FADE IN.
Isang umaga, sa mansyon ng Jimenez, matatagpuan ang isang madilim na kwarto na kung saan wala kang masisinigang ni munting sinag mula sa araw. At kung gaano kadilim ang kwartong ito, ay sya ring sumasalamin sa katauhan ng isang inosenteng katulad nya.
(LYRA JIMENEZ, anak ng isang business man tycoon. Magandang dalaga ngunit laging sumasali sa mga gangwar kaya lagi syang may pasa at galos sa kanyang muka.)
[NAKAPIKIT ang mga mata, nakakunot ang noo, habang pagewang gewang ang katawan ni LYRA habang ito ay nakatagilid. Hindi naman nya magawang tumihaya, dahil may sariwa syang sugat sa likod tanda ng matinding laban na hinarap nila kagabi. At sa halip na mala-anghel na muka ang makikita kay Lyra, Hirap at pasakit ang makikita rito -- Pasa sa kaliwang mata, bali ng buto sa ilong, hiwa sa pisngi, at galos sa kaliwang bahagi ng kanyang labi. Sa bandang tiyan naman nya, ay nagsisimula pa lang maghilom ang malalim nyang sugat tanda ng matinding laban na nangyari noong nakaraang linggo. Bakas naman ng malaking pasa sa likod ng binti ni Lyra ang makikita tanda ng pagpalo sakanya ng puddle ng mga kasamahan nya sa fraternity. Lahat ng paghihirap at sakit na dinaranas ni Lyra gabi-gabi ay iniinda nya lang, para lang makamit ang kanyang minimithing pangarap.]
[nawala ang pagkakunot ng kanyang noo at Napangiti si Lyra ng matamis nang maalala ang kanyang pangarap]
LYRA (v.o)
And i know, it's worth it.
[relax nang namamahinga ang katawan ni Lyra]
**********(ROMEO JIMENEZ, Ama ni Lyra)
[ dahan-dahang bumukas ang pintuan nang madilim na kwarto ni Lyra at sumilip si Romeo ] (close shot: focus on his eyes) [Dahan dahan ring pumasok si Romeo sa loob ng kwaro ni Lyra at dahan dahan nya ring nilapat ang pintuan hanggang sa maisara nya ito ng tahimik. Ma-ingat naman nyang inangat ang kanyang kanan talampakan kasunod ang kaliwang talampakan at buong ingat syang naglakad patungo sa higaan ni Lyra ng walang nagagawang ingay. ]
(Video transition: fade out/black)[rumaragudog ang tibok ng kanyang puso at lumalalim ng lumalim ang kanyang paghinga habang syang papalapit nang papalapit sa higaan ni Lyra. At nang malapit na sya sa gilid ng higaan ni Lyra, halos, hawak na nya ang kanyang hininga.]
[Tumigil si Romeo sandali sa gilid ng higaan ni Lyra upang pakiramdaman ang paligid. Nang masiguradong walang nangyari o wala syang naggalaw sa kwarto, nagpatuloy sya sa paghakbang ng dahan-dahan palapit sa bintana kung saan tinatakluban ito ng kurtina, at saka ito hinawi kaya't ang sinag ng araw ay malayang-malaya nang nakakapasok sa madlim na kwarto ni Lyra.]
ROMEO:
Good Morning, Baby.[sabi ni Romeo kay Lyra ng punong-puno ng sigla ang tono ng bawat salita, sabay tingin kay Lyra, Nanlaki ang mga mata ni Romeo matapos makita ang kalagayan ni Lyra. Napalatak at Napabuntong hininga at napamewang nalang si Romeo sa sarili. Nang maramdaman nyang di pa sya kumakalma dahil sa kanyang nakikita, tumingala sya't pumikit at nagbilang ng isa hanggang sampu. Nang matapos nya iyon, medyo kumalma na sya ng kakaunti. tinignan nya ulit sandali si Lyra at marahan syang napailing dahil sa nakikita. Di na sya nagaksaya ng panahon si Romeo at Dali-daling pumunta si Romeo sa cabinet ni Lyra kung saan nakatago ang HealthKit nito. Pagkabukas nya ng cabinet, narinig nyang nagsalita si Lyra.]
LYRA:
Sinong nagbigay ng permiso na pumasok ka dito sa kwarto ko, Romeo?![Walang galang at malayelong pagkakasabi ni Lyra kay Romeo ngunit nananatiling nakapikit pa rin ang mga mata ni Lyra.]
******[ Napahugot ng malalim na hininga si Romeo bago sumagot. ]
ROMEO:
It's just happen.[Walang tonong sagot ni Romeo At naglakad ng marahan papunta kay Lyra bitbit ang HealthKit. kinuha na ng tuluyan ni Romeo ang HealthKit mula sa cabinet at tumungo palapit kay Lyra.]
[Ngumiti si Lyra ngunit nguminginig ang kanyang balikat. Hanggang sa humagalakpak si Lyra ng tawa. Napatigil sa pagpalapit si Romeo at napakunot ang noong napatingin kay Lyra, pero kalaunan din, umangat ang magkabilang gilid ng kanyang labi ng di namamalayan. Si Lyra naman, patuloy pa ring tumatawa. Tumigil lang sya sa pagtawa ng di nya napigilang bumaluktot ang katawan sa kakatawa dahil nabanat ata ang sugat nya sa likod.
LYRA
Aw.. Shit!
[Kunot noong daing ni Lyra nang maramdaman nyang parang pinupunit ang kanyang likod, dahan-dahang inaabot ng kaliwa nyang kamay ang kanyang likod. Agad ding nawala ang ngiti ni Romeo at napalitan ng panlalaki ng mata na puno ng paga-alala at dali-daling pumunta may Lyra.]ROMEO
Wait lang, baby. Gagamutin na yan ni Daddy.
[Magiliw na pagkakasabi ni Romeo kay Lyra at tuluyan ng pumunta sa higaan ni Lyra at umupo sa tabi nito. Ipinatong nya sa katabing mesa ang HealthKit at dali-daling binuksan ito at nilabas ang alcohol, betadine, bulak, at bandage para magamot ang sugat ni Lyra.
YOU ARE READING
INNOCENCE
Mystery / ThrillerIsa lang ang pangarap ni Lyra.. At yun ay ang patayin ang Tatay niya.