Remembering him

21 1 0
                                    

"Hoy, Angela!" Sigaw ni Andra sa akin habang nananaginip na naman ako ng gising.

"Oh bakit?" Tanong ko. Ako nga pala si Angela Cruz, 21 years old. At yun naman si Andra Villanueva, best friend ko.

"Iniisip mo pa rin ba siya?" Tanong sa akin ni Andra. Paano niya nahulaan yun?

Napatahimik nalang ako, kasi totoo iniisip ko parin siya.

"Aha! Sabi na nga ba eh! Iniisip mo parin si Bri--" Tinakpan ko yung bibig niya, eto talagang babaeng 'toh, ang ingay ingay..

"Oo na, sige na. Iniisip ko parin siya." Sabi ko habang inaalis ko yung kamay ko sa bibig niya.

Napa ngiti yung gaga sabay, "YAY! Hindi mo parin siya makalimutan! Sabi ko na nga ba ayaw mo lang aminin na mahal mo siya dati eh!" Sigaw ni Andra na tuwang tuwa.

Napa bugtong hininga nalang ako...

"OMG Angela! It happened 6 years ago! So ibig sabihin hanggang ngayon may feelings ka sa kanya! Shit!" Napa takip nalang ako ng tenga, ang lakas lakas kaya ng boses ni Andra. Di niya sinasadyang masipa yung paa ko. Bwiset.

"Oo na! Sige, mahal ko parin siya hanggang ngayon." Sabi ko, at buti nalang kumalma na siya.

"Yieee! Omg, ano na kaya ginagawa niya ngayon noh?" Tanong niya sa akin. Ang huling balita ko may girlfriend na daw yun.

"May girlfriend na daw yun." Mahina kong pagkakasabi.

"Kelan mo naman yan nabalitaan, aber?" Tanong sakin ni Andra habang naka taas ang isa niyang kilay.

"Uh, 3 years ago.." Sabi ko..

"3 years ago? Shit Angela! Syempre break na sila ngayon! May chance ka pa my friend!" Ayan na naman si Andra, aasa na nga lang idadamay pa ako.

"Psh, imposible. Natatandaan mo pa ba nung sinabi niya na gusto niya ng pangmatagalan na relasyon? Ayun pa, loyal yun." Sabi ko habang chinecheck ko yung Facebook account ko.

"Dati pa yun eh! Malay mo nagbago na yun! Tsaka malay mo sinabi niya yun dati para mas ma inlove ka sakanya." Sabi ni Andra sabay inom ng tubig sa bottled water niya.

"Andra, hayaan mo na siya. Malamang at sa malamang masaya na siya sa buhay niya." Sabi ko habang tinititigan ko yung luma naming picture ni Brian sa phone ko.

Lumapit si Andra sa akin, sabay silip kung ano ang tinititigan ko.

"Wow, ang bata niyo pa niyan ah." Sabi ni Andra.

"Uhuh, mas bata ako siyempre. 15 years old ako niyan tapos siya 20 years old." Sabi ko kay Andra, na hindi maalis yung paningin niya sa picture namin ni Brian.

"Bagay kayo.."

"Hindi ah.. Malaki nga yung age gap namin eh, tapos medyo chubby pa ako eh siya payat."

"Hay nako, Angela. Ang pagibig wala yan sa edad, katawan at kung ano ano pa. Basta pag mahal mo, mahal mo talaga, walang makaka pigil sainyo."

*•. Liwanag.•*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon