clarabell

34 0 0
                                    

High school ako at sawang sawa na akong magaral, miinsan iniisip ko na sana marso na para graduation na kinabukasan. Patuloy na naging ganito ang aking buhay, bahay, T.V. School tapos bahay ulit. Sinabi ko sa sarili ko... Ganito na lang ba ang buhay ko? Sana may isang bagay na magpabago sa buhay ko.

Ang lahat ay nagiba ng makilala ko ang taong nagbigay sigla at ligaya sa boring na buhay ko. Di ko na idedetalye pa basta malalaman nyo na lang sa kwento ko... ganito nagsimula ang aking kwento..

nasa school ako at nagbabasa ng isang nobelang sinulat ni Jonathan Swift

may pamagat itong Guilliver's Travel. Sa maniwala kayo at sa hindi dito lang umiikot ang halos 80 porsyento ng oras ko sa school, dahil wala akong ka close sa mga kaklase ko, ibang iba sila sa akin, di sila mahilig sa mga interesadong bagay tulad ng history, space explorations, mysteries of the ancient world at iba pa, iba sa mga kinahihiligan nilang mga bagay tulad ng Facebook, Dota, mga kwento ng pagibig, mga teleserye atmga sikat na artista. Ibang iba rin ang mga hinahangaan nilang tao, tulad halimbawa nina daniel padilla, sina katalina at daniel sa walang hanggan at marami pang iba, di tulad ng mga hinahangaan kong sina Napoleon Bonaparte, Julius Ceasar at William the Conqueror ng England. Iyon ang dahilan kung bakit ala akong kaclose sa mga kaklase ko. Di rin ako yung taong plakaibigan, yung tipong basta basta nagtititwala sa ibang tao, di rin ako palakwento at di ako nagsasabi ng sikreto sa iba, isa akong self centered na tao.

Di ako makarelate kapag nag uusap na ang mga kaklase ko tungkol sa love kasi kung isasama sa academic subjects ang love ay marahil bagsak na ako, dahilan sa di ako nagbibigay ng oras para dyan dahil para sa akin masyado pang bata at maaga paradyan, iyan ang tipong pinagiisipan muna bago gawin.

nagbago kami ng sitting arrangement at nakatabi ko ang babaeng si Clarabell.

pano ko ba ilarawan? ah.. Makwento sya, Masayahin at madaldal, di sya nauubusan ng kwento at lagi syang tumatawa na para bang walang problema.

Nagkausap kami ng minsan at tinanong nya ako kung bakit ang tahimik ko lagi ang sabi ko

“ah...eh ganoon talaga ako di ako mahilig makipagkwentuhan” sumagot sya “Wew di ako naniniwala”

“kung di ka naniniwala eh di wag kanhg maniwala!” sumagot sya sa akin “ eto naman napaka “kj” mo naman ah.. kung alamin ko kaya ang hilig mo kausapin mo kaya ako?

Sinagot ko sya “ siguro?”

“ano ba namang sagot yan, di ka katulad nang iba na masayahin at mahilig sa kwento”

sinabi nya sa akin. “ kasi iba ang hilig kong pagusapan” “ah.. ganoon ba oh sige ano ba ang gusto mong pagusapan?”

sumagot ako “yung tungkol sa pagbagsak ng Rome, tungkol kay Spartacus, Sa mga greek Mythology, Supernatural phenomenon, Extraterestrial, greatest civilizations at mga shoguns at samurai” Napatigil sya at napatitig sa akin, halata sa ekspresyon ng kanyang mukha na di nya nauunawaan ang nga sinabi ko. Sinabi nya sa akin

“alam mo wala akong naintindihan sa mga pinagsasabi mo pero dahil yan ang gusto mo sige kwentuhan mo nga ako tungkol dyan” sumagot ako “Ha! Eh wag na lang di mo rin magugustuhan” 

“sige na para maiba naman ang kwentuhan” “wag na lang di mo rin mauunawaan”

“ano ka ba sabi mo yun ang gusto mo tapos ng pagbigyan kita ikaw naman ang ayaw mag kwento ano ka ba”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

clarabellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon