Chapter 3

33.5K 350 10
                                    

Chapter 3

MAGHAPON akong lutang dahil sa huling sinabi ni Kurt kanina bago kami maghiwalay. Kahit kailan, ang uto-uto ko talaga para isipin na seryoso si Kurt sa sinabi nito. I should not keep my hopes high. For sure, pinapaasa at pinakikilig lang ako ni Kurt. Doon naman sa bagay na 'yon magaling ang lalaki.

Once our class was dismissed, nagmamadali akong nagtungo sa parking lot. Hindi na nga rin ako nakapag-paalam sa mga kaibigan dahil sa pagmamadali. Oo na, ako na ang ang tangang umaasa na naroon nga si Kurt at hinihintay ako.

Ganoon na lang ang kabog ng dibdib ko habang papalapit sa destinasyon. Kung wala man siya at pinaasa lang ako ni Kurt, okay lang.

Labis ang lihim kong saya nang maaninag na si Kurt ang nakatayo sa isang kotse na katabi ng sarili kong sasakyan. Nakasandal ito at tila may hinihintay. Napangiti ako ng tipid ngunit aaminin kong nag-uumpaw ang kasiyahan ko.

Humugot ako ng malalim na hininga at hindi ipinahalata kay Kurt ang labis na pagkabog ng dibdib ko. Naglakad ako palapit sa sariling kotse, agad naman akong nakita ni Kurt at tumayo ito ng tuwid.

"Oh?" Wika ko nang mapagawi kay Kurt ang tingin.

"Bakit ang tagal mo? sabi mo 5:00 ang tapos ng klase mo. 5:15 na." Hindi ngumingiting sita ni Kurt.

"Para 15 minutes lang naman. Kala mo naman kung ilang oras na kaagad." Sagot ko habang abala na hinahanap ang susi ng kotse.

Lumakad palapit sa direksyon ko si Kurt ngunit nanatiling may sapat na distansya sa amin. "Kahit na. Ayoko ng pinag hihintay ako." Nanatiling magkasalubong ang kilay nito.

"Sinabi ko ba na hintayin mo ako?" Naiinis kong tanong. Masyadong bossy naman ang lalaking 'to!

"Ewan ko sa'yo. Dito ka na sumakay. 'Wag mo na hanapin ang susi mo. Kanina ka pa hanap ng hanap dyan ah." Tumalikod na sa akin si Kurt at naglakad na patungo sa driver's seat ng sarili nitong kotse.

"Sakay na. Sa bahay mo ako matutulog." Hinid humihingi ng permisong wika ni Kurt bagkus sy tila nag-uutos. Natigil ako sa paghahalungkat sa bag at napamaang sa lalaki.

Nanlaki naman ang mata ko. Agad kong inikot ang tingin sa paligid kung may nakarinig na iba, mabuti na lang at wala. Nasa may dulo kasi kami ng parking lot. Mostly, sa may unahan lang maraming nagpapa-park para malapit.

"At sinong nag-invite sa'yo ha?"

"Ako." simpleng sagot ni Kurt. Nakasandal pa ito sa kotse nito habang nakabukas na ang driver's side. Cool na cool lang tingnan. Sarap sunggaban at halikan dahil kahit hapon na, si Kurt naman mukhang ang fresh pa rin. Ni hindi man lang yata napawisan. "At 'wag ka na kumontra. Sumakay ka na."

Nang hindi ako tuminag sa kinatatayuan ay naglakad palapit sa akin si Kurt, sa sonrang lapit halos wala ng makadaan na hangin sa pagitan ng mukha namin.

Mabilis akong pumikit dahil akala ko ay hahalikan ako ni Kurt ngunit nagkamali ako. Narinig ko ang marahang tawa ni Kurt dahilan upang mabilis akong magmulat. Kababakasan ng pilyong ngiti ang labi nito.

"Mamaya na ang kiss, baby." Mabilis na hinalikan nito ang noo ko at iginiya na ako patungo sa passenger's seat ng kotse ni Kurt.

Nang kapwa na kami makasakay ay tinanong ni Kurt kung saan ako nakatira. Malapit lang naman dito sa campus ang condo unit na binili ng mga magulang ko para sa akin habang nag-aaral ako dito sa MW University.

Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa bahay ko na nanatiling wala kaming naging palitan ng pag-uusap. Nakasunod lang sa akin si Kurt kanina nang bumaba kami ng kotse nito at umakyat sa floor kung nasaan itong unit.

His BEDMATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon