Parang wala lang kay Sofia na tinutukso-tukso siya ng mga classmates namin. Paano, sanay na kasing laging may admirers eh. Ako naman.....
Eto. Badtrip.
Bakit kasi apelyido lang yung nilagay niya? Nag-assume tuloy ako na baka ako yun. Ewan ko pero infatuation lang naman pero na-hurt din ako ah. Medyo lang naman.
Tapos may biglang pumisil sa cheeks ko.
"Aray naman!" Pagrereklamo ko.
"Lungkot ng mukha mo eh. Di bagay sayo." Sabi ni Denise. Wow ah, parang siya hindi.
"Eh paano pa kaya ikaw? Araw-araw galit. Kung hindi galit parang emo." Pangangatwiran ko. Alam kong dapat di ko ginawa yun kasi alam kong sisigawan ako nito. Pero imbes na sigaw, pinitik niya ako sa noo.
"Aba namumuro ka na Denise ah!" Pasigaw kong sabi.
"Malay mo ikaw yung tinutukoy niya." Sagot niya at itinuon ulit ang pansin sa kung anong ginagawa niya kanina.
Ewan ko ba dun pero parang iniisip niya kung ano yung iniisip ko. Ang weird niya pero parang tinutukoy niya na ako yung Sanchez na gusto ni Mycko.
Okay. Tumigil ka na Carla sa pagiging assuming. Ikaw din ang masasaktan niyan.
~~~~~
Ilang araw na ang lumipas pagkatapos mangyari yung essay writing na yun. Wala pa ding ginagawang kung ano si Mycko na nagpapahayag ng feelings niya kay Sofia. Torpe ata.
"Oy Carla, magpaiwan ka daw muna dito sabi ni ma'am. May ipapagawa yata. Alis na ako." Sabi ni Denise na para atang hindi nakakunot ang noo ngayon. Anyare dun? Once in a blue moon lang ata naging mukhang maaliwalas ang mukha niya at isa ito sa mga araw na iyon.
Tumango nalang ako at umupo.
~~~~~~~~~~
Mga 30 minutes na din akong naghihintay doon pero di pa rin dumadating si ma'am. Nainip na ako sa kakaupo kaya kinuha ko na yung mga gamit ko upang umuwi. Wala na akong pakialam kung pagagalitan niya ako bukas. Ang tagal niya kasi ehhhhh >_<.
Habang naglalakad, nakita ko yung adviser namin. "Ma'am! Sabi raw po may iuutos daw po kayo sa akin. Kanina pa ako naghihintay sa classroom di naman kayo dumating -_______-."
"Ha? Anong iuutos? Wala ah. Who told you that? Baka niloloko ka lang nun." Pag e-explain ni ma'am. Aba kaya naman pala mukhang masaya yung Denise na yun. Pinagti-tripan lang pala ako. Langya. Lagot talaga sa akin yun bukas. Capital G R R R R R!
"Ay wala po yun ma'am. Kakausapin ko nalang yun bukas."
"Sige. Mag aral ng mabuti ha?" Sabi nito saka naman umalis.
Habang naglalakad at iniisip kung anong gagawin kay Denise bukas, may narinig akong nag-aaway sa left side ng intersection ng hallway. Aawatin ko sana kaso pinakinggan ko muna kung anong pinag-tatalunan nila kaya sumandal ako dun sa may wall. Chismosa much?
"Tignan mo kung anong oras na oh! Baka nga na-bored na yun doon eh. Ako na nga yung gumawa ng paraan tapos ang torpe mo pa insan!" Sabi nung isa. Parang pamilyar yung boses.
"Baka naman maisip niya na weird ako kasi napapansin kong nakabusangot siya lagi di tulad nung dati. Siguro hinawaan mo yun ng pagiging bad vibes mo no?!" Sagot naman nung kausap niya.
"Ikaw na nga itong tinutulungan tapos pagbibintangan mo pa ako. Saka magagalit pa sa akin yun bukas kasi nagsinungaling ako sa kanya." Ah! Boses yun ni Denise! Kaso sino kaya yung isa?
"Wala naman kasi akong sinabing gawin mo yun. Tingin mo madaling sabihin na gusto ko siya? Paano? I'll just say, 'Hey Denise! I like you nga pala kaso what happened to you? Nawala yung mga ngiti mo na parang malungkot ka. You know I like that cute smile of yours.' Ganun?"
Ermegerd! >//////////<
Denise daw?!
Ako?!
"Oo. Kaso medyo cheesy nga lang pero that's fine. Tara na nga!" Sabi ni Denise at may naramdaman akong bumunggo sa akin. Feel ko na ang lakas ng impact kaya ipinikit ko nalang yung mata ko at hinanda ang sarili sa pagbagsak sa sahig pero hindi nangyari yun.
May sumalo sa akin.
Naramdaman kong may nakahawak sa bandang ulo ko at sa bewang ko kaya dahan-dahan kong binuksan yung mga mata ko at nagulat.
Si Mycko.
Sinalo ako ni Mycko.
Teka nananaginip ba ako?!
Mukhang pati siya, nagulat din. Mga ilang seconds din kaming nakaganun at habang pinoprocess pa ng utak ko, nagsalita na si Denise.
"Hoy sabi ko aamin ka lang. Hindi yung tsansing agad." Pagsasaway niya.
Uminit yung mukha ko at alam kong para na akong kamatis kaya bumitaw na agad ako. O.
Kumamot-kamot si Mycko sa ulo niya, "Ah....eh, n-narinig m-mo ba yung mga s-sinabi ko?"
Hindi ko siya sinagot at nagtanong din, "Magpinsan kayo ni Denise?"
"Di mo alam? Yan kasi late ka dumating nung orientation eh." Sabat ni Denise. Tinitigan lang namin siya ni Mycko na pinapahiwatig na umalis na muna siya.
"Ay, nakakaistorbo ata ako sa inyo ah. Punta lang ako sa canteen ah? Wag mag PDA kasi di pwede yun sa akin." Sabi ni Denise saka naman umalis muna ng exsena.
.
.
.
.
.
"So.......narinig mo nga?" -Mycko
"Uh, oo eh." -Ako
"Er....kailangan ko pa ba na ulitin? Bakit parang ang lungkot mo na?" Sabi niya na parang naiilang pero makikita mo yung concern sa mata niya.
"Ikaw." Gusto kong sabihin pero pinigilan ko yung sarili ko.
"Bakit mo tinatanong? Bakit di ka nalang manligaw dun kay Sofia? Diba sabi mo gusto mo siya?" Bitter kong sabi.
"Bakit, siya lang ba yung Sanchez sa classroom?" Sabi niya na parang nang-aasar.
"Ano ba yung pinahihiwatig mo?" Gets ko yung sinabi niya. Kaso baka assuming nanaman ako.
Tumawa siya, "Bakit ba andito ako sa harapan mo? Ikaw yung gusto ko. Ikaw. Hindi siya. Katulad ng sinabi ko kanina, I like that cute smile of yours. Ikaw yung sinusulyapan ko nung naka shades pa ako nung first week. Natotorpe ako pag gusto kong lumapit sayo. That's why I'm taking this opportunity to ask you, pwede bang manligaw?"
~~~~~~~~~~
Syempre alam niyo na yung sinagot ko, hihihi =">. Three months na nga kami ngayon eh.
Akala ko assuming lang ako pero oo nga, gusto niya nga ako.
Tingin mo, crush ka din ng crush mo? :)
~~~~~~~~~~
Author's Note:
First short story ko po to so pasensya na po kung di kayo naaliw sa aking kwento. Yung isang character, si Denise, siya yung main character sa isa kong story 'Ako Kontrabida? No. Bitter Lang.' Kung gusto niyo po basahin tignan niyo nalang po sa profile ko. Yung CN Blue mamaya na yung concert nila tapos di ako makakapunta T_____T. Oh well, good vibes nalang muna :). Thanks po kung binasa niyo to. I appreciate it! xx

BINABASA MO ANG
Chinito (Short Story)
HumorPaano kung may transferee kayo na Chinito ang dating? Magiging crush mo agad? Paano kung nag-assume ka na crush ka din niya? Feelingera agad? Pero nag-assume ka lang naman, malay mo totoo. =) Inspired by Yeng Constantino's song: Chinito.