Mr. Paasa

54 2 1
                                    

Hai. Anyare Sayo ? Hindi kana nagparamdam simula noong pasukan. Alam mo bang miss na kita ? Ang bonding natin ? Ang mga pangungulit mo ? asan na iyon. Paramdam kanaman oh..

Hindi ko matandaan kong kailan tayo nagkakilala, basta ang alam ko kaibigan na kita simula noong unang araw ko sa kolehiyo. Alam mo bang ikaw ang una kong napansin sa lahat ng tao sa school natin ? .

Diko akalain na ikaw ang unang pumansin sa akin at akala mo pa noon Nanay na ako, nasaktan ako nun ha ! hoy 16 years old palang po ako at laking probinsya kaya ganun. Hindi ko alam kong anong tumatakbo sa isip mo sa panahon na nagkasama tayo . Palagi ka kasing Blankspace. !

Simula noong 2nd semester naging matalik tayong magkaibigan .Palagi mo akong sinasama sa mga lakad mo. Di ko nga inakala na inoobserbahan mo ako. Alam ko naman na ang kilos ko eh iba , kasi nga CHILDISH po ako.

Ikaw ang unang nagdala sa akin sa Favorite Place ko, na natagpuan ko rin dahil sayo. Ikaw ang unang nagbigay sa akin ng chocolate noong valentines day. Ikaw ang unang nag-alay ng kanta para sa akin. Ikaw ang unang dahilan kung bakit ako naclosan ng bahay. Marami kang ginawa para sa akin na hindi ko makakalimutan. Yung roadtrip na dinala mo ako sa napaka gandang lugar na diko inexpect na makakapunta ako doon. Yung pamamasyal natin na Adventurous . Yung mga trip natin na wala sa plano.

Alam mo kapag magtetxt ka sa akin, kahit na hawak ko cellphone ko diko rereplayan message mo minsan, kasi alam ko TRIP nanaman hanap mo eh. . Baka niyan ma tripan ng puso ko na mahulog sa yo sakit lang mapapala ko.

Isang araw nun, di ko ienexpect txt mo dahil nga busy tayo nun . Siguro joke lang yung sinabi mo na "pwede manligaw ?" "alam mo ikaw lang ang rason kung bakit ibababa ko standards ko ". Hindi ko alam meaning nun ha ? . Untill now. Diko alam kong ano totoo.

Simula noon palagi mo na akong binibisita sa bahay. Hindi nga lang tag-araw kasi may pasok.At di rin tayo masyadong nagkikita sa school kasi hindi tayo magkaklase. Binibigyan mo ako ng copy ng mga movies na mayroon ka. Pinapatawa mo ako sa mga napaka waley mong jokes , at minsan nagpapaturo ka nga lesson natin na hindi mo na gets. Binigay mo sa akin ang password ng facebook mo. Kinukwento mo sa akin mga kagaguhan mo. Kung ilan ang girlfriends mo . Dami nila ah, tinatawanan ko lang lahat ng iyon dahil wala akong pake noon.Tapos pinagsasalitaan mo ako ng mean na words , ikaw lang ba marunong eh marunong din naman ako , oha ! ,.Masaya naman tayo noon diba kahit friends lang?

Pero lahat ng yon biglang nawala nang nagsimula na ang SECOND SEMESTER (2nd yr.) .Bigla nalang naglaho na parang bula ang mga naging hobby natin. At ang malala , na miss na kita. Palagi ko nang inaantay tawag mo , message mo sa facebook, comment mo sa status ko . Malala na ata pagkamiss ko sayo kasi InoOpen ko account mo sa Google tapos account ko naman sa Opera Mini tapos magme message ako sayo .Tapos titingnan ko na naman sa account mo at babasahin ko message ko don at i dedelete para lang di mo malaman. hahaha. Para akong ewan diba ? tapos binabasa ko mga conversation mo sa lahat ng nasa message mo. Sinasabi ko sa sarili ko buti pa sila nireplayan mo , pero ako seenzoned lang. ! saklap ng buhay to oh.

Di ko inexpect na makita kita sa simbahan noong nagsimba ako. Alam mo bang sinabi ko sa kasama ko na di kita nakita para lang hindi halata ang bigla kong pagsaya . Kahit Our Father ang kinakanta ako parin ay naka tawa ?Pag nakaluhod laki ng smile ko ahh. hahaha, para lang akong tanga . Pero parang di mo ako napansin, paano ba naman eh Altar Server ka. busy ka./ hmmm...

Ang saklap lang kasi ba't di kana nagparamdam sa time na nahulog na ako sayo. Huli naba ang lahat ? Pinaasa mo lang ba ako ? Alam mo bang umasa talaga ako ? Pinaparamdam mo kasi eh. Kahit nga sa facebook ginawa mo kong SEENZONED . Alam mo bang inaabangan kita sa labas ng room namin ? Alam mo bang kinuha ko schedule mo ng walang reason ? . Grabe ka naman, eto na ba ang tinawag nilang " Love at the wrong time ?" pasensya na ha !hirap mo kasing mahalin.

NAGCOCOMENT ka nga puro HAHAHA naman. Saklap ng buhay pag-ibig oh. Sana sinabi mo a hindika tutuloy para di ako umasa .atsaka sana hindi ka nalang nagparamdam . Nakaka destroy ka sa momentom ng pag aaral ko.Alam mo bang in the middle of my brain ikaw ang palaging iniisip. ? Pinaasa mo kasi ang puso ko, ! malay ko bang tumitibok na pala ito para sayo !

Pero sana naman kahit friendzone okay lang waglang ang seenzoned !. Miss NA KITA EH. sana okay ka lang..

Hanggang sa Muli,

Nagmamahal,

Umaasa



Dear : Paasa !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon