6:55
Kinusot-kusot ko yung mata ko tapos tinignan ulit yung aking orasan.
6:56
"Shucks, late na pala ako!"
Grabe, nakakahiya. First day of school palang tapos sablay na agad huhuhu. Yan kasi nasanay nung summer na laging puyat tapos ang gising hapon na. Sorry ah? Babad kasi masyado sa internet eh :P.
Hingal na ako sa pagtakbo pero naisip ko lang, late naman na ako diba? Bakit pa ako nagmamadali? Edi ayun, tinamad kaya naglakad nalang ako ulit hahaha.
Kaya pagpasok ko ng classroom, sermon agad nung adviser namin ang pambati niya sa akin.
"Ms. Carla Sanchez, what is the meaning of this? Late ka ngayong first day pa lang?!"
"Sorry po di na po mauulit," Ang pambansang linya ng mga pasaway \/(^_^).
"Okay, I'll let this slide. Please take your sit."
Umupo ako dun sa isang vacant na upuan. Napansin ko na maraming new students ngayon ah. Makahanap nga ng gwapo mamaya :* hihihi *Insert malanding laugh here*.
Mamaya-maya may kumatok sa pintuan. Alangan namang kumatok sa doorknob? Hahaha. Pilosopo much?
"Ma'am, I'm sorry if I'm late ah. May appointment po kasi ako kanina. I hope you understand." Sabi nung kumatok which is yung classmate namin na mas late pa sa akin, si Sofia, yung kilalang model.
"Ah, no problem hija. Please take your sit." Mahinahong sabi ni Ma'am na nakangiti pa. Pero nung ako yung nalate halos mamula na sa sobrang inis. Tss.
Umupo na din si Sofia sa tabi ko sa right side kasi yun nalang yung available na upuan. Grabe, nakakaconscious katabi to. May itsura din naman ako pero feel ko naman sa sarili ko na maganda ako (Hahaha, yabang?) pero nagmumukhang panget kasi i-compare mo ako dito sa babaeng to na mukhang lamang ata sa akin ng ilang paligo.
Nung breaktime na, napansin kong nakatingin yung mga classmate ko sa direction ko na mukhang nagniningning ang mukha dahil sa kagandahan ko. Hahaha, assuming lang ako sorry. Kay Sofia pala nakatitig. Isa sa kanila yung nakakuha ng atensyon ko.
May isang lalaking transferee na naka shades saka naka civillian na mukhang may itsura din. Nakatingin din siya banda sa amin. Lakas ng trip nito sa loob pa talaga ng classroom nagsuot ng shades ah. Mataas ba yung araw dito? :P
Since na curious ako dun sa transferee, tatanungin ko sana si Sofia kasi mukhang busy pa ata dun sa atensyong nakukuha niya kaya dun nalang ako sa left side na katabi ko nagtanong.
Kinalabit ko yung katabi kong mukhang busy din, "Pst! Sino yung transferee na yun saka bat siya naka shades? Feeling gwapo" Pag-uusisa ko.
"Istorbo ka naman eh! May sore eyes kasi kaya ganun. Porket naka-shades feeling gwapo agad?" Sagot ni Denise na parang naiirita. Anyare dun? Nagalit ata.
Tama nga si Denise may sore eyes nga. Saka Mycko Hyun nga pala yung pangalan niya. Matangkad, maputi, may pagka singkit yung mga mata, matangos ang ilong, cute, basta may pagka Chinito. Mga one week din ang lumipas, di na siya nakasuot ng shades at masasabi ko ah, ang gwapo nga niya! ="). Yep, pwede na din nating sabihin na crush ko siya. Pero secret lang ah? Saka wag niyo siyang aagawin sa akin ah? Hehehe.
Kaso isang araw, nagpagawa si Ma'am ng essay tapos yung title, "Ang aking iniidolo sa eskwelahan". Syempre kung iisipin parang tinatanong na din kung sino yung crush mo. Kaso yung mga mauutak pati ako din, sinulat yung mga name ng staffs at teachers para hindi kami tuksuhin. Kaso karamihan pa din sa amin, hindi naisip yun kasi sinabi talaga nila kung sino yung hinahangaan nila. Shunga right? xD
Isa doon si Mycko. Nakakatuwa nga yung isang paragraph dun kasi medyo corny pero syempre, si crush nagsulat, edi cute na rin yun para sa tingin ko:
"Siya ang aking motivation sa pagpasok sa eskwelahan. Kahit hindi kami close, kuntento na ako kahit masulyapan ko lang ang kanyang kagandahan at kabaitan ng loob. Pero ang paghanga ko kay Sanchez ay inililihim ko lang sapagkat alam kong di niya ako mapapansin..."
Ang masaklap doon, ipinabasa sa amin yun isa-isa sa harapan. Kaya nung binasa niya yun, namumula na siya sa kahihiyan at nung narinig ko yung apilyedo ko, pumalakpak ang tenga ko sa tuwa dahil parang inamin niya na din na ako yung crush niya! Yieeeee! Kilig naman ako niyan hihihi.
Yung mga classmate ko din, tinutukso na siya. Pero imbes na sa akin, kay Sofia na pangalang ang naririnig kong bukambibig nila.
"Yun oh! Sofia ka pala Mycko eh!"
"Dami talagang humahanga kay Sofia!"
"Yieeeee! Sofia narinig mo yun? Kinikiig na yan!"
At naalala ko, Sanchez din pala ang apelyido ni Sofia.

BINABASA MO ANG
Chinito (Short Story)
HumorPaano kung may transferee kayo na Chinito ang dating? Magiging crush mo agad? Paano kung nag-assume ka na crush ka din niya? Feelingera agad? Pero nag-assume ka lang naman, malay mo totoo. =) Inspired by Yeng Constantino's song: Chinito.