kamay ni xavier.

"fafa silver--

"Gusto mo ng sapak xavier?"-- agad pinkita ni silver ang kanyang kamao sa dapat sanay palapit na si xavier kaya napaatras nalang ang kawawang bakla.

"Tara na mga tol para makapagpahinga narin tayo. nakakapagod ding magbyahe ng halos pitong oras."-- sabi ni trevor at tulad ng inaasahan ay siya na naman ang naunang nglakad para pumasok sa malaking bahay.
siya kasi ang may ari nun. pero walang ibang tao sa ngayon maliban lang sa dalawang naggagandahang care taker ng bahay na makikilala natin maya maya lamang.

Nilibot ko ang aking paningin. wala parin namang nagbago dito sa isla maliban lang sa mas dumamo ang paligid at mas lalo pang dumami ang mga mayayabong na puno. ang malaki at nag iisang bahay na iyon sa isla ay nasa gitna pa ng gubat kaya kahit alas tres palang ng hapon ay sobrang dilim na ng paligid.

"babe, pasok na tayo.."-- sabi ni ravenna sabay hilig pa sa balikat ko kaya wala na akong nagawa pa kundi ang pumasok narin.

sa pagpasok naming lahat ay hindi namin napapansin ang nanlilisik na matang kanina pa pala kami pinagmamasdan..

Punong puno ng galit ang kanyang mga mata subalit napinta ang isang mapaglarong ngiti sa kanyang maitim at nabibiyak na labi...  

  [Blaze]

Unang tapak ko palang hanggang sa isla at pagpasok namin sa bahay na tutuluyan namin ay kakaibang kaba na ang pumupuno sakin. hindi ko lang ito pinapahalata sa barkada dahil ayaw kong masira ang bakasyon namin.
Sa nakalipas na mga taon ay ngayon lang ulit kami nagkasamasam kaya bakit ko naman sisirain yon dahil lang sa tanginang nararamdaman ko ngayon. ayoko silang mag alala at ayokong magbigay ng butas para lang mabuksan ang nakaraan na alam kong kinalimutan na nila.
pero ako? hindi.. hinding hindi ko malilimutan ang araw na iyon..
ang araw na naramdaman ko ang sobrang sarap.. gulat at... takot...

Ipinilig ko ang aking ulo para iwaksi ang namumuong pagbabalik tanaw dapat sa nakaraan, nakaraan na punong puno ng halakhakan at madugong pagwawakas..

"nga pala meet Jasmine and Eris, sila yong care taker dito sa bahay.
jasmine, eris. sila pala ang barkada ko."
-- napatingen ako sa dalawang babaeng nakatayo malapit sa pinto. ipinapakilala kami ni trevor sa mga ito.
yong eris, okay naman. Cute kumbaga.
si jamine?? wow pre.. napatingen ako sa kanya ng todo mula ulo hanggang kuko. shet, ang ganda niya.. simple lang pero ang sexy ang sarap.. ang sarap... ang sarap iuwe.  

  "Blaze tol, sinasabi ko na nga ba at may pagnanasa ka sakin ee. kunwari kapang tarantado ka!"-- Bigla akong napatingen sa katabi kong nakatayo na si Travis. kunot noo at nagtatanong na gwapong mata ang ibinato ko sa kanya.
saka ko lang naintindihan kung anong ipinupunto niya ng nginuso niya ang kamay ko!

tangina. sa sobra ko palang pangigigil kakatitig kay jasmine ay diko namalayan na nasa loob na pala ng t-shirt ni travis ang kamay ko at HUMIHIMAS?!

"fafa blaze ang hot mo kapag nakalipbite"-- sabi naman ni xavier na kung nkangiti ay parang wala nang bukas.

Nag init ang mukha ko at nakakahiya mang aminin alam kong nagbablush ako shet!!
hagalpakan pa sila sa tawa tangna badshot na ko nito kay jasmine diko pa nga dinidiskartihan. baka isipin niya b-bakla ako!!  

  "siya tama na yan, bali apat ang kwarto dito sa taas, sa isang kwarto mag sasama sama ang boys malibang kay Drake at ravenna dun kayo sa isang kwarto alam ko naman na sabik kayo za isat isa kaya diko na kayo paghihiwalayin. yong isang kwarto naman dun sina jasmine at eris. sa kanila talaga kasi yon mula pa noon."-- mahabang instruction ni trevor.

"Ah tol! baka pwedi si xavier dun sa isang room diba nga apat ang kwarto? ayaw kong makasama sa iisang kwarto ang manyak na to eh!"--biglang sabat ni silver.

"Aba, kapal mo silver at oo wag ka mag alala dun talaga ako at mag susulo sa isang kwarto! hmmmp!!"-- akmang susugod na papunta sa taas si xavier ng biglang sumigaw si trevor!

"WAG!!!! HINDI PWEDI!!! WALANG PUPUNTA SA KWARTONG YON!!!"-- nagulat kaming lahat siyempre dahil sa biglaan niyang sigaw.
nanahimik ang lahat..
wari'y nagpapakiramdaman..
lahat..
ay biglang nakaalala...

"ahm.. t-trevor, ano bang meron sa kwartong sinasabi mo bakit bawal?" -- maya maya ay tanong ni Ravenna na kahit awkward ang sitwasyon ay nakuha pang magtanong dahil narin sa pagtataka.

"Ah.. a-ano, b-bawal dun kasi yon ang dating kwarto ng parents ko at hindi ko yon pinapatuluyan dahil sa kanila lang yon. para sa pagbakasyon nila dito wala mababago."-- sagot ni trevor na halata sa boses ang pag aalinlangan sa sarili niyang alibi.

"Jasmine, eris. pakidala nalang sila sa kwarto nila."-- baling nito sa dalawang magagandang binibini.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unfinished BusinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon